Diyos ng kalagayan ng panahon
Ang diyos ng panahon o diyos ng kalagayan ng panahon ay isang diyus-diyosan sa mitolohiya na may kaugnayan sa kababalaghan ng kalagayan ng panahon na katulad ng kulog, kidlat, ulan at hangin. Karaniwang silang tampok sa mga relihiyong politeisko, na kadalasan bilang pinuno ng mga panteon.
Ang mga diyos ng bagyo ay nilalarawan bilang humahawak ng kulog at ng kidlat. Karaniwan silang mga lalaki, makapangyarihan at bugnuting mga pinuno. Halimbawa ng mga ito ang mga diyus-diyosang Indo-Europeo na hinango mula sa Dyeus na Proto-Indo-Europeo,[1] at ng diyos ng bagyo ng Sinaunang Malapit sa Silangan na si Teshub/Hadad/Yahweh,[kailangan ng sanggunian] na ang mas nahuhuling pangalan ay naging angkop na pangalan ng Diyos ng Israel sa kaharian ng Judah noong Panahon ng Bakal.
Ang Indo-Europeong diyos ng bagyo ay paminsan-minsang inaakala o inilalarawang bukod pa sa namumunong diyos ng langit. Sa ganitong mga kaso, mayroon siyang mga pangalan na nakahiwalay sa etimon na "Dyeus", na maaaring Perkwunos[2] o Taranis.[3]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Indo-European *Deiwos and Related Words" ni Grace Sturtevant Hopkins, Language Dissertations number XII, Disyembre 1932 (suplemento sa Language, pahayagan ng Linguistic Society of America).
- ↑ Simek (2007:332)
- ↑ Paul-Marie Duval. 2002. Les Dieux de la Gaule. Paris, Éditions Payot.