Taranis
Sa mitolohiyang Seltiko, si Taranis ay ang diyos ng kulog na pangunahing sinasamba sa Gaul ng Kapuluang Britaniko, subalit sinasamba rin sa mga rehiyon ng Rhineland at ng Danube, sa piling ng iba pa. Si Taranis, kasama nina Esus at Toutatis bilang kabahagi ng isang banal na katatluhan, ay binanggit ng makatang Romanong si Lucan sa kaniyang tulang epiko na Pharsalia bilang isang anitong Seltiko na pinag-aalayan ng mga handog na tao.[1] Iniugnay si Taranis, katulad ng cyclops na si Brontes ("kulog") ayon sa mitolohiyang Griyego, sa gulong.
Maraming mga representasyon ng isang diyos na balbas na mayroong hawak na isang kidlat ng kulog at isan gulong sa isa pang kamay na nakuha magmula sa Gaul, kung saan ang diyus-diyosang ito ay tila nabuo na kasama ni Hupiter.[2]
Ang pangalan, ayon sa pagtatala ni Lucan, ay hindi napatunayang epigrapiko, subalit ang mga baryasyon ng pangalan ay kinabibilangan ng mga anyong "Tanarus, Taranucno-, Taranuo-, at Taraino-.[3][4]
Ang pangalan ay nagpatuloy sa mitolohiyang Irlandes bilang Tuireann, at maaaring may kaugnayan sa mga diyos ng kulog na Hermaniko (Norsikong Thor, Angglo-Sakson na Þunor, Alemang Donar) at mga diyos ng kulog na mga taong Sami (Horagalles). Si Taranis ay maaaring may kaugnayan sa Galyikong (Gallic) si Ambisagrus (na maaaring mula sa Proto-Seltikong *ambi-sagros = "patungkol sa lakas"), at sa interpretatio romana na Hupiter.
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang muling binuong Proto-Seltikong anyo ng pangalan ay *Toranos "kulog".[5] Sa kasalukuyang araw, ang taranu at taran ng wikang Gales ay may kahulugang 'kumulog' o 'kulog' (taraniñ at taran sa wikang Breton), at ang pangkasalukuyang Tarann ng wikang Irlandes ay may kahulugang 'kulog'. Ito ay maaaring may kaugnayan sa Sinaunang Griyegong "ουρανός" ("ouranos", na may kahulugang "himpapawid"), at "του ουρανού" ("touranou" o "touranos", na may kahulugang "ng himpapawid" o "mula sa himpapawid", na maaaring nagpapahiwatig ng pinagmulan ng kulog (tingnan din ang Ogmios).
Si Taranis, bilang personipikasyon ng kulog, ay kadalasang iniuugnay sa kahalintulad na mga diyus-diyosang matatagpuan sa iba pang mga panteong Indo-Europeo. Sa mga ito, ang mula sa Matandang Wikang Nordikong Þórr, ang Anglo-Saxong Þunor, ang Matandang Mataas na Alemang Donar — na lahat na nagmula sa Proto-Hermanikong *þunraz o *þonar-oz — at ang teonimong Tarhun (tingnan ang Teshub) ng mga Hitita ay naglalaman ng maihahambing na elementong *torun-. Ang Trasiyanong mga pangalan ng diyus-diyosan na Zbel-thurdos at Zbel-Thiurdos ay naglalaman din ng ganitong elemento (ang [[wikang Thraciano|Trasiyanong thurd(a), "itulak, ibagsak na papisa"). Ang pangalan ng diyos ng kulog ng Sami na Horagalles ay hinango mula kay Thor.[6][7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ M. Annaeus Lucanus. Pharsalia, Book I Naka-arkibo 2006-05-02 sa Wayback Machine..
- ↑ Paul-Marie Duval. 2002. Les Dieux de la Gaule. Paris, Éditions Payot.
- ↑ Nicole Jufer & Thierry Luginbühl. 2001. Répertoire des dieux gaulois. Paris, Éditions Errance.
- ↑ Jacob Grimm, Mitolohiyang Teutoniko, ch. 8 Naka-arkibo 2010-06-13 sa Wayback Machine.: "Now with this Donar of the Germani fits in significantly the Gallic Taranis whose name is handed down to us in Lucan 1, 440; all the Celtic tongues retain the word taran for thunder, Irish toran, with which one may directly connect the ON. form Thôrr, if one thinks an assimilation from rn the more likely. But an old inscription gives us also Tanarus (Forcellini sub v.) = Taranis. The Irish name for Thursday, dia Tordain (dia ordain, diardaoin) was perhaps borrowed from a Teutonic one."
- ↑ "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2006-01-14. Nakuha noong 2012-12-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Scheffer, Johannes (1674). The History of Lapland. Oxford.
- ↑ Eesti Keele Instituut (Eesti Teaduste Akadeemia); Eesti Rahvaluule Arhiiv (1 Enero 2004). Folklore: electronic journal of folklore. The Institute. Nakuha noong 19 Agosto 2012.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)