Diyosesis ng Prosperidad
Diyosesis ng Prosperidad Dioecesis Prosperitatis Diyosesis hong Prosperidad Diyosesis sa Prosperidad | |
---|---|
Kinaroroonan | |
Bansa | Pilipinas |
Nasasakupan | Agusan del Sur |
Lalawigang Eklesyastiko | Cagayan de Oro |
Kalakhan | Cagayan de Oro |
Estadistika | |
Lawak | 9,989.52 km² |
Populasyon - Kabuuan - Katoliko | 739,367[1] 486,251 (65.8%) |
Parokya | 26 |
Kabatiran | |
Denominasyon | Katoliko Romano |
Ritu | Ritong Romano |
Itinatag na - Diyosesis | Oktubre 15, 2024 |
Kasalukuyang Pamunuan | |
Papa | Francisco |
Obispo | Ruben Labajo |
Kalakhang Arsobispo | José A. Cabantan |
Ang Diyosesis ng Prosperidad ay isang diyosesis ng Simbahang Katolikong Romano sa Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Agusan del Sur.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa paunang pagpupulong ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) noong Hulyo 9, 2023 sa Kalibo, Aklan, sinang-ayunan nito ang panukala ng Opisbo ng Butuan na si Cosme Damian Almedilla na ihiwalay sa nasasakupan ng kaniyang diyosesis at magtatag ng bagong diyosesis na sasaklaw sa lalawigang sibil ng Agusan del Sur. Itinuturing ng CBCP na isang "missionary frontier" ang Agusan del Sur kung saan isang-katlong bahagi ng populasyon nito ay mga katutubo.[2] Kinatigan naman ng Santa Sede ang naturang panukala at noong Oktubre 15, 2024, tuluyang inihiwalay mula sa Diyosesis ng Butuan at naitatag ang Diyosesis ng Prosperidad na siyang naging ika-87 diyosesis ng Pilipinas.
Si Ruben Labajo, katulong na obispo ng Arkidiyosesis ng Cebu ay hinirang ni Papa Francisco na maging unang obispo nito.[3][4]
Ordinaryo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Obispo | Panahon sa opisina | Eskudo de armas | |
---|---|---|---|
1. | Ruben Caballero Labajo | Itinalaga: Oktubre 15, 2024 |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Erezione della Diocesi di Prosperidad (Filippine) e nomina del primo Vescovo". Bulletin of the Holy See Press Office (sa wikang Italyano). The Holy See Press Office. Nakuha noong 15 Oktubre 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lagarde, Roy (17 Hulyo 2023). "Here's a look at the proposed 3 new Philippine dioceses". CBCP News. Nakuha noong 15 Oktubre 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lagarde, Roy (15 Oktubre 2024). "Pope creates new Philippine diocese, names its first bishop". CBCP News. Nakuha noong 15 Oktubre 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pope Francis creates new PH diocese, appoints its first bishop". GMA Intergrated News. GMA News. 15 Oktubre 2024. Nakuha noong 15 Oktubre 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)