Santa Sede

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Santa Sede o Banal na Sede (Latin: Sancta Sedes, Ingles: Holy See) ay ang nasasakupan ng Simbahang Katoliko sa Roma, kung saan ang Santo Papa mismo ang namamahala bilang punong pastol. Nagsisilbi ito bilang pinakamataas na pamamahala ng simbahan at luklukan ng pagkakaisa dahil sa kanyang antas bilang pangunahing lugar ng mga Kristiyano sa buong mundo. Itinaguyod ito ni Apostol Pedro noong unang panahon nang dumating siya sa Roma upang ipahayag doon ang salita ng Diyos kung saan nakahikayat ng mga nananampalataya. Sa kasalukuyan, ito ay nangangasiwa sa pananampalatayang Kristyano na pinapamahalaan sa bawat kawan.

Ito ay maaring sabihing na katulad ng isang estado, kung saan ang mayroon itong pamamahala na pinamumunuan ng Kalihim ng Estado bilang pangkalahatang tagapangasiwa kasama ang iba't-ibang ahensya at kagawaran na mahalaga sa pamamahala na puwedeng ihalintulad sa mga sangay ng gobyerno. Ito ay nakikilahok sa ugnayang pandaigdigan sa iba't-ibang mga bansa, at hawak ang Lungsod ng Vaticano bilang territoryo nito.

Sa laragan naman ng diplomasya, kinakatawan ng Santa Sede ang buong Simbahang Katoliko, at kinikilala ito ng batas pandaigdig bilang isang hiwalay na pagkakakilanlan na may kapangyarihan, sa pamumuno ng Santo Papa, kung saan maaaring magkaugnay ang mga estado kasama nito.[1][2]

Gayumpaman, hindi magkaugnay ang Santa Sede sa Lungsod ng Vaticano, kahit kung karaniwang tinutukoy bilang "Vaticano" ang Santa Sede: itinatag noong 1929 lamang sa bisa ng Tratado ng Letran ang Lungsod ng Vaticano, habang umiiral pa noong sinaunang panahon ang diyosesis ng Roma na kinakatawan ng Santa Sede. Ang akreditasyon, halimbawa, ng mga embahador sa Simbahang Katoliko ay sa Santa Sede, hindi sa Estado ng Lungsod ng Vaticano, at pinapadala naman ng Simbahang Katoliko ang mga nunsiyo nito sa mga ibang bansa sa ngalan din ng Santa Sede, at hindi ng Estado ng Lungsod ng Vaticano.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Direktang kinuha ang teksto mula sa http://web.archive.org/web/20091021064108/http://www.fco.gov.uk/en/travel-and-living-abroad/travel-advice-by-country/country-profile/europe/holy-see/ (binasa noong 2 Pebrero 2013), sa websayt ng Tanggapang Pandaigdig at Pang-Komonwelt ng Britanya.
  2. Tiyak ang pagkilala sa soberanya ng Santa Sede sa maraming mga kasanduang pandaigdig, at partikular na kinikilala ito sa Artikulo 2 ng Tratado ng Letran ng 11 Pebrero 1929, kung saan nakasaad na "kinikilala ng Italya ang soberanya ng Santa Sede sa larangang pandaigdig bilang hiyas na bahagi ng diwa nito, na umaayon sa tradisyon nito, at sa mga kinakailangan ng misyon nito sa mundo.


Katolisismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.