Pumunta sa nilalaman

Doktorado

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang doktorado (mula sa Latin na docere, "magturo"), degree ng doktor (mula sa Latin na doctor, "guro"), o doctoral degree ay isang postgraduate academic degree na iginagawad ng mga unibersidad at iba pang mga institusyong pang-edukasyon, nagmula sa sinaunang formalismo ng licentia docendi ("lisensiya upang magturo"). Sa karamihan ng mga bansa, ang isang research degree ay nagbibigay karapatan sa may-ari nito na magturo sa antas ng unibersidad sa larangan ng degree o magtrabaho sa isang mupartikular na propesyon. Mayroong ilang uri ng doctoral degrees; ang pinakakaraniwan ay ang Doctor of Philosophy (PhD), na iginagawad sa iba't ibang mga larangan, mula sa mga araling pantao hanggang sa mga agham na larangan.

Sa Estados Unidos at ilang iba pang mga bansa, mayroon ding mga uri ng mga teknikal o propesyonal na degree na kasama ang "doktor" sa kanilang pangalan at inilalagay bilang isang doktorado sa ilan sa mga bansang iyon. Ang mga propesyonal na doktorado ay naitatag upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga praktisyoner sa iba't ibang mga larangan.

Maraming mga unibersidad din ang nagkakaloob ng mga honorary doctorates sa mga indibidwal na pinagkakalooban ng espesyal na pagkilala, maging dahil sa kanilang mga akademikong gawain o iba pang mga kontribusyon sa unibersidad o sa lipunan.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.