Dominic Roque
Dominic Roque | |
---|---|
Kapanganakan | Dominic Karl Manalo Roque 20 Hulyo 1990 |
Nasyonalidad | Pilipino |
Nagtapos | De La Salle–College of Saint Benilde |
Trabaho | Aktor, modelo |
Aktibong taon | 2010–kasalukuyan |
Ahente | Star Magic (2010–kasalukuyan) |
Kilala sa | Hubert Francisco |
Tangkad | 1.75 m (5 ft 9 in) |
Kinakasama | Bea Alonzo (2023; engaged) |
Pamilya | Anthony Roque (kapatid) Arny Ross (pinsan) Mariah Roque |
Website | Dominic Roque sa Instagram |
Si Dominic Karl Manalo Roque (ipinanganak noong Hulyo 20, 1990 sa Lungsod ng Cavite, Cavite, Pilipinas), tanyag bilang Dominic Roque ay isang artista at modelo sa Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang pagganap sa Aryana bilang Hubert, at sa pelikulang Pagpag: Siyam na Buhay bilang si Rico.
Maagang pamumuhay at Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Dominic Karl Manalo Roque o Dominic Roque ay tubong Tagalog, isinilang at nagmula sa Lungsod ng Cavite, Cavite. Siya ay anak ng isang businessman at presidente ng kumpanya. Siya ay pamangkin ng aktres na si Beth Tamayo. Si Roque ay nag-aral ng High School sa Imus Institute. Noong 2007 ay nagsimula siya ng kolehiyo sa De La Salle - College ng Saint Benilde sa kursong Turismo.
Pag-momodelo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago pumasok sa pag-arte, siya ay isa sa mga modelo ng Cosmopolitan simula noong 2008.
Pag arte
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2010, si Dominic ay isinalang sa isang onscreen sa sa soap opera na Habang May Buhay, bilang Mark. At ang sumunod niyang proyekto ay ang kanyang unang pag-arte bilang major lead sa isang pantasya-drama na Aryana katambal si Ella Cruz at kasama si Michelle Vito.
Habang nag-tataping sa isang serye, siya ay dumalo sa mga guesting sa Bandila at sa morning talk show na Kris TV, kung saan napag-usapan ang isyu kay Kathryn Bernardo.
Pagkatapos nang Aryana noong ika Enero 2013, siya ay pumirma sa pangalawang major role ng noon-time serye na May Isang Pangarap, ginampanan niya ang papel ng arroganteng Alvin. Siya ay ipinares kay Erin Ocampo.
Noong Hunyo 2013, si Roque ay naging parte ng Pagpag: Siyam na Buhay sa MMFF entry ng 2013. Kasama niya sa pelikula sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Miles Ocampo, Michelle Vito, CJ Navato at iba pa.
Noong Disyembre 25, 2016, gumanap siya bilang si Fabian aa Horror-thriller, pelikulang Seklusyon na kabilang sa entry nang 2016 Metro Manila Film Festival. Ang pelikula ay nakatanggap ng 8 na premyo, ang pinakamataas na bilang ng premyo na nakamit ng isang pelikula sa kompetisyon.
Pilmograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Telebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pamagat | Ginampanan | Network |
---|---|---|---|
2019 | Pamilya Ko | David Lardizabal | ABS-CBN |
2018 | La Luna Sangre | Jill Imperial | |
2017 | FPJ's Ang Probinsyano | Christian Clemente | |
Langit Lupa | Luis | ||
2016 | Maalaala Mo Kaya: Silver Medal | Gino | |
Ipaglaban Mo: Lola | Pong | ||
Umagang Kay Ganda | Kanyang sarili/Host | ||
2015 | Pangako Sa 'Yo | Mark Delgado | |
Home Sweetie Home | Warren | ||
Kapamilya Deal or No Deal | Lucky Star (Batch 1) | ||
2014 | Wansapanataym: My App #Boyfie | Melvin | |
Ipaglaban Mo: Akin Ang Asawa Ko | Archie | ||
Sana Bukas pa ang Kahapon | Teen Leo Romero | ||
Moon of Desire | Vince Regalado | ||
Maalaala Mo Kaya: Bahay | Luman | ||
Luv U | Joel Velasquez | ||
2013 | Maalaala Mo Kaya: Singsing | batang Roger Canlas | |
It's Showtime | Kanyang sarili/Special Guest | ||
Kris TV | Kanyang sarili/Guest | ||
Bandila | Himself/Special Guest | ||
Wansapanataym: Flores de Yayo | Carlo | ||
May Isang Pangarap | Alvin Francisco | ||
2012-2013 | Aryana | Hubert Francisco | |
2010 | Habang May Buhay | Mark Alcantara |
Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pamagat | Ginampanan | Produksyon |
---|---|---|---|
2013 | Pagpag: Siyam na Buhay | Rico | Star Cinema Regal Films |
2015 | Crazy Beautiful You | Male Car Racer | Star Cinema |
2016 | Seklusyon | Fabian | Reality Entertainment |
2017 | My Ex and Whys | Jaguar Martinez | Star Cinema |
Spirit of the Glass 2: The Haunted | Vince | OctoArts Films, T-Rex Entertainment Productions |