Dominica
- Huwag ikalito sa Republikang Dominicana.
Komonwelt ng Dominica | |
---|---|
Awiting Pambansa: Isle of Beauty, Isle of Splendour | |
![]() | |
![]() | |
Kabisera | Roseau |
Pinakamalaking lungsod | capital |
Wikang opisyal | Ingles |
Vernacular languages | Kwéyòl Island Carib |
Pangkat-etniko (2015[2]) |
|
Katawagan | Dominican |
Pamahalaan | Unitary parliamentary republic |
• Pangulo | Charles Savarin |
Roosevelt Skerrit | |
Lehislatura | House of Assembly |
Kasarinlan | |
1 Marso 1967 | |
• mula sa United Kingdom | 3 Nobyembre 1978 |
Lawak | |
• Kabuuan | 750 km2 (290 mi kuw) (ika-184) |
• Katubigan (%) | 1.6 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa Hulyo 2009 | 72,660 (ika-195) |
• Senso ng 2014 | 72,337 |
• Kapal | 105/km2 ([convert: di tugmang yunit]) (ika-95) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2012 |
• Kabuuan | $1.002 billion[3] |
• Bawat kapita | $14,166[3] |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2012 |
• Kabuuan | $497 million[3] |
• Bawat kapita | $7,022[3] |
TKP (2013) | ![]() mataas · 93rd |
Salapi | East Caribbean dollar (XCD) |
Sona ng oras | UTC–4 |
Gilid ng pagmamaneho | left |
Kodigong pantelepono | +1-767 |
Kodigo sa ISO 3166 | DM |
Internet TLD | .dm |
Ang Dominica (pagbigkas: do•mi•ní•kä; Pranses: Dominique; Island Carib: Wai‘tu kubuli), opisyal na tinatawag na Komonwelt ng Dominica, ay isang malayang pulong bansa. Ang kabesera, Roseau, ay matatagpuan sa gilid na leeward ng pulo. Ito ay bahagi ng mga pulong Windward sa kapuluang Lesser Antilles ng Dagat Caribbean. Ang pulo ay matatagpuan sa timog-timog-silangan ng Guadeloupe at sa hilagang-kanluran ng Martinique. Ito ay may lawak na 750 square kilometre (290 mi kuw) at ang pinakamataas na tuktok ay Morne Diablotins, sa may taas na 1,447 metro (4,747 tal)tamapakan). Ang populasyon ay 72,301 sa senso noong 2014.
Ang pulo ay orihinal na pinaninirahan ng mga Kalinago at kalaunan ay sinakop ng mga Europeo, karamihan nitó ay mga Pranses, na dumating sa pulo sa araw ng Linggo, 3 Nobyembre 1493 ("Linggo" = "Dominica" sa Latin). Pumalit sa kapangyarihan ang Gran Britanya noong 1763 matapos ang Pitong Taong Digmaan at unti-unting itinatag ang Ingles bílang opisyal na wika. Ang pulong republika ay nagkamit ng pagsasarili noong 1978.
Ang pangalan nito ay binibigkas nang may diin sa ikatlong pantig, kaugnay sa pangalang Pranses nitó na Dominique. Ang Dominica ay pinalayawang "Nature Isle of the Caribbean" dahil sa hindi pa nababahirang likás na kagandahan.[5] Ito ay pinakabatang pulo sa Lesser Antilles, na patuloy na binubuo ng mga aktibidad na geothermal-volcanic, na pinapatototo ng pangalawang-pinakamalaking hot spring sa mundo, ang Boiling Lake ("kumukulong lawa"). Ang pulo ay may luntiang mabundok na kagubatan, at tahanan ng maraming bihirang species ng halaman, hayop, at ibon. Mayroong lugar na xeric sa ilang bayabaying rehiyon sa kanluran, ngunit mabigat ang pag-ulan ang nangyayari sa loob ng bansa. Ang Sisserou parrot (isang uri ng loro), na kilala rin bilang imperial amazon at matatagpuan lámang sa Dominica, ay pambansang ibon at itinatampok sa pambansang bandila. Ang ekonomiya ay nakasalalay sa turismo at agrikultura.
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ Dominica -- Coat of Arms
- ↑ "Dominica Ethnic groups 2001 Census". Cia.gov. Tinago mula sa orihinal noong 2016-01-30. Nakuha noong 2013-09-29.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 "Dominica". International Monetary Fund. Nakuha noong 2013-04-18.
- ↑ "2014 Human Development Report Summary" (PDF). United Nations Development Programme. 2014. pa. 21–25. Nakuha noong 27 July 2014.
- ↑ P. C. Evans & L. Honychurch, Dominica: Nature Island of the Caribbean.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.