Don't Cry for Me, Argentina
Ang "Don't Cry for Me, Argentina", o "Huwag Lumuha Para sa Akin, Arhentina" sa literal na pagsasalinwika, ay ang pinakakilalang awitin mula sa musikal na Evita noong 1978. Nagmula ang tugtugin mula kay Andrew Lloyd Webber, samantalang ang mga panitik o mga liriko ay isinulat ni Tim Rice. Inawit ito ng pangunahing tauhang si Eva Peron. Una itong pinamagatang "It’s Only Your Lover Returning" (literal na "Ang Mangingibig Mo Lamang na Nagbabalik") bago humantong sa pangkasalukuyang kinikilalang kinalabasang pamagat. Lumitaw ito nang maaga sa pangalawang akto habang nagpapahayag si Evita sa madla mula sa balkonahe ng Casa Rosada at nagtatangi ng melodiyang may malawak na temang may makabagbag na damdamin ng panghihinayang at hindi pagtanggap ng pangyayaring naganap, na katangian ng mga bantog na mga pinakabantog na mga awit ni Lloyd Webber. Katulad ng tono ng kanta ang sa "Oh What a Circus" na nagbuhat din sa palabas na ito.
Sa likod ng pabalat ng 56 Best of Tunog Sikat non-stop (disko kompakto), isinalin ang pamagat ng awiting ito bilang Huwag Lumuha Argentina.[1]
Panitik
[baguhin | baguhin ang wikitext]Narito ang piling bahagi ng panitik ng awiting ito, na nasa orihinal na anyo sa Ingles. Karugtong nito ang naging anyo ng liriko sa pagsasalinwika:
Sa Ingles
[baguhin | baguhin ang wikitext]- It won't be easy, you'll think it strange
- When I try to explain how I feel
- That I still need your love after all that I've done
- You won't believe me
- All you will see is a girl you once knew
- Although she's dressed up to the nines
- At sixes and sevens with you
- Don't cry for me, Argentina
- The truth is I never left you
- All through my wild days
- My mad existence
- I kept my promise[2]
Sa Tagalog
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ma'aring isipin na kaiba
- Ang damdamin kong nadarama
- Ang pagmamahal mo'y kailangan ko pa
- Ang 'yong kilala ay ang bata na noo'y musmos pa
- Wala pang alam sa buhay
- Sa paglalaro'y kasama
- Huwag lumuha, Argentina'
- Kaylan ma'y di ka iniwan
- Sa 'king dinanas
- Nagkamali man
- Aking pangako'y di ka iiwan
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Huwag Lumuha Argentina", Don't Cry for Me Argentina, Ikalawang Bahagi, 56 Best of Tunog Sikat non-stop, DYNA Products Inc., Philippines.
- ↑ Don’t Cry for Me, Argentina Naka-arkibo 2017-04-10 sa Wayback Machine., Sing365.com
Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.