Dum Diversas
Ang Dum Diversas (kahulugan: "hanggang sa maiba" o "hanggang maging iba") ay isang bula ng papa na inilabas noong 18 Hunyo 1452 ni Papa Nicolas V na itinuturo ng ilan sa "paglulunsad ng kalakalan ng aliping Aprikano." [1] Ito ay nagbigay kapangyarihan kay Afonso V ng Portugal na sakupin ang mga Saracen at mga pagano at paliitin sila sa "walang katapusang pang-aalipin."[2] Inulit ni Papa Calixto III ang bula na ito noong 1456 sa Etsi cuncti, na binago ni Papa Sixto IV noong 1481 at Papa Leo X noong 1514 sa Precelse denotionis. Ang konsepto ng pagbibigay ng eksklusibong mga sakop ng impluwensiya sa ilang mga bansang estado ay pinalawig sa mga Amerika noong 1493 ni Papa Alejandro VI sa Inter caetera.[3][4][5][6]
Ito ay inilabas ng isang tao bago ang Pagbagsak ng Constantinople noong 1453 at ang bula na ito ay maaaring nilayon upang simulan ang isa pang krusada laban sa Imperyong Ottoman.[4] Ang pamangking lalake ni Nicolas V' na si Loukas Notaras ang Megas Doux ng Imperyong Bizantino.[7] Nakikita ng ilang mga historyan ang mga bula na ito nang magkakasama bilang pagpapalawig ng legasiyang pangteolohiya ng Mga Krusada ni Papa Urbano II upang pangatwiranan ang kolonisasyong Europeo at pagpapalawig.[4] [8] Ang Dum Diversas ay likas na hindi nalilimitahan ng heograpiya sa paglalapat nito at marahil ang pinakamahalagang akto ng papa na nauugnay sa kolonisasyong Portuges. [9]
Ang Dum Diversas ay nagsasaad na:
"Pinagkakalooban namin kayo [Mga hari ng Espanya at Portugal] sa pamamagitan ng mga kasalukuyang dokumentong ito sa aming autoridad na apostoliko ng buo at malayang pagpayag na sakupin, hanapin, bihagin, pasukuin ang mga Saracen at mga pagano at sinumang ibang mga hindi mananampalataya at mga kaaway ni Kristo saan man sila gayundin ang kanilang mga kaharian, dukado, mga kondado, mga prinsipalidad at ibang mga pag-aari[...] at paliitin ang kanilang mga pagkatao tungo sa walang katapusang pang-aalipin.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Love, David A. Hunyo 16, 2007. "The Color of Law On the Pope, Paternalism and Purifying the Savages Naka-arkibo 2007-09-29 sa Wayback Machine.." ZNet.
- ↑ Davenport, Frances Gardiner, and Paullin, Charles Oscar. 1917. European Treaties Bearing on the History of the United States and Its Dependencies to 1684. Carnegie Institution of Washington. p. 12. A large excerpt of the bula, in Latin, can be found in Davenport, p. 17, Doc. 1, note 37.
- ↑ 3.0 3.1 Hayes, Diana. 1998. "Reflections on Slavery." in Curran, Charles E. Change in Official Catholic Moral Teaching.
- ↑ 4.0 4.1 4.2 Sardar, Ziauddin, and Davies, Merryl Wyn. 2004. The No-Nonsense Guide to Islam. Verso. ISBN 1-85984-454-5. p. 94.
- ↑ Hart, Jonathan Locke. 2003. Comparing Empires: European colonialism from Portuguese expansion to the Spanish-American War. Palgrave Macmillan. ISBN 1-4039-6188-3. p. 18.
- ↑ Bourne, Edward Gaylord. 1903. The Philippine Islands, 1493-1803. The A.H. Clark company. p. 136.
- ↑ Eaglestone, C.R. 1878. The siege of Constantinople, 1453. p. 7.
- ↑ Hood, Robert Earl. 1994. Begrimed and Black: Christian Traditions on Blacks and Blackness. Fortress Press. ISBN 0-8006-2767-9. p. 117.
- ↑ Grewe, Wilhelm Georg. 2000. The Epochs of International Law. Walter de Gruyter. ISBN 3-11-015339-4. p. 230.