Pumunta sa nilalaman

Marcos ang Ebanghelista

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ebanghelistang Marcos)

Si San Marcos ang Ebanghelista ay ang tradisyonal na may-akda ng Ebanghelyo ayon kay Marcos. Siya ay isa sa Pitumpung Disipulo ni Kristo at kinikilalang nagtatag ng Simbahan ng Alexandria, isa sa apat na orihinal na pangunahing upuan ng obispo sa relihiyong Kristyanismo.

Ayon kay William Lane, isang tradisyon ang nagsasabi na si Marcos ang Ebanghelista at si Juan Marcos ay iisa. Ngunit, ayon kay Hippolytus, sa kanyang akda na Sa Pitumpung Apostoles, si Marcos de Ebanghelista (2 Tim. 4:11), Juan Marcos (Gawa 12:12, 25; 13:5, 13; 15:37), at si Marcos ang pinsan ni Barnabas (Col 4:10; Phlm 24) ay hindi iisang tao. Dinagdag niya na lahat sila ay kabilang sa Pitumpung Disipulo ni Kristo na ipindala ni Kristo upang ipalaganap ang Mabuting Balita sa kalupaan ng Judea (Lucas 10:1ff.). Kaya nga lang, noong sinabi ni Hesus na ang Kanyang Katawan ang tunay na pagkain at ang Kanyang Dugo ang tunay na inumin, maraming disipulo ang umiwan sa Kanya (Juan 6:44-6:66), siguro kabilang si Marcos. Siya ay ibinalik sa pananampalataya ni San Pedro at naging tagapaliwang ng unang Santo Papa. Isinulat niya ang Ebanghelyo ni San Marcos. Itinatag din niya ang Simbahan ng Aprika at naging obispo ng Alexandria.

Ayon kay Eusebio ng Caesarea (Ecclesiastical History 2.9.1-4), pinatay ni Herod Agrippa I, sa kanyang unang taon bilang hari ng Judea, si Santiago anak ni Zebedias at ipinaaresto si Pedro, nagbabalak na siya ay patayin din. Si Pedro ay himalang iniligtas ng mga anghel at nakatakas sa kaharian ni Herod (Gawa 12:1-19). Pumunta si Pedro sa Antioch, tapos ay sa Asia Minor (binisita ang mga simbahan sa Pontus, Galatia, Cappadocia, Asya, and Bithynia, gaya ng nakasaad sa 1 Pedro 1:1) at nakarating sa Roma sa ikalawang taon ni Emperor Claudius (AD 42; Eusebio, Ecc. Hist. 2.14.6). Haban naglalakbay, nakita niya sa Marcos at kinuha siya bilang kanyang kasama at tagapaliwanag. Ang pagpapahayag ni Pedro sa Roma ay isang tagumpay na siya ay ginawan ng mga nakatira roon ng isang statwa sa lungsod. Sa kanilang pakiusap, isinulat ni Msrcos ang mga sermon ni Pedro na bumubuo sa Ebanghelyo ayon kay Marcos (Eccl. Hist. 15-16) bago pumunta sa Alexandria noong ikatlong taon ni Claudius (AD 43).

Sa taong AD 43, sampung taon matapos ang Pag-akyat ni Hesus sa Langit, pumunta si Marcos sa Alexandria at itinatag ang Simbahan ng Alexandria na ngayon ay inaangkin ng Simbahan ng KoptiK Ortodoks. Ang ilang aspekto ng liturhiyang Koptik ay nagmula mismo kay San Marcos. Siya ang naging unang obispo ng Alexandria, at pinarangalan bilang tagapagtatag ng Simbahan ng Aprika.

Ayon muli kay Eusebio (Eccl. Hist. 2.24.1), si Annianus siguro ang pumalit kay Marcos bilang obispo ng Alexandria sa ikawalong taon ni Nero (AD 62/63), ngunit hindi sigurado dahil sa kanyang kamatayan. Batay sa tradisyong Koptik, si Marcos ay namatay na martir noong AD 68. Pinaniniwalaan na noong gabi ni si Hesus ay inaresto sa hardin ng Gethsemani, sinundan siya ni Marcos at nang makita siya ng maga gwargya ng templo ay tumakbo siya at nahulog ang kanyang saping pang-ibaba.

Ang kanyang pista ay tuwing ika-25 ng Abril, at ang kanyang simbolo ay ang mukha sa kanan ng isang kerubino - ang leon.

Impormasyon mula sa Bibliya at Tradisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagmula kay Papias ang patunay na si San Marcos ang may-akda ng Ebanghelyo ayon kay Marcos. Ayon kina D.A. Carson, Douglas J. Moo, at Leon Morris, "halos siguradong" si Juan Marcos ang tinutukoy ni Papias. Sa kabilang banda, ayon sa ilan, ang pagsasabi na iisang tao lamang si Juan Marcos, si Marcos ang pinsan ni Barnabas, at si San Marcos ang Ebanghelista ay nakasisira sa katauhan ni Barnabas mula sa isang totoong "Anak ng Kaginhawahan" tungo sa isang taong mas pinahahalagahan ang mga kamag-anak kaysa sa dangal.

Dahil sa haka-haka na si San Marcos at si Juan Marcos ay iisa, sinasabing si San Marcos and nagdala ng tubig sa bahay kung saan ginanap ang Huling Hapunan (Marcos 14:13) o ang lalaking tumakbo nang nakahubo noong inaresto si Hesus (Marcos 14:51-52)

Ang tradisyong si San Marcos at si Juan Marcos ay iisa ay pinanghahawakan ng Simabakang Koptik. Naniniwala rin sila na isa siya sa Pitumpung Disipulo ni Hesus (Lucas 10:1), na kinumpirma ng tala ni Hippolytus. Ayon sa kanila, pinatuloy ni San Marcos ang mga disipulo sa kanyang tirahan matapos mamatay ng Panginoon. Sa kanyang tahanan, nagpunta si Kristo noong Siya ay muling nabuhay (Juan 20) at bumaba ang Espiritu Santo sa mga disipulo noong Pentecostes.

Si San Marcos ay pinaniniwalaang ang alagad noong Kasalan sa Kana na naglagay ng tubig na ginawang alak ni Hesus (Juan 2:1-11). Ang tradisyong ito ay walang patunay sa Bagong Tipan, maging sa Kasaysayan ng Simbahan.

Ayon sa Simbahang Koptik, si San Marcos ay ipinanganak sa Cyrene, isang lunsod sa Pentapolis ng Hilagang Aprika (ngayon ay Libya). Nagbalik daw siya roon matapos atasan ni San Pablo na magtungo sa Colosas (Col 4:10 at Phlm 24; tinutukoy ng mga bersikulong ito si Marcos ang Pinsan ni Barnabas) at samahan siyang maglingkod sa Roma (2 Tim 4:11); mula sa Pentapolis, nagpunta siya sa Alexandria. Nang bumalik si Marcos sa Alexandria, ginawa niya ang lahat upang itigil ang pagsamba ng mga tao roon sa mga tradisyunal na diyos, ngunit mariin siyang tinutulan ng mga pagano sa lunsod. Noong AD 64, tinalian nila ng lubid ang kanyang leeg at kinaladkad siya sa kalsada hanggang sa siya ay namatay.

Ang Kanyang mga Labi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 828, ninakaw ng dalawang mangangalakal na taga-Venice at dinala sa kanilang lugar (si Byzantine Theodore ng Amasea pa ang kanilang patron noon) ang mga relikya ni San Marcos mula sa Alexandria. Isang basilica ang itinayo upang paglagyan ng mga relikya.

Isang mosaic sa Basilica ni San Marcos, Venice, ang nagpapakita ng mga mandaragat na tinatakpan ng karne ng baboy ang mga relikyo ng santo. Dahil hindi maaaring humawak ng karne ng baboy ang mga Muslim, ginawa ito upang pigilan sila sa pag-aalis ng mga relikyo.

Naniniwala ang Simabahang Koptik na ang ulo ni San Marcos ay nasa Alexandria. Taun-taon, tuwing ika-tatlumpung araw ng buwan ng Paopi, ipinagdiriwang ng Simbahang Koptik Ortodoks ang konsekrasyon ng simbahan ni San Marcos at ang pagpapakita ng ulo ng santo sa Alexandria. Ginaganap ito sa labas ng Koptik Ortodoks Katidral ni San Marcos sa Alexandria, kung saan iniingatan ang ulo ng santo.

Noong 1063, nang ginagawa pa lamang ang bagong baslica sa Venice, hindi matagpuan ang mga relikya ng santo. Ayon sa tradisyon, noong 1094, itinuro mismo ni San Marcos ang isang poste upang ipakita ang kinaroroonan ng kanyang mga relikyo. Ang kanyang mga labi ay inilagay sa isang sarkopagus sa basilica.

Noong Hunyo 1968, ang Santo Papa ng Alexandria na si Cyril VI ay nagpadala ng opisyal na delegasyon sa Rom upang tumanggap ng relikyo ni San Marcos mula sa Santo Papa ng Simbahang Romano Katoliko na si Pablo VI. Ang delegasyon ay binuo ng sampung metropolitan at obispo (pito ay Koptik at tatlo ay nagmula sa Ethiopia) at tatlong prominenteng di-klerikong pinuno ng Simbahang Koptik.

Ang relikyo na isang maliit na piraso ng buto ay ibinigay sa Santo Papa (Romano Katoliko) ng Patriarka ng Venice na si Giovanni Cardinal Urbani. Sinabi ng Kanyang Kabanalan sa kanyang talumapti sa delegasyon na ang natitirang mga relikya ay nasa Venice.

Natanggap ng delegasyon ang relikya noong ika-22 ng Hunyo, 1968. Kinabukasan, nagdaos ang delegasyon ng isang liturhiyang pontipikal sa Simbahan ni San Athanasius sa Roma. Ang mga metropolitan, obispo, at kaparian sa delegasyon ay naglingkod sa liturhiya. Ang mga kasapi ng delegasyong papal sa Roma, mga Koptic na naninirahan sa Roma, mga mamamahayag, at mga pinunong nagmula sa iba't ibang bansa ay dumalo rin sa liturhiya.