Pumunta sa nilalaman

Papa Shenouda III

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pope Shenouda III of Alexandria)
Ang Kanyang Kabanalan Papa Shenouda III
Papa ng Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alexandria
Pope Shenouda III at Cairo University, June 2009
Katutubong pangalan
  • Ⲡⲁⲡⲁ Ⲁⲃⲃⲁ Ϣⲉⲛⲟⲩϯ ⲅ̅
  • البابا شنودة الثالث
Nagsimula ang pagka-Papa14 Nobyembre 1971
Nagtapos ang pagka-Papa17 Marso 2012
HinalinhanCyril VI
Kahalili Theodoros II
Mga orden
Ordinasyon1954 (Kaparian)
Konsekrasyon30 Setyembre 1962 (Episcopal)
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanNazeer Gayed Roufail
نظير جيد روفائيل
Kapanganakan3 Agosto 1923(1923-08-03)
Asyut, Egypt
Yumao17 Marso 2012(2012-03-17) (edad 88)
Cairo, Egypt
PagkakalibingMonastery of Saint Pishoy, Egypt
KabansaanEgyptian
DenominasyonCoptic Orthodox Church of Alexandria
TirahanCoptic Orthodox Patriarchal Residence

Si Papa Shenouda III (Egyptian Arabic pronunciation: [ʃeˈnuːdæ]; Coptic: Ⲡⲁⲡⲁ Ⲁⲃⲃⲁ Ϣⲉⲛⲟⲩϯ ⲅ̅   Papa Abba Šenoude pimah šoumt ; Arabe: بابا الإسكندرية شنودة الثالثBābā al-Iskandarīyah Shinūdah al-Thālith ; 3 Agosto 1923 – 17 Marso 2012[1]) ang ika-117 Papa at Patriarka ng Simbahan ng Alexandria. Ang kanyang episkopata ay tumagal nang 40 taon, 4 na buwa, 4 na araw mula Nobyembre 14, 1971 hanggang sa kanyang kamatayan noong Marso 17, 2012. Ang kanyang opisyal na pamagat ay Papa ng Alexandria at Patriarka ng Lahat ng Aprika sa Banal na Apostolikong Sede ni San Marcos na Ebanghelista ng Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alexandria. Siya rin ang pinuno ng Banal na Synod ng Koptikong Ortodoksong Patriarkata ng Alexandria. Siya ay isang konserbatibong pigura sa loob ng Simbahan at ginagalang rin sa loob ng pamayanang Muslim.[2]

Siya ay ipinanganak na si Nazeer Gayed Roufail (نظير جيد روفائيل, IPA: [nɑˈzˤiːɾ ˈɡæjjed ɾʊfæˈʔiːl]) nong Agosto 3,1923 at naging monghe noong 1954 sa ilalim ng pangalang Padre Antonios na Syriano pagkatapos sumali sa Monasteryong Syriano ng Kailangmang Birhen Marya, Ina ng Diyos na Theotokos. Noong 1958, siya ay itinaas sa pagkapari. Noong 1962, hinimok ni Papa Cyril VI ng Alexandria si Padre Anotnios at kinonsagra siyang Pangkalahatang Obispo para sa Edukasyong Kristiyano at Dekano ng Seminaryong Teolohikal na Koptikong Ortodokso na pagkatapos ay gumamit ng pangalang Shenouda na pangalan ng santong Koptiko na si Shenoute (347/348–465/466) gayundin ang mga dalawang nakaraang Papa ng Alexandria: Papa Shenouda I ng Alexandria (Episkopata 859–880) at Papa Shenouda II ng Alexandria (Episkopata 1047–1077). Kasunod ng kamatayan ni Papa Cyril VI ng Alexandria noong Marso 9, 1971, ang proseso ng pagpili ay nagresulta kay Obispo Shenouda na maging bagong Papa. Siya ay kinonsagra noong Nobyembre 14, 1971. Sa kanyang pagka-Papa, ang Simbahang Koptiko ay malaking lumago. Siya ay humalal ng unang mga obispo para sa diocese ng Hilagang Amerika na naglalaman ngayong ng higit sa 200 parokya(200 sa Estados Unidos, 23 sa Canada at 1 sa Mehiko) na tumaas ng apat noong 1971. Kanya ring hinirang ang mga unang obispong Koptiko sa Europa, Australia, at Timog Amerika. Sa loob ng Ehipto, siya ay nakibaka sa kapakanan ng kanyang mga tao at ng Simbahan. Siya ay kilala sa kanyang pagtutuon sa ekumenisma. Kanyang itinuon ang kanyang mga kasulatan, katuruan at mga aksiyon sa pagpapalaganap ng mga gabay sa pag-unawa, kapayapaan, usapan at kapatawaran. Sa kanyang kamatayan, siya ay nakitang isa sa Dakilang mga Patriarka ng sinaunang Simbahan ng Alexandria na isang mahusay na kilalang ama ng simbahan, guro at pangunahing tagapagtanggol ng pananampalataya at isang kilalang pinunong Ehipsiyo nang ika-20 at ika-21 siglo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Pope of Egypt's Coptic Christian Church dies". USA Today. 17 Marso 2012. Nakuha noong 17 Marso 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Zaken, Hillary (18 Marso 2012). "Egyptian Copts mourn death of pope". The Times of Israel. Nakuha noong 18 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)