Papa Teofilo ng Alehandriya
Theophilus of Alexandria | |
---|---|
Namatay | 412 |
Benerasyon sa | Simbahang Ortodoksong Koptiko |
Si Theophilus ng Alexandria (namatay noong 412 CE) ang Papa ng Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alexandria mula 385 CE hanggang 412 CE. Siya ay itinuturing na santo sa Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alexandria. Siya ang Koptikong Papa sa panahon ng alitan sa pagitan ng mga bagong nanaig na mga Kristiyano at pagkakatatag ng paganismo sa Alexandria na ang bawat isa ay sinusuportahan ng isang segmento ng populasyon ng Alexandria. Inilarawan siya ni Edward Gibbon bilang "...ang matagal na panahong kaaway ng kapayapaan at birtud, isang matapang, masamang tao na ang mga kamay ay magkahaliling nadumihan ng ginto at dugo."[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Edward Gibbon, The Decline and Fall of the Roman Empire, New York: The Modern Library, n.d., v. 2, p. 57 et seq.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.