Pumunta sa nilalaman

Rentang ekonomiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Economic rent)

Sa ekonomikang neoklasiko, ang rentang ekonomiko ay kahit anumang bayad (sa konteksto ng isang transaksyong pampamilihan) sa isang may-ari ng isang dahilan ng produksyon sa ibabaw ng gastos na kinailangan upang idala ang sanhi na iyon sa produksyon.[1] Sa ekonomikang klasiko, ang rentang ekonomiko ay kahit anumang bayad na ginawa (kabilang ang halagang ibinilang) o pakinabang na natanggap para sa mga di-nagawang pinasok tulad ng lokasyon (lupa) o para sa mga pagmamay-ari na nabuo sa pamamagitan ng paglikha ng mga pribilehiyo sa ibabaw ng likas na mga pagkakataon (halimbawa, mga patente). Sa ekonomiyang moral ng ekonomikang neoklasiko, kabilang sa rentang ekonomiko ang kita na nakuha sa pamamagitan ng paggawa o mga benepisyaryo ng estado ng ibang "nilikha" (pinapalagay na likas ang pamilihan, at hindi nagmumula sa pamamagitan ng estado at panlipunang lumilikha) na eksklusibidad, tulad ng mga samahang paggawa at korupsyong di-opsiyal.

Pangkalahatang-ideya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa malawak na ekonomiyang moral ng tradisyong ekonomika, salungat ang rentang ekonomiko sa pagsobra ng prodyuser, o kitang karaniwan, na parehong may teoriya na may kinalaman sa produktibong aksyon ng tao. Malaya din ang rentang ekonomiko sa gastos ng oportunidad na hindi tulad sa kitang ekonomiko kung saan mahalagang bahagi ang gastos ng oportunidad. Nakikita ang rentang ekonomiko bilang kitang hindi pa pinagkakakitaan[2] habang mas makitid na katawagan ang kitang ekonomiko na isinasalarawan ang kitang sobra na kinita sa pamamagitan ng pagpili sa pagitan ng mga alternatibong inakma mula sa panganib. Hindi tulad ng kitang ekonomiko, hindi puwedeng matanggal ng kompetisyon ang rentang ekonomiko sa teoriya dahil anumang kunin na aksyon ng tatanggap tulad ng pagpapabuti ng bagay na irerenta ay papalitan pagkatapos ang kabuuang kita sa rentang kontrata. Gayunpaman, ang kabuuang kita ay binubuo ng kitang ekonomiko (kinita) dagdag pa ng rentang ekonomiko (hindi pa pinagkakakitaan).

Para sa isang panindang ginawa, maaring nararapat sa rentang ekonomiko ang pagmamay-aring legal ng isang patente (isang pampolitikang pinatupad na karapatan upang magamit ang isang proseso o sangkap). Para sa edukasyon at paglilisensyang pantrabaho, ito ang kaalaman, pagganap, at mga pamantayang pang-etika, gayon din ang mga gastos ng permiso ng lisensya na kolektibong kinokontrol sa kanilang bilang, anuman ang kakayahan at kagustuhan ng mga nais makipagkumpetensya sa presyo lamang sa lugar na nililisensya. Tungkol sa paggawa, maaaring malikha ang rentang ekonomiko sa pamamagitan ng pagkakaroon ng edukasyong panlahat, mga batas sa paggawa, mga suporta sa produksyong panlipunan ng estado, demokrasya, mga kapisanan, at mga unyon ng manggagawa (halimbawa, mas mataas na sahod para ilang manggagawa, kung saan nakakalikha ang aksyong kolektibo ng isang kakapusan ng ganoong mga manggagawa, salungat sa isang ideyal na kondisyon kung saan nakikipagkompentensiya ang paggawa sa ibang kadahilanan ng produksyon sa presyo lamang). Sa karamihan ng ibang produksyon, kabilang ang agrikultura at ekstraksyon, ang rentang ekonomiko ay dahil sa kakapusan (hindi pantay na distribusyon) ng likas yaman (halimbawa, lupa, langis, o mga mineral). Kapag isinapribado ang rentang ekonomiko, tinutukoy ang tatanggap ng rentang ekonomiko bilang "rentista".

Sa kabaligtaran, sa teoriya ng produksyon, kung walang eksklusibidad at mayroong perpektong kompetisyon, walang rentang ekonomiko dahil nagtutulak ang kumpetisyon sa mga presyo na bumaba tungo sa pinakamababa nito.[3][4] Iba ang rentang ekonomiko sa ibang kitang hindi pa pinagkakakitaan o kitang pasibo, kabilang rentang kontrata. May mahalagang mga implikasyon ang pagkakaibang ito para sa kitang pampubliko at polisiya sa buwis.[5][6][7] Habang may sapat na kita sa akawnting, maaring mangolekta ang mga pamahalaan ng isang bahagi ng rentang ekonomiko para sa layunin ng pananalaping publiko. Halimbawa, maaring kolektahin ng isang pamahalaan ang rentang ekonomiko bilang regalyas (royalty) o bayad sa ekstraksyon sa kaso ng mga mapagkukunang yaman tulad ng mga mineral at langis at gas.

Sa kasaysayan, tipikal na nailalapat ang mga teoriya ng renta sa iba't ibang mga may-ari ng kadahilanan sa loob ng isang ekonomiya. Si Hossein Mahdavy ay ang nagpakilala ng konseptong "rentang panlabas", kung saan nakakatanggap ang isang ekonomiya ng isang renta mula sa ibang mga ekonomiya.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "What is Economic Rent? (with picture)". Smart Capital Mind (sa wikang Ingles). 2023-07-19. Nakuha noong 2023-07-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Economic Rent". henrygeorgefoundation.org (sa wikang Ingles). Henry George Foundation.
  3. "Economics A-Z terms: rent". The Economist (sa wikang Ingles).
  4. "What is economic rent?". wisegeek.com (sa wikang Ingles). wiseGEEK, Conjecture Corporation. 6 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Kittrell, Edward R. (Hulyo 1957). "Ricardo and the taxation of economic rents". The American Journal of Economics and Sociology (sa wikang Ingles). 16 (4): 379–390. doi:10.1111/j.1536-7150.1957.tb00200.x. JSTOR 3484887.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Goode, Richard B. (1984). "Taxation of exports and resources". Sa Goode, Richard B. (pat.). Government finance in developing countries. Washington, D.C: Brookings Institution Press. p. 185. ISBN 9780815731955.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Preview. (sa Ingles)
  7. Hammes, John K. (1985), "Economic rent considerations in international mineral development finance", sa Tinsley, C. Richard; Emerson, Mark E. (mga pat.), Finance for the minerals industry (sa wikang Ingles), New York, N.Y: Society of Mining Engineers of AIME, ISBN 9780895204356, inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-13.{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Mahdavy, Hossein (1970), "Pattern and problems of economic development in rentier states: the Case of Iran", sa Cook, Michael A. (pat.), Studies in the economic history of the Middle East: from the rise of Islam to the present day (sa wikang Ingles), London, New York: OUP, pp. 428–467, ISBN 9780197135617.{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)