Rentang ekonomiko
Ang rentang ekonomiko ang bahagi ng kitang ibinabayad sa isang sanhi ng produksiyon na labis sa gastos ng oportunidad nito o sa kailangan upang panatilihin ang paggamit nito sa kasalukuyang paggamit nito. Ang rentang ekonomiya ang positibong pagkakaiba sa pagitan ng aktuwal na ibinayad sa sanhi ng produksiyon at kabayarang inaasahan ng may-ari nito dahil sa pagiging eksklusibo o kakulangan nito. Ito ay lumilitaw dahil sa hindi perpektong pamilihan. Ito ay walang kaugnayan o hindi dapat ikalito sa katagang renta o upa na kabayaran sa temporaryong paggamit isang kalakal o ari-arian.