Edapolohiya
Ang edapolohiya (mula sa Griyego: ἔδαφος, romanisado: edaphos "lupa" + -λογία, -lohiya) ay pag-aaral ng mga paraan kung paano naiimpluwensiyahan ang lupa ng mga halaman, halamang-singaw, at iba pang mga bagay na may buhay. Kasama na pedolohiya, ito ay bumubuo isang dalawang sangay ng agham panlupa. Sumasaklaw ang edapolohiya ng impluwensiya ng lupa sa paggamit nito ng sangkatauhan pang-paglaki ng mga halaman, pati na rin ang sangkatauhan ng paggamit ng lupa sa kabuuan. Sumasaklaw ang panlahat na mga sub-sangay sa edapolohiya ng agrikultural na agham panlupa (minsan na tinitawag agrolohiya) at pangkalikasan na agham panlupa. (Inaatupag ng pedolohiya ang pedohenesis, lupang morpolohiya, at lupang klasipikasyon.)
Sa Rusya, katumbas ang edapolohiya at ang pedolohiya, pero sa labas ng Rusya, ang edapolohiya ay may inilapat na kahulugan na naaayon sa agropisika at agrokimika.[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Henoponte (431–355 BK) at Cato (234–149 BK) ay sinaunang mga edapolohista. Itinala ng Henoponte ang kapaki-pakinabang na epekto ng pag-araro ng pananim sa lupa. Isinulat Cato ang De agri cultura ("Tungkol sa Pagsasaka") na nagrekomenda ng pagbubungkal ng lupa, ng pag-ikot ng pananim, at ng mga legume (Fabaceae) sa pag-ikot para magdagdag ng nitroheno sa lupa. Inisip rin ang unang klasipikasyon ng kakayahan panlupa para sa mga espesipikong pananim.
Ni Jan Baptist van Helmont (1577–1644) ginanap ang sikat na eksperimento: inilaki ang wilow (Salix) sa palayok ng lupa, at diniligan ito ng ulan lang sa loob ng limang taon. Ang timbang na nakamit ang puno ay humigit ng timbang na nawalan ang lupa. Kaya ipinalagay van Helmont na ang wilow ay yari sa tubig. Bagamat bahagyang tama lamang, ng kanyang eksperimento ay sinindihan ulit ang interes sa edapolohiya.
Mga sangay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Agrikultural na agham panlupa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang agrikultural na agham panlupa ay aplikasyon ng kimika panlupa, pisika, at biyolohiya tungkol sa produksiyon ng mga pananim. Sa mga tuntunin ng kimika panlupa, idinidiin ang nutrisyon panghalaman na mahalaga pagsasaka at paghahalaman, lalo na may kinalaman sa kalusugan panlupa at pataba ng mga bahagi.
Malakas na nagkakasama ang pisikal na edapolohiya, ang patubig pangpananim, at ang pag-agos ng tubig.
Ang pangangalaga ng lupa ay malakas na tradisyon sa agrikultural na agham panlupa. Bukod sa pigil ng erosyon at degradasyon, ang pangangalaga ng lupa ay hinahangad ang pagsustento ng lupa bilang mapagkukunan sa pamamagitan ng mga soil conditioner at mga cover crop.
Pangkalikasan na agham panlupa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nag-aaral ang pangkalikasan na agham panlupa ng interaksiyon natin sa pedospera lagpas produksiyon ng mga pananim. Ng mga napakahahalaga at nagagamit na panig ng sangay ay inaatupag ang iba't-iba paksa na gayunding humahanap ng tipid ng natural na mapagkukunan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Tseits, M. A.; Devin, B. A. (2005). "Soil Science Web Resources: A Practical Guide to Search Procedures and Search Engines" (PDF). Eurasian Soil Science (sa wikang Ingles). 38 (2): 223. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 17 Disyembre 2008. Nakuha noong 2008-01-07.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Midyang kaugnay ng edaphology sa Wikimedia Commons
Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.