Pumunta sa nilalaman

Edukasyong elementarya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Edukasyong pangmababang baitang)

Ang edukasyong elementaryo, edukasyong elementarya, edukasyong pangmababang baitang, edukasyong panimula, edukasyong pansimula, o edukasyong primarya (Ingles: primary education, elementary education) ay ang unang hakbang ng edukasyong kompulsoryo ("edukasyong sapilitan", "edukasyong dapat daluhan", o "edukasyong obligado") na karaniwang natatanggap magmula sa mababang paaralan o paaralang primarya. Nauuna sa edukasyong elementarya ang edukasyong pre-iskul o edukasyong narseri. Kasunod ng edukasyong elementaryo ang edukasyong sekundaryo. Sa bansang katulad ng Estados Unidos, kasunod ng edukasyong elementaryo ang paaralang panggitna o middle school.

Sa karamihan ng mga bansa, kompulsoryo para sa mga bata ang makatanggap ng edukasyong primarya. Pangunahing mga layunin ng edukasyong primarya ang makapagpakamit sa mga mag-aaral ng saligang literasiya (karunungan sa pagbasa at pagsulat) at numerasiya (karunungan sa pagbilang at paggamit ng bilang), pati na ang pagtatatag ng mga pundasyon sa agham, matematika, heograpiya, kasaysayan at iba pang mga agham na panlipunan. Ang nauukol na priyoridad ng sari-saring mga pook ng pag-aaral, at ang mga paraan na ginagamit sa pagtuturo ng mga ito, ay isang pook ng malaking pagtatalong pampolitika.

Sa karaniwan, ang edukasyong primarya ay ibinibigay sa loob ng mga paaralan, kung saan ang bata ay mananatili sa sumusulong na mga klase hanggang sa mabuo nila ito at makalipat sa hayskul/paaralang sekundaryo. Ang mga bata ay karaniwang inilalagay sa mga klase na mayroong isang guro na magiging pangunahing mananagot para sa edukasyon at kapakanan ng mga ito para sa taong iyon. Ang titser na ito ay maaaring tulungan na may sari-saring antas ng mga gurong espesyalista sa ilang mga pook na pampaksa, na kadalasang nasa larangan ng musika o edukasyong pangkatawan. Ang pagpapatuloy na mayroong iisang guro at ang pagkakataon na makapagbuo ng isang malapit na ugnayan sa klase ay isang kapuna-punang tampok ng sistema ng edukasyong primarya.

Sa nakaugalian, sari-saring mga uri ng parusang pangkatawan ang naging sangkap ng sinaunang edukasyon. Sa kamakailan, ang ganitong gawain ay binatikos, at sa maraming mga kaso ay ipinagbabawal na.

Ang rate ng pagkumpleto (Ingles: completion rate) ay porsiyento ng mga bata o kabataan na may edad na tatlo hanggang limang taong gulang pataas sa nilalayong edad para sa huling baitang ng primaryang edukasyon, na nakatapos ng huling baitang ng elementarya.[1]

Lugar Rate ng pagkumpleto[1]
Kalalakihan Kababaihan
Silangang Asya at Pasipiko 95 96
Silangang Europa at Gitnang Asya 99 99
Latin America at Caribbean 93 95
Gitnang Silangan at Hilagang Africa 86 84
Timog Asya 85 84

Ang mga sumusunod na mga datos ay tungkol sa primaryang edukasyon ng iba't ibang bansa:

Bansa Mga lebel ng grado Bilang ng taon Karaniwang edad ng mga mag-aaral
Pilipinas Kindergarten, Grado 1 hanggang 6[2] 7 5 hanggang 12[3][4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "The State of the World's Children 2023: Statistical tables". UNICEF DATA. Nakuha noong 11 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. "K to 12 Basic Education Curriculum". Department of Education. Republic of the Philippines. Nakuha noong 12 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  3. "Kindergarten". Department of Education. Republic of the Philippines. Nakuha noong 12 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. "Philippines Education System". www.scholaro.com. Nakuha noong 2024-01-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.