Edukasyong pangmusika
Ang edukasyong pangmusika ay isang larangan ng pag-aaral na may kaugnayan sa pagtuturo at pagkatuto ng musika. Hinahawakan nito ang lahat ng mga nasasakupan ng pagkatuto, kasama na ang dominyong sikomotor (ang pag-unlad ng mga kasanayan), ang dominyong kognitibo (ang pagkakamit ng kaalaman), at, sa mga paraang partikular at mahalaga, ang dominyong apektibo, kabilang na ang apresyasyon o pagpapahalaga sa musika at sensitibidad. Ang inkorporasyon (pagsasama sa katawan ng pagtuturo at pagkatuto) ng pagsasanay na pangmusika mula sa mga edukasyong preschool hanggang sa postsekundaryo ay karaniwan sa karamihan ng mga bansa dahil ang pagiging kasangkot sa musika ay itinuturing na isang pundamental na bahagi ng kultura at ugali ng tao. Katulad ng wika, ang musika ay isang paggawa at katuparan na nagbubukod sa atin bilang mga tao.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Yudkin, J. (2008). Understanding Music (p. 4). Upper Saddle River, NJ:Pearson/Prentice Hall.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon at Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.