Eilyn Nidea

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search


Eilyn Lamadrid Nidea-Parocha
Sagisag-panulatEilyn Nidea
TrabahoGuro, manunulat
WikaBikol Sentral
NasyonalidadFilipino
EtnisidadBikolano
HeneroSalaysay, tula
(Mga) kilalang gawaBuhay-riles
(Mga) parangalPremio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon

Si Eilyn "Ayen" Lamadrid Nidea-Parocha isang Bikolanang guro, manunulat, artista sa pelikula, manggagawang pangkultura at nagawaran ng Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon sa kategoryang salaysay (essay) noong 2009. Nagtuturo siya sa Pambansang Paaralan ng Pang-agrikultura asin Pangingisda ng Ragay (RNAFS) sa bayan ng Ragay, Camarines Sur. Siya nagtapos ng kolehiyo sa Pamantasan ng Ateneo de Naga sa Lungsod ng Naga.

Naging tagapagsanay o trainor siya sa High School sa RNAFS para sa iba-ibang klase ng pagsulat: news writing, editorial, sports news writing at iba pa. Ngayon, siya an nagpapatakbo ng Teatro Ragayano, isang grupo ng mga artista sa entablado na itinayo ni Carlos Arejola.

Miyembro si Nidea ng Parasurat Bikolnon na kung saan naging siyang kritiko mula ng 2013 sa Saringsing Writers Workshop, ang taunang pagsulat ng organisasyon.[1] Bàgo nito, siya naging kalahok sa Juliana Arejola-Fajardo Workshop sa Pagsurat-Bikol sa Lungsod ng Naga ng taon 2012.

Sa ginawang Rimpos: art-literature Exhibition ng Salingoy Art Group, nakatampok ng mga obrang guhit ni Maricris Gomez ang saiyang mga tula. Ginawa ang aktibidad sa Naga City Art Gallery sa Jesse M. Robredo Coliseum noong Mayo 4 hanggang 18, ng 2013. Nagpalabas ng isang aklat na kanyang iniayos laman ang maiikling salaysay tungkol sa mga mangguguhit at manunulat na kasali sa aktibidad, gayon din ang mga larawan at mga panulat na ipinakita sa eksibit.[2][3] Kabali an saiyang erotikang rawitdawit na Pagbaklay sa antolohiyang Ani 38: The Human Body/Ang Katawan na pinagpupublikar kan Sentro Pangkultura kan Filipinas (CCP) kan 2014.[4] Isa din siya sa mga tagapagtayo ng Hagkos Bikolana, isang grupo ng mga babaing manunulat sa Camarines Sur kasama sila Irmina Torres, Marissa Reorizo-Redburn, Lourdes Nieva at iba pa.[5]

Pelikulohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Maliban sa pagiging artista sa entablado, lumabas din si Nidea sa mga independyenteng pelikula simula ng 2013 sa pelikulang Angustia ni Kristian Cordero.[6]

Pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]

Taon Titulo Pigganapan Mga tala
2013 Angustia Direktor: Kristian Cordero
2016 Sayaw sa Butal Alona Direktor: Vic Nierva

Sangunian[baguhin | baguhin ang batayan]



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.