Pumunta sa nilalaman

Ekonomikang pangkaunlaran

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ekonomika ng pag-unlad)

Ang ekonomikang pangkaunlaran o ekonomikang pampag-unlad (Ingles: development economics) ay isang sangay ng larangan ng ekonomika na humaharap sa mga aspetong pang-ekonomiya ng proseso ng kaunlaran sa mga bansang mababa ang kita. Hindi lamang ito nakatuon sa mga paraan ng pagtataguyod ng paglago ng ekonomiya at pagbabagong pangkayarian subalit gayundin sa pagpapainam ng potensiyal para sa masa ng populasyon, halimbawa na ang sa pamamagitan ng mga kalagayan ng kalusugan, edukasyon at pook ng hanapbuhay, sa pamamagitan man ng mga pinagmumulang publiko o pribado.[1]

Kasangkot sa ekonomikang pangkaunlaran ang paglikha ng mga teoriya at mga metodo na nakakatulong sa pag-alam o determinasyon ng mga patakaran at mga gawain, at maaaring isakatuparan sa kahit na antas na domestiko o internasyunal.[2] Maaari itong kasangkutan ng muling pagbubuo ng kayarian ng mga insentibong pampamilihan o ng paggamit ng mga paraang pangmatematika na katulad ng optimisasyong intertemporal; para sa pag-aanalisa ng proyekto, o maaari itong kasangkutan ng isang kahaluan ng mga paraang pandami (kuwantitatibo) o kuwalitatibo.[3]

Hindi tulad ng maraming iba pang mga larangan ng ekonomika, ang mga pagharap na nasa loob ng ekonomikang pangkaunlaran ay maaaring magpaloob ng mga bagay na panlipunan at pampolitika upang makagawa ng partikular na mga plano.[4] Gayundin, katulad ng iba pang mga larangan na pang-ekonomika, walang pagkakasundu-sundo hinggil sa kung ano ang dapat na matutunan o malaman ng mga mag-aaral.[5] Ang iba't ibang mga pagharap ay maaaring magsaalang-alang ng mga bagay na makapag-aambag sa pagtatagpong pang-ekonomiya o hindi pagtatagpo sa kahabaan ng mga kabahayan, mga rehiyon, at mga bansa.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Bell, Clive (1987). "development economics," The New Palgrave: A Dictionary of Economics, v. 1, pp. 818, 825.
  2. Arndt, H.W. (1981). "Economic Development: A Semantic History," Economic Development and Cultural Change, 29(3), p p. 457-466. Chicago: The Chicago University Press.
  3. Bell, Clive (1987). "development economics," The New Palgrave: A Dictionary of Economics, v. 1, p. 825.
  4. Todaro, Michael and Stephen Smith. Economic Development. Ika-9 na edisyon. Addison-Wesley series in economics, 2006
  5. Meier, Gerald M. and James E. Rauch. Leading Issues in Economic Development. Ika-8 edisyon. Oxford University Press, 2005
  6. Ray, Debraj (2008). "development economics." The New Palgrave Dictionary of Economics, ika-2 edisyon. Abstrakto.


Ekonomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.