Pumunta sa nilalaman

Ekonomikang pang-ugali

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ekonomikang pag-aasal)

Ang ekonomika na pang-ugali (Ingles: behavioral economics) ay isang bagong umuusbong na sangay sa ekonomika. Inaaral nito ang mga paraan kung paano nagaganap ang mga pang-ekonomiya na desisyon ng mga konsumer at produser base sa emosyonal at kognitibong dahilan. Ito ay may umusbong mula sa pag-aaral ng mikroekonomika.

Ang mga ugali ng isang indibidwal ay kadalasang salungat o iba sa mga palagay o "assumption" ng teorya ng konsumer tulad ng pagnasa ng mataas na utility at pagpataw ng tanging halaga sa produkto o serbisyong binibili nila. Magiging higit na detalyado at angkop sa tunay na buhay kung susuriin ang ugali ng mga idibiduwal sa pamamagitan ng pagsuri na sikolohikal.[1]

Mga puntong sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga puntong sanggunian o reference points ay ang punto kung saan ang isang idibiduwal ay gumagawa ng desisyon sa pagkonsumo. Higit na pinapahalagahan ng isang indibiduwal ang isang produkto kung hawak na nila ito kaysa sa wala.

Halimbawa, ikaw ay nakakuha ng tiket para isang konsert ng sikat na banda sa halagang PHP400. Nalaman mong maaari mo itong ibenta sa halagang PHP1,000 dahil maraming gustong manood ng konsert na ito at ubos na ang tiket. Ngunit, napagpasyahan mong itago at gamitin na lamang tiket kaysa ibenta ito kahit na sa higit na mataas na halaga kahit na malaking halaga ang PHP1,000 para sa iyo. Ang pagmay-ari ng tiket sa konsert ay ang reference point. Sa halimbawang ito, mas malaki ang kawalan ng utility sa pagbenta ng tiket kaysa sa orihinal na utility sa pagbili ng tiket sa halagang higit sa PHP400.

Pagkaka-pantay-pantay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroong mga desisyon na ginagawa dahil iniisip lamang nila na ito ang karapatdapat at tamang gawin. Ginagawa ng isang idibiduwal ito kahit na wala itong benepisyo sa kanya. Ang pagpapasya base sa pagkakapantay-pantay o katarungan (Ingles:fairness) ay naka-angkla sa pananaw ng isang tao.

Halimbawa nito ay pagbibigay sa charity, pagtitip sa mga restawran at pagpayag sa progresibong paraan ng pagbabayad ng buwis ng mayamang idibiduwal kahit na mas malaki ang binabayaran niyang buwis sa paraang ito.

Batas ng probabilidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hindi sa lahat ng panahon ay binabase ng indibiduwal ang mga alanganing desisyon sa batas ng probabilidad (o laws of probability) o prayoridad ng indibiduwal ang mataas na utility. Kadalasan, labis ang kanilang pagkalkula ng probabilidad sa isang pangyayari kapag kakaunti lamang ang impormasyong kanilang nalalaman. Halimbawa na lamang, higit na mataas sa aktwal na probabilidad ang paniniwala ng isang indibiduwal na magkaka-aksidente sa isang eroplano ang kaniyang kaibigan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pindyck, R. et. al., Microeconomics 1st edition. Pearson Education South Asia PTE Ltd. 2005.


Ekonomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.