Pagkonsumo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang pagkonsumo o paggamit o paggastos ay isang pangunahing konsepto ng ekonomika at pinag-aaralan din sa maraming larangan ng araling panlipunan. Partikular na interesado ang mga ekonomista sa kaugnayan ng paggastos at kita na nakamodelo sa punsyon ng pagkonsumo.

Ang punsyon ng pagkonsumo (consumption function) ay isang punsyong pang-matematika na pinapaliwanag ang paggastos ng mamimili sa pamamagitan ng mga tiyak na dahilan nito, katulad ng kita o yamang naipon.