Ekwasyon
Sa matematika, ang tumbasan o ekwasyon (Kastila: ecuación) ay ang pangungusap na pangmatematika na naghahayag ng ekwalidad (pagiging magkatumbas o magkapantay) ng dalawang ekspresyon. Binibigyang kahulugan din ito bilang isang pagpapahayag o isang proposisyon o "panukala" na karaniwang pang-alhebra, na kinakandili o binibigyan ng kariinan ang pagkakapantay o pagiging magkatumbas ng dalawang mga kantidad o dami.[1] Sa modernong notasyon, ang ekwasyon ay isinusulat sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ekspresyon sa anumang panig ng simbolong = na ang ibig sabihin ay ikwal o magkatumbas. Halimbawa, ang ekwasyong
ay naghahayag na ang resulta ng ekspresyong x+3 ay katumbas ng 5. Sa ibang salita, ang bariyabulo na x ay naglalaman ng halaga na kapag dinagdagan ng 3 ay magreresulta sa halagang 5. Ang simbolong ikwal na "=" ay inimbento ni Robert Recorde (1510–1558) na tumuturing na wala nang mas tutumbas pa sa 2 paralelo (parallel) o magkaagapay na tuwid na mga linya na pareho ang haba.
Mga uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Alhebraikong ekwasyon
- Linyar na ekwasyon
- Polinomial na ekwasyon
- Transendental na ekwasyon
- Punsiyonal na ekwasyon
- Diperensiyal na ekwasyon
- Integral na ekwasyon
- Diyopantinong ekwasyon
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.