Pumunta sa nilalaman

Eleanor Roosevelt

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Eleanor Roosevelt
Eleanor Roosevelt noong 1943
Delegado ng Estados Unidos sa Pangkalahatang Pagtitipon ng Mga Nagkakaisang Bansa
Nasa puwesto
Disyembre 31, 1946 – Disyembre 31, 1952
PanguloHarry S. Truman
Pangulo at Tagapanulo ng Komisyon ng Karapatang Pantao ng Mga Nagkakaisang Bansa
Nasa puwesto
1946–1952
Nakaraang sinundanBagong Posisyon
Sinundan niCharles Malik
Tagapangulo ng Pampangulong Komisyon ng Katayuan ng Kababaihan
Nasa puwesto
1961–1962
PanguloJohn F. Kennedy
Nakaraang sinundanWala
Sinundan niEsther Peterson
Unang Ginang ng Estados Unidos
Nasa puwesto
Marso 4, 1933 – Abril 12, 1945
Nakaraang sinundanLou Henry Hoover
Sinundan niElizabeth "Bess" Wallace Truman
Personal na detalye
Isinilang
Anna Eleanor Roosevelt

11 Oktubre 1884(1884-10-11)
New York, New York
Estados Unidos
Yumao7 Nobyembre 1962(1962-11-07) (edad 78)
New York, New York
Estados Unidos
Dahilan ng pagkamatayTuberkulosis
HimlayanHyde Park, New York
Partidong pampolitikaDemokratiko
AsawaFranklin D. Roosevelt
AnakAnna Eleanor, James, Elliott, Franklin, John
TrabahoUnang Ginang, diplomata, aktibista
Pirma

Si Anna Eleanor Roosevelt (IPA: /ˈɛlɪnɔr ˈroʊzəvɛlt/; Oktubre 11, 1884Nobyembre 7, 1962) ay isang Amerikanang politiko, palatalastas at aktibista.[1] Naglingkod siya bilang Unang Ginang ng Estados Unidos mula Marso 4, 1933 hanggang Abril 12, 1945, sa panahon ng apat na termino ni Pangulong Franklin D. Roosevelt sa opisina, kaya siya ang pinakamatagal nang naglingkod bilang Unang Ginang ng Estados Unidos.[1] Naglingkod si Roosevelt bilang Delegado ng Estados Unidos sa Pangkalahatang Lupon ng mga Nagkakaisang Bansa mula 1945 hanggang 1952.[2][3]

Kalaunang tinawag siya ni Pangulong Harry S. Truman bilang "Unang Ginang ng Mundo" bilang parangal sa kanyang nakamit sa karapatang pantao.[4]

Naging miyembro si Roosevelt ng tanyag na pamilyang Roosevelt at Livingston at pamangkin ni Pangulong Theodore Roosevelt.[3] Naging malungkot ang kanyang pagkabata, dahil naranasan niya ang kamatayan ng kanyang magulang at isa sa kanyang mga kapatid sa batang edad. Noong 15-anyos, pumasok siya sa Akademyang Allenwood sa Londres at lubos na naimpluwensyahan ng kanyang punong-guro Marie Souvestre. Pagbalik sa Amerika, ikinasal niya ang kanyang ikalimang pinsan sa pinsang buo, Franklin Delano Roosevelt, noong 1905. Naging kumplikado ang pag-aasawa ng mga Roosevelt mula sa simula dahil sa magbagsik na ina ni Franklin, Sara, at pagkatapos matuklasan ni Eleanor ang romansa ng kanyang asawa kay Lucy Mercer noong 1918, at naging determinado sa pagsisikap na magkaroon ng kanyang sariling buhay-publiko. Hinikayat niya si Franklin na manatili sa pulitika pagkatapos niyang maparalisa noong 1921 na pinagbayaran niya ng normal na paggamit sa kanyang binti, at nagsimulang magtalumpati at magpakita sa mga kaganapan sa kampanya sa kanyang ngalan. Kasunod ng pagkahirang kay Franklin bilang Gobernador ng New York noong 1928, at sa buong nalalabing bahagi ng pampublikong karera ni Franklin sa pamahalaan. Karaniwang nagpakita si Roosevelt sa publiko sa ngalan ni Franklin, at bilang Unang Ginang, habang naglingkod ang kanyang asawa bilang Pangulo, makabuluhan ang ibinago niya sa papel ng Unang Ginang.

Kahit lubhang iginalang siya sa kanyang huling taon, naging kontrobersyal na Unang Ginang si Roosevelt noong panahon dahil sa kanyang tahasang pagsasalita, lalo na sa mga bayanhing karapatan para sa mga Aprikano-Amerikano. Siya ang unang pampanguluhang asawa na magdaraos ng mga palagiang pulong balitaan, magsulat ng pang-araw-araw na pitak sa pahayagan, magsulat ng buwanang pitak sa rebista, maghanda ng lingguhang palabas sa radyo, at magsalita sa pambansang kombensyon ng partido. Sa ilang pagkakataon, hayagang sumalungat siya sa mga patakaran ng kanyang asawa.

Inilunsad niya ang isang tilawing komunidad sa Arthurdale, West Virginia, para sa mga pamilya ng mga minerong walang trabaho, kalaunang itinuring nang malakawan bilang pagkabigo. Itinaguyod niya ang pagpapalawak ng papel ng mga kababaihan sa dako ng trabaho, ang mga bayanhing karapatan ng mga Aprikano-Amerikano and Asyano-Amerikano, at ang mga karapatan ng takas mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kasunod ng pagkamatay ng kanyang asawa noong 1945, napanatiling aktibo si Roosevelt sa pulitika sa natirang 17 taon ng kanyang buhay. Hinikayat niya ang Estados Unidos na sumali at sumuporta sa mga Nagkakaisang Bansa at naging kanyang unang delegado. Naglingkod siya bilang tagapangulo ng UN Komisyon sa mga Karapatang Pantao at nangasiwa sa pagburador ng Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao.

Nang maglaon, pinamahalaan niya ang Presidential Commission on the Status of Women ng administrasyon ni John F. Kennedy. Pagsapit ng kanyang kamatayan, itinuring si Roosevelt bilang "isa sa mga iginagalang na babae sa buong mundo"; tinawag siya ng The New York Times bilang "ang tampulan ng halos panlahat na galang" sa isang obitwaryo.[5]

Noong 1999, iniranggo siya bilang ikasiyam sa pangunahing sampu ng Talaan ni Gallup ng Pinakahinangaan na Tao ng Ika-20 Siglo.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Moore, Frazier (Setyembre 10, 2014). "PBS' 'The Roosevelts' portrays an epic threesome". Associated Press. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 10, 2014. Nakuha noong Setyembre 10, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Rowley 2010, p. 294.
  3. 3.0 3.1 "Eleanor Roosevelt Biography". The Biography.com website (sa wikang Ingles). A&E Television Networks. Agosto 22, 2019. Nakuha noong Agosto 23, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "First Lady of the World: Eleanor Roosevelt at Val-Kill". National Park Service. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 5, 2012. Nakuha noong Mayo 20, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Mrs. Roosevelt, First Lady 12 Years, Often Called 'World's Most Admired Woman'". The New York Times. Nobyembre 8, 1962. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 22, 2013. Nakuha noong Disyembre 7, 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Mother Teresa Voted by American People as Most Admired Person of the Century". The Gallup Organization. Disyembre 31, 1999. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 4, 2012. Nakuha noong Mayo 20, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Estados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.