Eraño Manalo
Si Eraño de Guzman Manalo (Enero 2, 1925 - Agosto 31, 2009[1]), kilala din bilang Ka Erdy, ay ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo, na nagsimula 1963 hanggang sa kanyang kamatayan. Naging tagapamahala siya ng iglesia pagkatapos pumanaw ang kanyang amang si Felix Manalo noong 1963. Siya ang naging instrumento sa pagpalaganap ng iglesia sa buong mundo. Bago siya naging Tagapahamahalang Pangkalahatan, siya ang Pangkalahatang Ingat-Yaman ng iglesia, at Tagapamahala ng Distrito ng Maynila.[2] Naging kontrobersyal ang kanyang hindi paglalantad sa hamon ng Lingkod Pangkalahatan (Overall Servant) ng Members Church of God International (MCGI) na si Bro. Eli Soriano para sa isang maginoong debate sa telebisyon.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Iglesia ni Cristo Head Dies Naka-arkibo 2009-09-02 sa Wayback Machine. - mula sa Philippine Daily Inquirer
- ↑ Villanueva, p. 6
- ↑ https://www.tapatalk.com/groups/iglesianicristoforum/anong-sagot-ni-erano-manalo-sa-hamon-ni-eliseo-sor-t7541.html
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.