Felix Manalo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Si Felix Ysagun Manalo (10 Mayo 1886 – 12 Abril 1963) kilala bilang Ka Felix ay ang tagapagtatag at unang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo. Nairehistro niya ang Iglesia Ni Cristo sa pamahalaan ng Pilipinas noong Hulyo 27,1914 bilang korporasyon kaalinsabay ng pagsiklab ng unang digmaang pangdaigdig sa Punta Sta. Ana,Manila. Siya ang ama ni Eraño G. Manalo na sumunod sa kanya bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo nang siya ay pumanaw. Siya ang lolo ng kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo na si Eduardo V. Manalo.

Ang tunay niyang pangalan ay Felix Manalo Ysagun nang siya ay binyagang Katoliko. Ngunit upang magbigay pugay sa pagkamatay ng kaniyang ina, mas pinili nitong gamitin ang apelyido ng ina na Manalo kaysa sa apilyedo ng kaniyang ama na Ysagun. Kaya't binago niya ang pagkakasunod ng pangalan niya at ginawang Felix Ysagun Manalo at ito na ang ginamit niya sa kaniyang mga rehistro, lisensiya at iba pang mga kasulatan, papeles at mga dokumento. Inakusahan at nilitis si Felix Manalo dahil sa kasong panggagahasang isinampa ng tiniwalag niyang si Rosita Trillanes. Napatunayan ng korte ang dinulog na sumbong ni Trillanes at nahatulang maysala si Manalo sa nasabing kaso.[1]



TalambuhayRelihiyonPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pananampalataya at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. https://christianwatchdog.wordpress.com/2017/07/18/analysis-the-rosita-trillanes-rape-case-angel-tenny-manalo/