Iglesia ni Cristo
| Ang Watawat ng Iglesia ni Cristo na pinaniniwalaang hango sa tricolor na bandera ng Italya na may kulay luntian, puti, at pula (unang lumabas ang watawat na ito noong panahon na nasakop ni Napoleon I ng Pransiya ang Italya). Sa gitna ay ang menorah ng mga Hudyo. | |
| Klasipikasyon | Restorasyonismo Protestantismo[1][a] |
|---|---|
| Lugar na sakop | 72 malayang estado (base sa opisyal na INC Directory[2][b]) |
| Nagtatag | Felix Y. Manalo |
| Lugar ng Pagtatag | 27 Hulyo 1914 (petsa ng pagkarehistro sa Pamahalaan ng Pilipinas bilang Iglesia ni Kristo o INK)[c] 25 Disyembre 1913 (petsa ng bautismo ng mga unang kaanib ng Iglesia ni Cristo) Punta, Santa Ana, Maynila, Pilipinas |
| Pagkahati | Iglesia Verdadera de Cristo Jesus (1922, later renamed as The Most Holy Church of God in Christ Jesus)[7][8][9] Iglesia ng Dios kay Cristo Jesus (1928, later renamed as Iglesia ng Dios kay Cristo Jesus, Haligi at Suhay ng Katotohanan)[7] INC Defenders (2015)[10] True Church of Christ (2015, also known as Small Remnant)[11] Church of Yahusha 1914 Ministries (2020)[12] Assembly of Yahusha (2021)[13] |
| Mga Simbahan | 178 na distrito[3] 3,222 na lokasyon (karamihan ay kapilya)[14] 5,968 na kongregasyon[2] 2,715 house churches, group worship services, at church extensions[2] |
| Bilang ng Kasapi | Noong 2020, tinatayang 2.8 milyon ang bilang sa Pilipinas lamang, at humigit-kumulang 3 milyon ang populasyon sa buong mundo.[15] |
| Bilang ng Ministro | 5,252 (naordenahan hanggang sa taong 2025)[16] |
| Ospital | New Era General Hospital |
| Kawanggawa | Felix Y. Manalo Foundation, Inc UNLAD International, Inc. |
| Mga Dalubhasaan | New Era University College of Evangelical Ministry |
| Opisyal na Websayt | www.incmedia.org www.iglesianicristo.net |
Ang Iglesia ni Cristo[17] binibigkas na [ʔɪɡˌlɛː.ʃɐ nɪ ˈkɾiːs.to] (Ingles: Church of Christ; daglat INC) ay isang simbahan na itinatag sa Pilipinas noong 1913 at narehistro noong Hulyo 27, 1914 sa pangunguna ni Felix Manalo at ng kanyang mga kasama,[18][19][20] Si Felix Y. Manalo ang unang Tagapamahalang Pangkalahatan at tagapagtatag ng Iglesia ni Cristo.
Inilalarawan ng Iglesia ni Cristo ang kanilang sarili bilang nag-iisang tunay na Iglesia at nagsasabing sila ang muling pagbangon ng tunay na Iglesia na itinatag ni Hesus, at ayon sa doktrinang INC ay nawala sa loob ng libo-libong taon.[21][22] Sinasaad sa mga tala na ang opisyal na pagkakatala ng Iglesia ni Cristo sa pamahalaang Pilipinas noong 27 Hulyo 1914 sa pamamagitan ni Felix Y. Manalo. Ayon sa pananaw ng mga theologians, scholars, at iba pa, ang Iglesia ni Cristo ay may paniniwalang exclusivism, ibig sabihin naniniwala sila na sila lamang ang maliligtas sa araw ng paghuhukom.
Noong si Felix Y. Manalo ay pumanaw noong 1963, ang Iglesia ni Cristo ay isa nang pambansang simbahan na mayroong 1,250 kongregasyon, at 35 malalaking konkretong katedral.[23] Ang kaniyang anak na si Eraño Manalo ang sumunod na tagapanguna ng simbahan at nanguna sa kilusang pagpapalaganap sa buong mundo hanggang siya ay pumanaw noong 31 Agosto 2009,[24] ang kanya namang anak na si Eduardo V. Manalo ang humalili sa kanya bilang tagapamahalang pangkalahatan.[25] Noong 2020, ang senso ng Pilipinas mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay nakapagtala ng 2.6 na bahagdan (2.6%) ng populasyon na nagpapakilalang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo. Dahil dito, ang INC ang sinasabing panglima sa pinakamalaking samahang panrelihiyon sa Pilipinas kasunod ng Simbahang Katoliko (Roman Catholic Church) (78.8%), Islam (6.4%), Ebangheliko (Evangelical) (4.8%), at Protestante (Protestant) (2.8%).[26]
Noong Hulyo 2, 2014, idineklara ng pamahalaan ng Pilipinas ang taong 2014 bilang "Taon ng Sentenaryo ng Iglesia Ni Cristo" sa bisa ng Proklamasyon Blg. 815. Inilabas ang proklamasyong ito upang "palawigin ang kabatiran ng mga tao" sa mga naiambag ng INC sa pambansang pagsulong.[27]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ayon sa paniniwala ng INC, si Felix Manalo ang pinaniniwalaang hulíng propetang ipinadala ng Diyós, ang "anghel mula sa Silangan" na nasasaad sa Apocalipsis 7:1-3, at ang "ibong mandaragit" na nasasaad sa Isaias 46:11. Mula noong namatay si Manalo noong 1963, may dalawa na sa pamilya Manalo ang humalili sa kanyang tungkulin.[28]
Ang nilalaman ng kasaysayan ng Iglesia ni Cristo ay nakasalalay at umiikot sa ika-dalawampung siglo, na makikilala sa pagbangon ng mga kilusang laban sa kolonyalismo sa mga kanayunan, na kadalasan ay may temang pananampalataya. Sa panahong ito, ang mga dayuhang misyonaryong mula sa Amerika ay nagpakilala sa kulturang Pilipino ng mga mapagpipilian sa Katolisismo na siya namang pamana ng mga Kastila.[29]
Sa edad na pito, lumahok siya sa mga klase ng isang "Maestro Cario", ngunit bunsod ng Himagsikang Pilipino ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Felix Manalo. Sa halip, siya ay natutong magsaka at gumawa ng mga sombrero.[30] Sa kaniyang pagsasaliksik sa teolohiya mula pagkabata, si Felix Manalo ay nagpalipat-lipat sa iba't ibang samahang panrelihiyon. Matapos iwanan ang Katolisismo, umanib siya sa mga Kolorum, isang pangkat ng mga relihiyosong pinagsama ang paniniwalang Kristiyano at Animismo ng mga sinaunang Pilipino. Sinubukan niyang aralin ang mga iba't ibang turo ng kanyang nasamahang relihiyon, una ang mga Metodista, sunod ay ang mga Presbyteriano, mga Discipulos (Iglesia Ni Cristo na naitatag sa Pilipinas ng Mision Cristiana noong 1901), at mga Adbentista. Kaya lamang, ayon kay Manalo, sa bawat isa ay mayroon siyang nasasabing mga kakulangan sa kanilang doktrina. Sa kanyang pagkabigo ay sinubukan din niya ang mga samahang ateista at agnostiko.[31] Subalit maging ang mga ito ay hindi napunan ang kaniyang pangangailangang espiritwal. Isang araw, gamit ang mga panitikang teolohiyang naipon niya mula sa mga relihiyong kanyang nasamahan, at dala maging ang iba't ibang salin ng bibliya, siya ay nagkulong sa isang silid at doon sinimulan niya ang pansariling pagsasaliksik sa teolohiya. Pagkatapos ng tatlong araw at gabi habang nag-aayuno, lumabas siya dala ang mga aral na siyang magiging pundasyon ng mga turo ng Iglesia ni Kristo noong Nobyembre 1913. Binautismuhan ang mga unang kaanib ng Iglesia noong Disyembre 25, 1913. Inimbitahan din ni Manalo ang mga kakilala sa mga Simbahang Protestante na umanib sa kanyang bagong tatag na samahan, katulad ni Justino Casanova ng Iglesia Ni Cristo (1901) at ni Obispo Nicolas Zamora ng mga Metodista. Sumama si Casanova kay Manalo, samantalang tinanggihan ni Zamora ang alok sa kanya.[32][33][34][35][d]
Noong Hulyo 27, 1914, bunsod ng mga paniniwalang ilegal ang pamamalakaya at pamamahayag ni Felix Manalo kung walang nakarehistrong simbahan, inirehistro niya sa Kagawaran ng Komersyo ang Iglesia Ni Kristo (INK), kung saan si Manalo ang naging Tagapamahalang Pangkalahatan. Ipinalaganap ni Felix Manalo ang kanyang mensahe sa kanyang pook at unti-unti niyang napalaki ang Iglesia. Hindi gaanong pinansin ng mga umiiral ng mga simbahan ang pag-usbong ng Iglesia ni Cristo na itinatag ni Felix Manalo.

Ang paglaki ng Iglesia ay maaring dahil sa pagnanais ng ibang mga Pilipinong Kristiyano na magkaroon ng malayang samahang Kristiyano, ngunit sa ilang taong buhay ang Iglesia ni Kristo ay hindi pa ganap na ministro si Felix Manalo. Kaya naman noong Disyembre 25, 1918, sa ikalimang anibersaryo ng Iglesia ni Kristo, inordernahan si Manalo ng mga sumusunod na mga obispo at pastor: Alejandro Reyes (Iglesia Evangelica Metodista en las Islas Filipinas o IEMELIF), Victoriano Mariano (IEMELIF), Gil Domingo (Iglesia de los Cristianos Filipinos), Guillermo Zarco (Simbahang Presbyteriano), Emiliano Quijano (Iglesia ni Cristo 1901)[e], Nicolas Fajardo (Evangelical Church), Roque Bautista (Evangelical Church).[36] Ilang buwan ang nakalipas, noong Mayo 1919, inordenahan naman ni Manalo ang tatlong unang ministro ng INC na sina Justino Casanova (pangulo ng lupon), Federico Inocencio (kagawad ng lupon), at Teodoro Santiago (kalihim ng lupon).
Bago lumisan patungo sa Estados Unidos noong Agosto 1919, dinalaw ni Manalo ang lahat ng kanilang mga kongregasyon at iniwan ang pamamahala sa mga bagong ordenang mga ministro hanggang sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1921. Dalawang beses pumunta sa Estados Unidos si Manalo, noong 1919 at noong 1938.[8][37] Ayon sa INC, nag-aral si Manalo sa seminaryong Protestante na Pacific School of Religion (PSR), isang institusyon na kaanib ng United Church of Christ (sa Amerika). Si Manalo mismo ay may alaalang nakaaway niyang kaklaseng Hapones roon. Kaya lamang, wala sa mga tala ng PSR na naging mag-aaral nila si Manalo sa kahit anong taon.[38]
Habang wala sa Pilipinas si Manalo, may mga pagbabago na isinagawa sa loob ng Iglesia, katulad ng pagkakaroon ng midweek worship service (samba kapag Miyerkules). Pagbalik ni Manalo, nagustuhan nito ang pagkakaroon ng dalawang araw na sapilitang pagsamba kada linggo, kaya lamang imbes na Miyerkules ay ginawa niya itong Huwebes. Tinanggal rin ang kasanayan ng mga ministrong INC na pagsusuot ng sutana, na makikitang suot ng mga Katolikong pari at Protestanteng ministro.[7][39] Sa kasalukuyan, iba-iba na ang araw ng pagsambang isinasagawa ng Iglesia. Depende sa lokal, may pagsamba na rin kada Miyerkules, Biyernes, at Sabado. May mga pagkakataon ring sinuspinde ng Pamamahala ng Iglesia ang pagsamba sa Linggo, araw na tinuturing na nararapat na araw ng pagsamba sa Kristiyanismo.[2]
Ang unang malaking pagsubok sa Iglesia ni Cristo (na kilala pa rin sa panahong ito bilang Iglesia ni Kristo o INK) ay ang paghiwalay ng ilan sa mga naunang ministro nito gaya nila Teofilo Ora, Januario Ponce, at Basilio Santiago noong 1922. Nahati ang Iglesia lalo na sa mga lalawigan tulad ng Bulacan at Nueva Ecija dahil na rin sa hindi pagkakaunawaan ng pangkat nila Ora at pangkat nila Manalo pagdating sa doktrina. Ayon kila Ora, hindi nagiging mahalaga si Hesus sa mga paksa, mali ang nagiging pag-unawa sa mga teksto, at hindi maayos ang nagiging pamamalakad ng Iglesia, lalo na sa mga pagpapasya ukol sa nauulat na pang-aabuso at imoralidad. Dahil na rin sa tindi ng naging epekto ng paghiwalay nila Ora, naisipan ni Manalo na ipangaral ang kanyang sarili bilang "Huling Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw" at "Ang Tanging Sugo na may Dalawang Pagkahalal sa Karapatan." Bunsod na rin nitong pagbabago sa doktrina, lalong humigipit ang hawak ni Manalo sa Iglesia at sa buhay ng kanyang mga miyembro. Ang tawag na sa mga kaanib ng mga taga-labas ay "Iglesia ni Manalo" at mga "Manalista" dahil na rin sa panatiko nilang pagsunod sa Pamamahala.[31]
Ilang taon lamang ang lumipas, sinundan naman ito ng kampanya para sa reporma ni Nicolas Perez noong 1928. Nagprotesta si Perez laban sa mga abuso sa Iglesia, ang pabago-bagong mga doktrina, lalo na tungkol sa mga bisyo at pagsusuot ng alahas, at ang matinding pagkontrol ng Iglesia sa kanilang mga kaanib, sa puntong sinisira na nito ang kanilang kapasidad sa bukas at kritikal na pag-iisip. Noong nagsimula ang Iglesia, pinagbabawal ni Manalo ang mga bisyo gaya ng paninigarilyo, pag-iinom, pati na soft drinks, at ang pagsusuot ng alahas. Kalaunan, sa pagdami ng mga may-kayang mga kaanib at dahil na rin sa hirap ipatupad sa mga bagong miyembro ang mahigpit na pagbabawal na ito, pinalitan rin ang doktrina ukol sa mga bisyo at alahas. Sa kanyang paghiwalay mula sa Iglesia, nagdala rin si Perez ng ilang daang mga miyembro na iniwan rin ang Iglesia.[39]
Ayon kay Teodoro Santiago, ministro ng INC, nagsimulang hayagan na itakwil ni Manalo ang pagkadiyos ni Kristo noong 1932, ngunit pinanindigan pa rin ni Manalo na si Hesus ay Panginoon.[7]

Ang mga unang kaanib ng Iglesia, pati na mga ministro, ay sinasabing walang pinag-aralan, hindi nakakapagbasa, at karamihan ay galing sa laylayan ng lipunan.[30] Nagpatuloy ang paglaki ng Iglesia maging sa gitna ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Inalok ng mga mananakop na Hapon si Felix Manalo na mamuno sa binabalak nilang Iglesia Evangelica (Evangelical Church) na ipinares sa binuo noon ng mga Amerikano. Nang tanggihan nito ni Manalo, umigting ang suspetsa at pagbabantay nila kay Manalo, hanggang sa mapilitang itong sumunod sa mga nais ng Hapon na bumaba siya sa kanyang tungkulin. Sa isang sirkular na inilabas at nilagdaan ni Manalo mismo noong Hunyo 29, 1942, itinalaga si Prudencio Vasquez, ministro ng Nueva Ecija at kalaunan ay ng Bicol, bilang Tagapamahalang Pangkalahatan. Nagbalik si Manalo sa kanyang tungkulin matapos ang digmaan.[41][42][43]
Malayo na ang narating ng Iglesia mula ng pagkatatag nito. Nang lumalaki na ang bilang ng kongregasyon, humirang ang pamunuan ng INC ng mga delegado para magpakilala ng paniniwala ng Iglesia ni Cristo sa iba't ibang lupain, kabilang na ang mga nasa labas ng bansa. Noong pumanaw si Felix Y. Manalo, taong 1963, ang kaniyang anak na si Eraño Manalo naman ang siyang humalili bilang ehekutibong ministro o Tagapamahalang Pangkalahatan at si Eduardo V. Manalo naman ang "deputy executive minister" o II Tagapamahalang Pangkalahatan.[44]
Umabot na sa limang libo apat na raan (5,400) kongregasyon na kung tawagin ay lokal sa mahigit na 90 na bansa at teritoryo sa buong mundo ang inaabot ng Iglesia ni Cristo.[45] Kilala rin ang Iglesia ni Cristo sa Hawaii at California, dalawang estadong kilala sa dami ng imigranteng Pilipino. Bagamat hindi naglalabas ang Iglesia ni Cristo ng bilang ng kanilang miyembro, ang ibang mga mananaliksik ay naniniwala na sila ay umabot na sa 3 milyon sa buong mundo.
Gawaing pangmisyonaryo
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sa Pilipinas, may programang itinatanghal at sumasahimpapawid sa radyo DZEM-AM-954 kHz, DZEC 1062 kHz-AM at telebisyon Net 25, dalawang estasyong pag-aari ng INC at maging sa GEM-TV Channel 49-UHF ng Eagle Broadcasting Corporation.
Sa Hilagang America, isang programang pantelebisyon ang may pangalang "The Message" na produced naman ng Iglesia ni Cristo sa San Francisco Bay Area. Sa kasalukuyan ito ay naisasahimpapawid sa Estados Unidos at Canada at sa ilang bahagi ng Europa. Ang tatlumpong minutong programang ito ay tinatampukan ng ibat ibang pagtalakay ukol sa mga aral na sinasampalatayanang aral ng Iglesia Ni Cristo.
Mayroon ding magasin para sa kongregasyon sa buong mundo na may pamagat na "God's Message" (kilala rin sa dating tawag na Pasugo). Ang God's Message ay naipiprinta sa Tagalog at Ingles na edisyon. Mayroong mga edisyon na parehong may Tagalog at Ingles. Ang magasin na ito ay binubuo ng mga liham sa editor, balita sa mga lokal sa buong mundo, relihiyosong tula, at mga artikulo hinggil sa pananampalatayang pang Iglesia ni Cristo, direktoryo ng mga lokal sa labas ng Pilipinas, at nagpapalabas din ng mga talapalabas ng mga serbisyong pagsamba. May mga pamphlets din na ibinibigay sa mga miyembro na nagpapakilala sa mga paunahing tagapagsalita tuwing mayroong nakatakdang pagsamba.
Mayroon ding gawaing naglalayon nang pagtulong sa mahihirap. Nakapagtatag na sila ng pabahay gaya ng "Tagumpay Village" at nagbibigay ng libreng gamutan at serbisyong dental sa mga proyektong gaya ng "Lingap Sa Mamamayan". Mayroon ring pabahay ang Iglesia ni Cristo para sa mga ministro nito at sa kanilang mga pamilya. Bukod dito, mayroon rin silang mga serbisyong pangkomunidad gaya ng paglilins ng lansangan, pagtatanim (tree planting project) at pag-dodonate ng dugo.
Pag-anib at mga doktrina
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Iglesia ni Cristo ay aktibo sa paghikayat ng mga panibagong miyembro, lalo na sa panahon ng mga gawain ng ebanhelikal na pamamahayag. Bago maging opisyal na miyembro at mabautismuhan, ang mga naghahangad na sumapi ay dumaraan sa pagdodoktrina sa loob ng anim na buwan. Ang ilang kasapi ay boluntaryong nakikibahagi sa pagpapalaganap ng aral ng simbahan.
Ayon sa INC, ang pag-anib sa kanilang simbahan ang daan tungo sa kaligtasan. Ang pagsapi sa Iglesia ni Cristo ay ibinibigay sa pamamagitan ng bautismo, hindi sa pananampalataya o pagtanggap kay Hesus o sa Kanyang naging misyon sa mundo. Ang sinuman na gustong mabautismuhan ay dapat munang sumailalim sa mga Bible study on doctrines, kung saan itinuturo ang dalawampu't lima na doktrina, matapos nito ay susubukin sila sa mga pagsamba na inaabot ng anim na buwan o mahigit pa kung hindi tuloy-tuloy. At kung ang aanib ay nagpasya na at tiyak nang sumasampalataya sa mga doktrina ay saka lamang sila tatanggap ng banal na bautismo. Kapag sya ay nakarehistro na sa kanilang lokal, sya ay binibigyan ng tarheta kung saan ay dapat itaob tuwing sasamba. Sa Estados Unidos, meron tatlong karagdagang aral na itinuturo na karamihan ay naglalaman ng impormasyon ukol sa bahay sambahan at ang pagsisimula nito sa Pilipinas. Ang mga aral na ito ay nakasulat sa libro ng doktrina na isinulat ni Eraño G. Manalo na pinamagatang Fundamental Beliefs of the Iglesia ni Cristo. Ang libro ay ibinibigay sa mga ministro, ebanhelikal na mangagawa, at mga estudyanteng ministro ng INC. Bawat aral ay madalas na nagtatagal ng kalahati hanggang isang oras.
Matapos na marinig ang lahat ng aral, ang mga bagong aanib ay pumapasok sa probisyonaryong period kung saan sila ay obligado na lumahok sa labing limang prayer meeting o panata na ginaganap isang beses sa isang linggo. Dito ay itinuturo sa kanila ang pananalangin at sila ay ginagabayan habang isinasa-ayon nila ang kanilang pamumuhay sa INC. Kadalasang kasama ang Tagapamahalang Pangkalahatan sa panalangin ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo.[46]
Dahil kailangan ng sapat na pagkakaunawa bago sila mabautismuhan sa INC, ang minimum na antas ng edad para lumahok sa bautismo ay labing dalawang taong gulang o kung sya ay nasa ika-anim na baitang. Para sa mga bagong panganak na sanggol, sila ay "inihahandog" habang ginaganap ang pagsamba. Ang pag-hahandog ng sanggol sa INC ay idinadaan sa pananalangin na pinamumunuan ng isang ministro ng INC.
Ang Iglesia ni Cristo ay naniniwala na ang kaligtasan ay nakukuha lamang sa pamamagitan ng muling pagkabuhay at pagiging aktibong kaanib sa INC. Dahil dto, kapag ang isang miyembro ag pumanaw, hindi na siya itinuturing na kaanib, sapagkat wala na siyang pagkakataong makilahok sa bihay espirituwal at mga sakramento ng simbahan. Sa doktrina ng INC, ipinagbabawal ang pag-aalala sa mga yumao, halimbawa ay pagdiriwang ng anibersaryo ng kamatayan, pagdarasal o pag-aalay at iba pa, dahil naniniwala sila na ang mga yumao ay wala ng kamalayan.
Ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo ay puwedeng matiwalag kung hindi nila sinusunod ang mga doktrina at alituntunin ng simbahan. Karaniwang unang hakbang ang pagbibigay ng babala o pagpapayo. Ang pagtanggal mula sa pagiging miyembro ay maaaring sanhi ng paglabag sa doktrina at aral ng INC, katulad ng pagkain ng dugo, pagtanggi sa sakramento ng bautismo, o pagsuway sa estruktura ng pamamahala ng simbahan. Maaari rin itong kaugnay sa pakikipag-ugnayan o pakikipagrelasyon sa mga hindi miyembro. Ang patuloy na pagsuway sa mga obligasyon ng kaanib gaya ng hindi pagdalo sa obligadong pagsamba o panata, o pagtanggi sa pamahalaan ng simbahan, tulad ng hindi pagsunod sa Tagapamahalang Pangkalahatan o hindi pagtanggap sa pangunahing paniniwala. Matapos ang babala at pagsubok na itama ang paglabag, ang tuloy-tuloy na paglabag ay maaaring magdulot sa pagkatanggal o ekskomunikasyon.
Central Office
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangunahing tanggapan ng Iglesia ni Cristo ay ang Iglesia ni Cristo Central Office; kabilang ito sa isang malaki at nababantayang kompleks na matatagpuan sa Abenidang Komonwelt, New Era, Lungsod ng Quezon, Pilipinas. Isang editoryal sa isyu ng Philippine Panorama Magazine noong 25 Enero 2004 ang naglarawan rin sa kompleks ang mga sumusunod: ang anim na palapag na Central Office Building; ang Central Temple na may 7,000 na upuan; ang Tabernacle; isang multi-purpose na hall; ang Central Pavilion na meron kapasidad na 70,000 upuan; ang College of Evangelical Ministry; ang New Era General Hospital; at ang New Era University. Matatagpuan rin dito ang bahay ng pamilya ng Executive Minister na si Eduardo V. Manalo.
Politikal na Impluwensya sa Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang impluwensiyang pampolitika ng Iglesia ni Cristo ay unti-unting lumalakas mula kalagitnaan ng ika-20 siglo. Noong dekada 1950 hanggang 1960, napansin ng mga politiko ang pagkakaisa ng mga kaanib sa pagboto, na kalauna’y naging kilalang bloc voting. Sa mga sumunod na dekada, lalo na noong panahon ng pamahalaang Marcos, nakilala ang INC bilang isa sa mga grupong may organisadong suporta tuwing halalan.
Kilala ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa kanilang praktis ng bloc voting sa panahon ng halalan.[47][48][49][50] Ayon sa mga pag-aaral ng mga Mananaliksik, malaking bahagi ng mga miyembro ng INC tinatayang nasa pagitan ng 68% hanggang 84% ang bumoboto ayon sa rekomendasyon ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo. Itinuturing nila itong pagpapahayag ng doktrina ng pagkakaisa, na isang mahalagang bahagi ng kanilang pananampalataya. Dahil dito, madalas na ituring ng mga tagamasid sa politika na may makabuluhang papel ang INC sa mga halalan sa Pilipinas.
Itinuturing ng mga tagamasid sa politika na may impluwensiya ang bloc voting ng Iglesia ni Cristo sa resulta ng ilang halalan sa Pilipinas. Ayon sa ilang ulat sa midya, ang suporta ng INC ay madalas na hinahangad ng mga kandidato dahil sa inaasahang pagkakaisa ng kanilang mga kaanib na botante. Gayunpaman, may mga pagkakataon din na ang ilang politiko ay tumanggi sa naturang suporta upang mapanatili ang kanilang kalayaan sa paninindigang pampolitika. Iba-iba ang pananaw ng mga mananaliksik at mamamahayag hinggil sa lawak ng aktuwal na impluwensiyang ito, ngunit karaniwang kinikilala ang INC bilang isa sa mga relihiyosong samahan na may organisadong ugnayan sa larangan ng politikal na impluwensya sa Pilipinas. Ito ang nagbigay sa INC ng malaking impluwensiyang pampolitika sa mga naihalal na opisyal.
Teolohikal na pagsalungat at kritisismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Iglesia ni Cristo ay humaharap sa mga pagsusuri at teolohikal na pagsalungat mula sa mga apologist, theologian, scholar, at ibang denominasyong Kristiyano. Tulad ng ibang relihiyosong tradisyon, may mga tagamasid at eksperto na nagbibigay ng alterntibong interpretasyon at kritikal na pananaw sa mga turo at doktrina ng INC. Bukod sa usaping teolohikal, tinatalakay din ng ilang tagapag-aral ang impluwensya ng samahan sa lipunan at politika sa Pilipinas at pandaigdig-digan.
Teolohikal na Pagsalungat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa pananaw ng Trinitarian Christianity, itinuturing na salungat sa ilang turo ng Bibliya ang paniniwala ng INC na si Hesukristo ay hindi Diyos kundi isang tao, sugo, at tagapamagitan na ipinadala ng Diyos. Binibigyang-diin ng mga theologian at iskolar na maraming talata sa Kasulatan ang kanilang binabasa bilang patunay sa pagka-Diyos ni Kristo.[51] Sa kabilang panig, itinuturo ng Iglesia ni Cristo na si Hesus ay taong walang kasalanan na isinugo upang itatag ang tunay na Iglesia at gampanan ang kaniyang tungkulin bilang tagapagligtas sa pamamagitan ng sakripisyo sa krus.[52]
Tungkol sa pagkasugo ni Felix Y. Manalo, may mga theologian, historian, at religious observer na hindi sumasang-ayon sa pananaw ng INC na siya ang “huling sugo ng Diyos.”[53] Ayon sa kanila, walang sapat na batayan upang ituring siyang propeta o apostol batay sa pamantayan ng Bibliya. Gayunman, tinuturing siya ng mga iskolar bilang isang Pilipinong restorasyonista na nagtayo ng independyenteng kilusang Kristiyano noong ika-20 siglo.[54] Sa panig naman ng Iglesia ni Cristo, itinuturo na si Felix Manalo ay instrumento ng Diyos sa muling pagtatatag ng tunay na Iglesia na nawala matapos ang panahon ng mga apostol, bilang pagtupad sa propesiya hinggil sa pagbabalik ng Iglesia sa "malayong silangan" na ayon sa doktrina ng Iglesia ni Cristo ay tumutukoy sa Pilipinas.[55] Sa kontekstong Hudyo, ang Malayong Silangan ay hindi lamang heograpikal na hangganan kundi isang larangan ng pakikisalamuha sa kapangyarihang banyaga. Sa Persia, nakita ng mga Hudyo ang kamay ng Diyos sa pagpapalaya sa kanila mula sa pagkabihag sa Babilonya sa ilalim ni Haring Ciro. Naging sagisag ito ng muling pagbangon at pag-asa. Samantala, ang Cyprus ay nagsilbing tulay sa pagitan ng Kanluran at Silangan isang pook ng kalakalan, paglalakbay, at palitan ng kultura. Sa ganitong tanaw, ang Malayong Silangan ay naging bahagi ng mas malawak na kwento ng diaspora, pagbabalik, at patuloy na paghahanap ng identidad ng bayang Hudyo.[56][57]
Itinuturo ng Iglesia ni Cristo na ang kaligtasan ay matatamo lamang sa pamamagitan ng pagiging kaanib sa kanilang samahan, sapagkat tanging sa loob ng tunay na Iglesia matatagpuan ang ganap na pagpapatawad at pag-asa ng buhay na walang hanggan.[58] Sa kabilang banda, may mga teolohiyang inklusibo na nagsasabing ang awa at hustisya ng Diyos ay hindi limitado sa anumang institusyon o samahan, at sa huli, ang Diyos lamang ang makapaghahatol kung sino ang maliligtas.[59]
Kritika sa Iglesia ni Cristo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Iglesia ni Cristo ay isa sa mga pinakamtatag na institusyong panrelihiyon sa Pilipinas. Sa loob ng mahigit isang siglo, ito ay kinilala sa disiplina, organisasyon, at kakayahang panatilihin ang pagkakaisa ng mga kasapi. Gayunman, ayon sa mga iskolar, tagamasid ng relihiyon, at mga sektor ng midya, hindi rin ito ligtas sa mga kritika na tumutukoy sa mga usapin ng kalayaan, pamumuno, at impluwensiya sa politika.
Base sa mga pag-aaral sa sosyolohiya at political science, ang istruktura ng INC ay inilalarawan bilang lubhang hierarkikal at sentralisado. Ang awtoridad ay nakatuon sa pamunuan, partikular sa antas ng Church Administration. Ayon sa mga analista, nagdudulot ito ng mataas na antas ng disiplina at pagkakaisa, ngunit binabawasan ang espasyo para sa malayang diskurso. Ang ilang dating kasapi at kritiko ay nagsasaad na ang bukas na pagtutol sa mga doktrina o patakaran ay maaaring magbunga ng parusang administratibo o pagtiwalag.[60] [61]
Inilalarawan ng mga tagapagmasid sa larangan ng komunikasyon na ang ganitong kalagayan ay nagreresulta sa tinatawag na suppression of freedom of speech sa loob ng samahan. Sa ganitong sistema, ang pagsunod sa pamunuan ay madalas na inuuna kaysa sa malayang pagpapahayag ng opinyon.[62] Gayunman, binabanggit din ng ilang neutral na iskolar na maaaring ituring ng INC ang ganitong kalakaran bilang paraan ng pagpapanatili ng pagkakaisa at disiplina, na sentro ng kanilang pananampalataya.
Ayon sa mga ulat ng midya at komentaryong pampulitika, madalas ding iugnay sa INC ang usapin ng dinastikong pamumuno, sapagkat mula pa noong pagkakatatag nito ay nanatili sa iisang pamilya ang pinakamataas na posisyon sa Iglesia. Para sa mga tagasuri, ito ay nagpapakita ng konsolidasyon ng kapangyarihan at kahalintulad ng pamumunong monarkikal sa istruktura. Subalit, ipinapaliwanag ng mga tagapagtanggol ng sistema na ito ay simbolo ng tuloy-tuloy na pamumuno at pagkakaisa ng doktrina.[63]
Sa larangan naman ng politika, itinuturo ng mga politikal na analista at mamamahayag na ang bloc voting ng INC ay may malaking epekto sa resulta ng halalan. Ang ganitong patakaran ay itinuturing ng Iglesia bilang ekspresyon ng espiritwal na pagkakaisa, subalit inilalarawan ng mga kritiko ito bilang potensyal na instrumento ng impluwensiya o negosasyon sa mga kandidatong pampolitika. Ang ganitong gawain ay patuloy na pinag-aaralan ng mga eksperto bilang halimbawa ng ugnayan ng relihiyon at halalan sa bansa.[64] [65]
Base sa ilang panlipunang pag-aaral, may mga tagamasid din na tumutukoy sa pagkakaroon ng cult of personality sa loob ng INC, dahil sa matinding pagtuon sa karisma at awtoridad ng mga pinuno. Gayunman, ipinapaliwanag ng ilang eksperto sa relihiyon na ang ganitong katangian ay hindi natatangi sa INC, kundi karaniwan sa mga relihiyosong kilusan na binibigyang-diin ang sakral na awtoridad ng pamunuan.[66] [67]
Sa huli, inilalarawan ng mga akademiko at komentarista ang mga kritikang ito bilang bahagi ng mas malawak na diskurso hinggil sa balanse ng awtoridad at kalayaan sa loob ng mga institusyong panlipunan. Ang INC, sa pananaw nila, ay hindi lamang isang simbahan kundi isang modelo ng organisasyong Pilipino mahigpit, kolektibo, at nakaugat sa ideya ng pagkakaisa bilang kabalikat ng pananampalataya.
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ang Iglesia Ni Cristo (INC) ay hindi kinikilalang hiwalay na denominasyon hanggang sa 1948 na senso sa Pilipinas.
- ↑ Maaaring hindi kasama sa listahan ng INC ang creative access na mga bansa. Ayon sa kanilang website, nasa 166 na bansa at teritoryo na ang INC.[3]
- ↑ Ayon sa Articles of Incorporation ng Iglesia, ang petsa ng pagkakarehistro nito ay Hulyo 13, 1914 bilang Iglesia ni Kristo o INK,[4] samantalang sa Amended Articles of Incorporation nito na isinumite noong 1948 ang nakalagay naman ng petsa ng pagkarehistro ay Hunyo 27, 1914 (bilang Iglesia ni Cristo o INC). Hulyo 27, 1914 na ang nakalagay na petsa sa Amended Articles of Incorporation na isinumite noong 1973.[5] Ang huling nabanggit na petsa ay nasa websayt na ng SEC ngayon.[6] Ito rin ang ginugunita ng Iglesia ngayon na petsa (Hulyo 27).
- ↑ Ayon sa INC, kasapi si Manalo ng kongregasyong Metodista na pinamumunuan ni Zamora noong 1904. Hindi gaanong natatalakay ng INC or ng mga Metodista kung ano man ang koneksyon nila Zamora at Manalo. Yumao si Zamora noong Setyembre 14, 1914, dalawang buwan matapos irehistro ni Manalo ang Iglesia ni Kristo.
- ↑ Maliban sa sermon ng pasasalamat sa okasyong ito, si Quijano rin ang nagkasal kay Manalo sa kanyang naging asawa. Ang simbahang itinatag ng Mision Cristiana (Discipulos) sa Pilipinas noong 1901 ay Iglesia Ni Cristo. Upang makilala ang pagkakaiba sa Iglesia Ni Kristo na itinatag ni Felix Manalo noong 1914, dinagdag ang taon ng pagkakatatag. Mangyaring maalala na ang simbahan ni Manalo ay nairehistro bilang Iglesia ni Kristo o INK.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ The People of the Philippines Their Religious Progress and Preparation for Spiritual Leadership in the Far East, 1925.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 "INC Directory". Iglesia Ni Cristo. Iglesia Ni Cristo. Nakuha noong 23 October 2025.
- ↑ 3.0 3.1 "About the Iglesia Ni Cristo". Iglesia Ni Cristo About Us. Iglesia Ni Cristo. Nakuha noong 23 October 2025.
- ↑ "Iglesia ni Kristo Registration Document 1914". July 14, 1914. Nakuha noong May 30, 2020.
- ↑ "Iglesia Ni Cristo Amended Articles Of Incorporation 1973". Internet Archive. Nakuha noong 24 October 2025.
- ↑ "SEC company verification system". Securities and Exchange Commission Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Agosto 2025. Nakuha noong 24 October 2025.
- ↑ 7.0 7.1 7.2 7.3 Tuggy, Arthur Leonard (1976). Iglesia Ni Cristo A Study In Independent Church Dynamics. Quezon City: Conservative Baptist Publishing. Nakuha noong 24 October 2025.
- ↑ 8.0 8.1 "Felix Y. Manalo and the Iglesia ni Cristo". Nakuha noong 23 October 2025.
- ↑ "The Most Holy Church of God in Christ Jesus". Nakuha noong 23 October 2025.
- ↑ INC Defenders
- ↑ Small Remnant
- ↑ Church of Yahusha (Church of Yahusha 1914 Ministries)
- ↑ Assembly of Yahusha
- ↑ "Thousands gather for Worldwide Evangelical Mission". Pasugo. Iglesia Ni Cristo. Nakuha noong 23 October 2025.
- ↑ Bullard, Eric. "Iglesia ni Cristo". EBSCO. Nakuha noong 23 October 2025.
- ↑ "Ordination of Ministers, Recognitions, and 41st Commencement Exercises". INC Media. Iglesia Ni Cristo. Nakuha noong 23 October 2025.
- ↑ "The official name of the church with upper case I in Iglesia and C in Cristo and lower case n in ni, as it appears on the copyright notice of the magazine Pasugo - Felix' Message". Pasugo - Message. 59 (5). Quezon City, Philippines: Iglesia ni Cristo. May 2007. ISSN 0116-1636.
- ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangnhi2); $2 - ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangsophia2); $2 - ↑ Tipon, Emmanuel (Hulyo 28, 2004). "Iglesia ni Cristo celebrates 90th anniversary"(sininop mula sa orihinal noong 2007-10-13). PhilippineNews.com. Hinango noong Agosto 19, 2005
- ↑ Adriel Obar Meimban (1994). "A Historical Analysis of the Iglesia ni Cristo: Christianity in the Far East, Philippine Islands Since 1914" (PDF). The Journal of Sophia Asian Studies (12). Tokyo: Sophia University: 98–134. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-03-08. Nakuha noong 2014-02-26.
- ↑ Anne C. Harper (2001-03-01). The Iglesia ni Cristo and Evangelical Christianity (PDF). The Network for Strategic Missions. pp. 101–119. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-09-27. Nakuha noong 2011-06-12.
- ↑ Sanders, Albert J., "An Appraisal of the Iglesia ni Cristo," in Studies in Philippine Church History, ed. Anderson, Gerald H. (Cornell University Press, 1969)
- ↑ Arlyn dela Cruz (2009-09-02). "Iglesia ni Cristo leader Eraño Manalo dies". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-04. Nakuha noong 2011-06-07.
- ↑ Aries Rufo (2009-09-02). "No shifts seen when Ka Erdie's son takes over INC". ABS–CBN News. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-08. Nakuha noong 2011-10-07.
- ↑ "Religious Affiliation in the Philippines (2020 Census of Population and Housing) - Statistical Tables". Phillipine Statistics Authority.
- ↑ Tan, Kimberly Jane (July 4, 2014). "PNoy forms task force for Iglesia ni Cristo centennial celebration". GMA News. Nakuha noong July 4, 2014.
- ↑ Ma, Yuchen (7 April 2025). "New Religious Movements in the Philippines: Their Development, Political Participation, and Impact". Religions. 16 (4).
{{cite journal}}:|access-date=requires|url=(tulong) - ↑ Partridge, Christopher (Ed.) (2004). Encyclopedia of new religions, new religious movements, sects and alternative spiritualities. (Oxford: Lion Publishing, 2004) ISBN 0-7459-5073-6.
- ↑ 30.0 30.1 Modesto, Salvador Trani (October–December 1958). "The Iglesia Ni Kristo". Unitas. 31 (4). Nakuha noong 24 October 2025.
- ↑ 31.0 31.1 Robert R. Reed (2001). "The Iglesia ni Cristo, 1914-2000. From obscure Philippine faith to global belief system". Journal of the Humanities and Social Sciences of Southeast Asia and Oceania. 157 (3). Leiden: Royal Netherlands of Southeast Asian and Caribbean Studies: 561–608. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong April 2, 2012. Nakuha noong June 7, 2011.
- ↑ Palafox, Quennie Ann J. 'First Executive Minister of the Iglesia ni Cristo (Church of Christ)' Naka-arkibo 2012-02-13 sa Wayback Machine. "National Historical Institute"
- ↑ Villanueva, Robert C. The Untold Story of the Iglesia ni Cristo (Philippine Panorama, 1992)
- ↑ '25 Years in the West, God's Message (Manila: 1993)
- ↑ Crisostomo, Isabelo T. 'Felix Y. Manalo and the Iglesia ni Cristo', Pasugo (Mayo-Hunyo 1986)
- ↑ Iglesia Ni Kristo 5th Year Anniversary Letter of Invitation And Ordination Of Felix Y. Manalo Dated December 25, 1918
- ↑ Quennie Ann J. Palafox. "122nd Birth Anniversary of Ka Felix Y. Manalo". National Historical Commission of the Philippines. pp. 1–2. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 4, 2013. Nakuha noong Hunyo 7, 2011. Maling banggit (Invalid na
<ref>tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "nhi" na may iba't ibang nilalaman); $2 - ↑ Pacific School of Religion
- ↑ 39.0 39.1 Igmidio, Zabala (1959). Ako'y naging ministro ng "Iglesya ni Cristo". L. Cribe Press.
- ↑ "Punta And The Iglesia ni Cristo". www.theurbanroamer.com. The Urban Roamer. Nakuha noong August 24, 2014.
- ↑ 'Iglesia ni Cristo turns 91 today'[patay na link] Manila Bulletin (27 Hulyo 2005)
- ↑ Manila Times Editorial Naka-arkibo 2009-10-03 sa Wayback Machine.(MANILA, 27 Hulyo 2004)
- ↑ Filipino Express, The CBCP recognizes INC, El Shaddai Filipino Express, The (12-11-2005 MANILA)
- ↑ "'Iglesia ni Cristo 92nd Anniversary" Manila Bulletin Online (27 Hulyo 2006)
- ↑ 'Who Are They' Let Us Reason Ministries (2002); cited by the Adherents.com religious geography citations database Naka-arkibo 2007-09-30 sa Wayback Machine.
- ↑ Inside the Iglesia Ni Cristo: What They Really Believe
- ↑ an article in Pasugo (Manila: Iglesia ni Kristo, 1986) cited by "Pepe" 'Iglesia ni Kristo - religion and politics in Philippine society' Pepeslog (Berkeley: University of California, 21 Pebrero 2001)[patay na link]. Hinango noong 3 Hulyo 2005
- ↑ 'Indigenous Christian Churches' Philippines: A Country Study, (Washington, DC: US Library of Congress, 1993 4th ed.) A representative of the INC Administration states that this site contains gross inaccuracies.
- ↑ Tubeza, Philip C. 'SC ruling sought on sects' vote', Inquirer News Service, (Manila: 1 Abril 2004). Hinango noong 6 Pebrero 2006
- ↑ Jurado, Emil. 'The so-called command votes', Manila Standard Today, (Manila: 7 Marso 2007) Naka-arkibo 13 October 2007[Date mismatch] sa Wayback Machine.. Hinango noong 13 Agosto 2007
- ↑ "Trinity | Definition, Theology, & History | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). 2025-10-28. Nakuha noong 2025-11-06.
- ↑ "Crucifixion | Description, History, Punishment, & Jesus | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). 2025-10-22. Nakuha noong 2025-11-06.
- ↑ "Prophethood - (World Religions) - Vocab, Definition, Explanations | Fiveable". fiveable.me (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-11-06.
- ↑ "Christianity in the 20th century", Wikipedia (sa wikang Ingles), 2025-09-13, nakuha noong 2025-11-06
- ↑ Mandirigma, Iglesia Ni Cristo: Ibong (2019-04-23). "WHY FAR EAST IS CORRECT IN ISAIAH 43:5, MOFFAT TRANSLATION?". Iglesia ni Cristo: Ibong Mandirigma (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-11-06.
- ↑ "Cyrus the Great | Biography & Facts | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). 2025-10-14. Nakuha noong 2025-11-06.
- ↑ "Persia In the Bible – Amazing Bible Timeline with World History" (sa wikang Ingles). 2016-10-03. Nakuha noong 2025-11-06.
- ↑ "Exclusivism | religion | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-11-06.
- ↑ "Topical Bible: The Inclusivity of Salvation". biblehub.com. Nakuha noong 2025-11-06.
- ↑ "Centralized Authority - (Intro to Anthropology) - Vocab, Definition, Explanations | Fiveable". fiveable.me (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-11-06.
- ↑ "Iglesia ni Cristo", Wikipedia (sa wikang Ingles), 2025-11-06, nakuha noong 2025-11-06
- ↑ "Suppression of dissent: definitions". documents.uow.edu.au. Nakuha noong 2025-11-06.
- ↑ "The Iglesia ni Cristo: Dynasty in the Iglesia ni Cristo?". The Iglesia ni Cristo. 2009-12-15. Nakuha noong 2025-11-06.
- ↑ "Block voting", Wikipedia (sa wikang Ingles), 2025-05-08, nakuha noong 2025-11-06
- ↑ "Election", Wikipedia (sa wikang Ingles), 2025-11-05, nakuha noong 2025-11-06
- ↑ "Cult of personality", Wikipedia (sa wikang Ingles), 2025-10-27, nakuha noong 2025-11-06
- ↑ "1987 Constitution | Senate Electoral Tribunal" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-11-06.
<ref> tag na may pangalang "incmedia-organization" na binigyang-kahulugan sa <references>.); $2Mga kawing na panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kampi
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Unique bible study Isang bible study na naglalaman ng tipikal na doktrina ng INC at may tanong at sagot na pagkaka-ayos tulad nang ginagamit ng kanilang mga ministro. Walang malinaw na tukoy sa Iglesia ni Cristo sa website na ito.
- Truthfinder's INC Page Site ng isang miyembro ng INC: INC profile, mga panimulang turo, kasaysayan, atbp.
- Food for the Soul Naka-arkibo 2007-03-11 sa Wayback Machine. Mga tula at panibagong limbag ng artikulo ng God's Message
- The Iglesia Ni Cristo "Read me's Page", blog ng isang miyembro ng INC: tungkol sa INC atbp.
Laban
[baguhin | baguhin ang wikitext]- The Power and the Glory: The Cult Of Manalo
- Examine Iglesia Ni Cristo Naka-arkibo 2008-08-07 sa Wayback Machine. - Ebandyelikong kritika ng INC base sa mga nakasulat sa Pasugo
- LetUsReason.org: Iglesia Ni Cristo - Mga artikulo tungkol sa INC at kanilang mga paniniwala
- The Iglesia ni Cristo and evangelical Christianity - artikulong isinulat ni Anne C. Harper. Ayon sa kanyang panlalarawan:"The purpose of this paper is to explore the INC's view of Evangelicals and to consider whether [evangelicals] need to reassess [their] apologetic and evangelistic approach to this group". (Kailangan ng PDF reader, HTML na salin hatid Google)
- Iglesia ni Cristo in a nutshell - Doctrines exposed Naka-arkibo 2007-10-13 sa Wayback Machine. - Mga post ni Cultic Research, ginawa noong 2002/2003 sa isang forum na walang moderator tungkol sa mga aspeto ng INC
- INCWorld at FaithWeb.com - Isang hindi opisyal na website na naglalaman ng mga artikulong bumabatikos sa INC, huwag ikalito sa Intranet site na INCWorld.org Naka-arkibo 2007-10-07 sa Wayback Machine..
- http://www.truthcaster.com/ Naka-arkibo 2007-10-06 sa Wayback Machine. - Isang 24/7 na broadband channel na mayroong live webcast kung saan ibinubunyag ang mga hindi maka-bibliyang doktrina ng Iglesia ni Cristo
Ibang kawing na may kaugnayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- GEM-tv Naka-arkibo 2007-08-18 sa Wayback Machine. Global Exansion Media Television - Nagpapasahimpapawid ng mga relihiyosong programa maliban sa balita at panlibang. Channel 2068 sa Direct TV.
- DZEC live audio webcast Naka-arkibo 2007-09-29 sa Wayback Machine. - mga tagalog na relihiyosong programa na isinasahimpapawid tuwing karaniwang araw, 8:00 p.m. hanggang 12:00 ng hatinggabi sa lokal na oras ng Pilipinas.