Erato
Sa mitolohiyang Griyego, si Erato /ˈErətoʊ/ (Sinaunang Griyego: Ἐρατώ) ay isa sa mga Musang Griyego. Ang pangalan ay may kahulugang "ninanais" o "kaibig-ibig", kung hinango mula sa kaparehong ugat ng Eros, katulad ng mapaglarong mungkahi ni Apollonius ng Rhodes pagtawag o panalangin (imbokasyon) kay Erato na nagsisimula ng Aklat III ng kaniyang Argonautica.[1]
Si Erato ang Musa ng panulaang liriko, natatangi na ng panulaan ng pag-ibig at erotiko.[2] Sa himnong Orpiko para sa mga Musa, si Erato ang nakakaakit ng paningin. Magmula sa Renasimyento, madalas siyang ipinapakita na mayroong isang korona ng Myrtus communis (mirto) at nga mga rosas, na may hawak na kudyapi, o isang maliit na kithara, isang instrumentong pangmusika na inimbento ni Apollo o niya mismo[kailangan ng sanggunian]. Sa mga representasyon (mga ilustrasyon) ni Simon Vouet, mayroong dalawang mga ibong tukmol na nanginginain ng mga butil sa may paanan niya. Ang ibang mga paglalarawan ay maaaring magpakita na siya ay nagtatangan ng isang ginintuang palaso, na nagpapaalala sa isang tao ng "eros", ang damdamin na napapadama niya sa lahat ng mga tao, at kung minsan siya ay nasa piling ng diyos na si Eros, na may hawak na isang sulo.
Pag-unlad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binanggit ang pangalan ni Erato na kapiling ang iba pang mga musa sa Teogoniya ni Hesiod. Tinatawag din siya sa pagdarasal sa simula ng isang nawalang tula, ang Rhadine (Ῥαδινή), na tinukoy at maiksing sinipi ni Strabo.[3] Ang kuwento ng pag-ibig ni Rhadine ay nagpalagay na ang kaniyang libingan na nasa pulo ng Samos ay isang pook ng pilgrimahe para sa mga nag-iibigan na ginagambala o pinapakialaman ng mga puwersang panlabas noong panahon ni Pausanias[4] at muling nakaugnay si Erato sa pagmamahalan sa loob ng Phaedrus ni Plato;[5] gayunpaman, kahit na noong ika-3 daantaon BCE ay isinulat ni Apollonius na ang mga Musa ay hindi pa gaanong naaugnay sa tiyak na mga uri ng panulaan.[6]
Tinatawag sa panalangin si Erato sa simula ng ika-7 aklat ng Aeneid ni Virgil, na nagbibigay ng tanda sa ikalawang hati ng seksiyong 'Iliadiko' ng tulad: si Calliope (epiko), kahit na si Melpomene (trahedya) o si Clio (kasaysayan) ay tila mas naaangkop. Ang pagpili na ito ay maaaring magpahayag ng pag-ibig ni Virgil sa kaniyang tinubuan o pinagmulang lupain, subalit sa anumang kaso ay nagpapakit ng pangangailangan para sa isang bagong puwersang malikhain sa pagbabagong ito sa kapupuntahan ng tula.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Apollonius Rhodius, Argonautica, III.1-5, tekstong nasa internet
- ↑ "The 9 muses of greek mythology. Do you want to know them?". Citaliarestauro.com. Nakuha noong 11 Pebrero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sa Geography 8.3.20; ang atribusyon ni Strabo ng tula kay Stesichorus ay pinabulaanan ni H. J. Rose, "Stesichoros and the Rhadine-Fragment", The Classical Quarterly 26.2 (Abril 1932), pp. 88-92.
- ↑ Description of Greece 7.5.13.
- ↑ Phaedrus, 259.
- ↑ Richard Hunter, patnugot. Jason and the Golden Fleece (Oxford: Clarendon Press, 1993), paunawa sa p. 66.