Pumunta sa nilalaman

Ergonomiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ergonomiks: ang agham ng pagdidisenyo ng interaksiyon ng tagagamit sa kasangkapan at mga pook na pinagtatrabahuhan upang umangkop sa gumagamit.

Ang ergonomiks o ergonomiya ay ang agham ng pagdidisenyo ng kapaligiran ng pook na panghanapbuhay upang maging akma sa tagagamit. Kailangan ang angkop na disenyong ergonomiko upang maiwasan ang paulit-ulit na mga pinsala dahil sa pagkabinat ng katawan o pananakit ng kalamnan, na maaaring umiral sa loob ng matagal na panahon at maaaring humantong sa kapansanang pangmatagalan.[1] Binigyang kahulugan ng International Ergonomics Association (Internasyunal na Asosasyon ng Ergonomiks) ang ergonomiks bilang:[2]

Ang ergonomiks (o mga dahilang pangtao) ay ang makaagham na disiplinang nakatuon sa pag-unawa ng mga interaksiyon sa piling ng mga tao at ibang mga elemento ng isang sistema, at ng propesyon na gumagamit ng teoriya, mga prinsipyo, dato at mga metodo sa disenyo upang masagad ang kapakanan ng tao at pangkalahatang kaganapan ng sistema.

Ginagamit ang ergonomiks upang maisakatuparan ang dalawang mga layunin: pangkalusugan at produktibidad. May kaugnayan at katuturan ito sa pagdidisenyo ng ganitong mga bagay katulad ng ligtas na kasangkapan o muwebles at maginhawang gamitin na mga ugnayang-mukha (mga interface) sa mga makina.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Berkeley Lab. Integrated Safety Management: Ergonomics Naka-arkibo 2009-08-05 sa Wayback Machine.. Websayt. Nakuha noong 9 Hulyo 2008.
  2. International Ergonomics Association. What is Ergonomics Naka-arkibo 2010-03-28 sa Wayback Machine.. Websayt. Nakuha noong 21 Agosto 2008.


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.