Pumunta sa nilalaman

Ernesto Herrera

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ernesto "Boy" Herrera
Senado ng Pilipinas
Nasa puwesto
Hunyo 30, 1987 – Hunyo 30, 1998
Kinatawan ng Unang Distrito ng Bohol sa Kapulungan ng mga Kinatawan
Nasa puwesto
Hunyo 30, 1998 – Hunyo 30, 2001
Nakaraang sinundanVenice Borja-Agana
Sinundan niEdgar M. Chatto
Personal na detalye
Isinilang11 Setyembre 1942(1942-09-11)
Samboan, Cebu, Pilipinas
Yumao29 Oktobre 2015(2015-10-29) (edad 73)
Makati, Pilipinas
Partidong pampolitikaLaban ng Demokratikong Pilipino
AsawaLourdes Ciuco-Herrera

Si Ernesto "Boy" Falar Herrera (Setyembre 11, 1942 – Oktubre 29, 2015) ay isang dating lider-manggagawa at pulitiko sa Pilipinas. Nagsilbi siyang pangkalahatang-kalihim ng Trade Union Congress of the Philippines nang mahala sa puwesto noong 1983. Una siyang nakilala sa buong bansa nang hirangin siya Ferdinand Marcos upang maging kasapi ng Komisyong Agrava na inatasang magsiyasat sa pagpaslang sa dating senador at lider ng oposisyon na si Ninoy Aquino. Nahalala siya bilang senador noong 1987 at noong 1992[1] at kinatawan naman ng Bohol noong 1998.

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak sa Samboan, Cebu, si Herrera ang panganay sa apat na anak nina Sofio Herrera at Narcisa Falar.[2] Bata pa lamang siya nang dapuan ng sakit na polio.

Nagtapós ng kurso sa batas si Herrera sa University of the Visayas noong 1966.

Komisyong Agrava

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Herrera ang pinakabata sa limang bumuo ng isang independiyenteng komisyong inatasang siyasatin ang pagpaslang kay Ninoy Aquino noong Agosto 21, 1983.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Senators Profile: Ernesto Herrera" (sa wikang Ingles). Senado ng Pilipinas. Nakuha noong Oktubre 30, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Palapos, Loy (Marso 25, 2007). "Julius Caesar Falar Herrera: Crossing the Rubicon". The Bohol Standard (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 30, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


PilipinasPolitiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.