Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng Abad Santos

Mga koordinado: 14°37′50.31″N 120°58′53.03″E / 14.6306417°N 120.9813972°E / 14.6306417; 120.9813972
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Abad Santos
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Sa loob ng Estasyong Abad Santos
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonKanto ng Abenida Rizal at Abenida Abad Santos, Bgy. 208 Zone 019 Manuguit, Tondo, Maynila
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon (DOTr)
Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA)
LinyaLRT Line 1
PlatapormaGilid ng plataporma
Riles2
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaNakaangat
Ibang impormasyon
KodigoAS
Kasaysayan
NagbukasMayo 12, 1985
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
patungong Fernando Poe Jr.
Line 1
patungong Baclaran

Ang Estasyong Abad Santos ng LRT o Estasyong Berde na Abad Santos ng LRT ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Katulad ng iba pang mga himpilan ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang himpilang Abad Santos. Nagsisilbi para sa Tondo at Sta. Cruz na kapwa nasa Maynila at matatagpuan sa Abenida Rizal. Pinangalanan ang estasyon mula sa Abenida Abad Santos at kay José Abad Santos na Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Nagsisilbi bilang pang-anim na estasyon ang estasyong Abad Santos para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Baclaran at bilang pang-labinlimang himpilan para sa mga treng patungo sa Roosevelt.

Mga kalapit na palatandaang pook

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Malapit ang estasyon sa Katimugang Tarangkahan ng Sementeryong Tsino ng Maynila sa Bulebar Aurora at Kalye Felix Huertas. Malapit din ito sa Simbahan ng San Jose Manggagawa sa Tondo.

Mga kawing pangpanlalakbay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Katulad ng katabing R. Papa, maaaring sumakay ang mga pasaheo sa dyipi o mga taksi papuntang estasyong Abad Santos. Humihinto rin malapit dito ang mga bus na dumaraan sa Abenida Taft. May mga sasakyang de-padyak na nagaabang ng mga pasahero sa labas ng estasyon.

Pagkakaayos ng Estasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
L2
Mga batalan
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Roosevelt
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Baclaran
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan
L1 Daanan

14°37′50.31″N 120°58′53.03″E / 14.6306417°N 120.9813972°E / 14.6306417; 120.9813972