Estasyon ng Masinag
(Idinirekta mula sa Estasyong Masinag)
Masinag | |
---|---|
Manila MRT Line 2 East Extension | |
![]() | |
Pangkalahatang Impormasyon | |
Lokasyon | Antipolo City, Rizal |
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon |
Pinapatakbo ni/ng | Sistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila |
Linya | MRT-2 East Extension |
Plataporma | Gilid ng batalan |
Riles | 2 |
Konstruksiyon | |
Uri ng estruktura | Tulay (overpass) |
Ibang impormasyon | |
Kodigo | Ma |
Ang Estasyon ng Masinag o Himpilang Masinag ay isa sa mga pinaplanong dagdag na himpilan sa silangan sa Linyang Bughaw ng sistemang Magaan na Riles Pantawid ng Maynila (MRT-2). Kapag ito ay naitayo, ito ang nag-iisang himpilan sa linya na nasa labas ng Kalakhang Maynila sapagkat matatagpuan ito sa siyudad ng Antipolo na nasa Lalawigan ng Rizal. Magsisilbi ang himpilan para sa Lalawigan ng Rizal sa Lungsod ng Antipolo at ipinangalan mula sa Tagpuang Masinag sa pagitan ng Marcos Highway at Sumulong Highway.
Magsisilbi ang himpilang Masinag bilang bagong huling himpilan para sa mga treng MRT-2 na patungo sa silangan at bilang unang himpilan para sa mga treng patungo sa Recto o sa hinaharap ay patungong Pier 4.
Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang wikitext]
Midyang kaugnay ng Masinag station sa Wikimedia Commons
- Websayt ng LRTA Naka-arkibo 2014-05-28 sa Wayback Machine.