Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng Tutuban (LRT)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tutuban
Manila MRT Line 2 West Extension
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonBinondo, Lungsod ng Maynila
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon
Pinapatakbo ni/ngSistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila
LinyaMRT-2 West Extension
PlatapormaGilid ng batalan
Riles2
KoneksiyonPaglipat sa Linyang Kahel sa pamamagitan ng paglakad papuntang Estasyong Daangbakal ng Tutuban
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaTulay (overpass)
Ibang impormasyon
KodigoTu

Ang Estasyon ng Tutuban o Himpilang Tutuban ay isa sa mga pinaplanong dagdag na himpilan sa kanluran sa Linyang Bughaw ng sistemang Magaan na Riles Pantawid ng Maynila (MRT-2). Kapag ito ay naitayo, ito ang panlimang himpilan sa linya na nasa Lungsod ng Maynila. Magsisilbi ang himpilan para sa Binondo sa Lungsod ng Maynila at ipinangalan mula sa tanyag na distrito ng Binondo na Divisoria na kung saan maraming pamilihan ng mga murang gamit.

Magsisilbi bilang panlabing-dalawang himpilan para sa mga treng MRT-2 na patunong Pier 4 sa kanluran at bilang ikatlong himpilan para sa mga treng patungo sa Santolan o sa hinaharap ay patungong Masinag depende sa magiging dami ng himpilang itatayo sa kanluran.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]