Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng United Nations (LRT)

Mga koordinado: 14°34′56.97″N 120°59′04.78″E / 14.5824917°N 120.9846611°E / 14.5824917; 120.9846611
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Estasyong United Nations ng LRT)
United Nations
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Plataporma ng Estasyong United Nations
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonKanto ng Abenida Taft, Kalye General Luna at Abenida ng United Nations, Ermita, Maynila 1000
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon (DOTr)
Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA)
LinyaUnang Linya ng LRT
PlatapormaMga plataporma sa gilid
Riles2
KoneksiyonGusaling Times Plaza, Maynila
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaNakaangat
Ibang impormasyon
KodigoUN
Kasaysayan
NagbukasDisyembre 1, 1984
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
patungong Fernando Poe Jr.
Line 1
patungong Dr. Santos

Ang Estasyong United Nations ng LRT, na kilala rin bilang Estasyong UN Avenue ng LRT o sa literal, Estasyon ng Mga Nagkakaisang Bansa ng LRT, ay isang estasyon sa Manila LRT (Unang Linya ng LRT). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong United Nations. Nagsisilbi ang estasyon sa Ermita sa Maynila at matatagpuan sa kanto ng Abenida Taft at Abenida ng United Nations. Ang abenida naman ay ipinangalan mula sa pandaigdigang samahan ng Mga Nagkakaisang Bansa (United Nations).

Nagsisilbi bilang pang-labintatlong estasyon ang estasyong United Nations para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Baclaran at pang-walong estasyon para sa mga treng patungo sa Roosevelt.

Mga kalapit na palatandaang pook

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tanawin mula sa Estasyong United Nations

Ito ang pinakamalapit na estasyon sa isa sa mga pangunahing palatandaang pook ng Maynila, Liwasang Rizal, na ipinangalan sa pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. José Rizal. Dahil sa puwesto nito malapit sa Liwasang Rizal, malapit ang estasyon sa mga tanggapan ng pamahalaan tulad ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas at Hukuman ng Apelasyon; at mga tanggapan ng Kagawaran ng Turismo (DOT), the Kagawaran ng Katarungan (DOJ), Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat (NBI), at Komisyon ng Seguro. Malapit din sa estasyon ang mga panrehiyong punong tanggapan ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) sa Kanlurang Pasipiko.

Ang paligid ay kinaroroonan ng maraming mga institusyong pang-edukasyon, tulad ng Instituto Cervantes de Manila, Pamantasang Adamson, Pamantasang Normal ng Pilipinas, Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas, U.P. Manila College of Arts and Sciences, Dalubhasaan ng Santa Isabel ng Maynila, Kolehiyong Emilio Aguinaldo, Mataas na Paaralan ng Araullo, at Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Maynila. Malapit din sa estasyon ang Pambansang Aklatan, Pambansang Museo ng Antropolohiya, at Liwasang Paco, gayundin ang punong tanggapan ng Philtrust Bank, YWCA ng Maynila, Waterfront Manila Pavilion Hotel, The Pearl Manila Hotel, Central United Methodist Church (Manila), at Cathedral of Praise. Ilan sa mga kilalang ospital ay matatagpuan malapit rito sa kahabaan ng Abenida ng United Nations, tulad ng Manila Doctors Hospital at Medical Center Manila.

Central United Methodist Church Manila

Nakaugnay ang Estasyong United Nations sa Times Plaza, isang sentro pangkomersiyo na kahalintulad sa isang maliit na gusaling pamilihan. Ito ang angkop na hintuan para sa mga papuntang Eva Macapagal Terminal sa Pantalan ng Maynila, Manila Ocean Park, Robinsons Place Otis, Malacañang Park, at Embahada ng Estados Unidos.

Mga kawing pangpanlalakbay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinagsisilbihan ang estasyong United Nations station ng mga bus at dyipni na nagsisilbi sa rutang Abenida Taft at kalapit na ruta. Humihinto rin ang mga taksi at traysikel sa estasyon at paligid nito.

Pagkakaayos ng Estasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
L2
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Roosevelt
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Baclaran
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan
L1 Daanan Plaza Salamanca, Medical Center Manila, Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan-Punong Tanggapan sa Kanlurang Pasipiko, Mataas na Paaralan ng Araullo, Tulay patungong Times Plaza

14°34′56.97″N 120°59′04.78″E / 14.5824917°N 120.9846611°E / 14.5824917; 120.9846611