Pumunta sa nilalaman

Estudyong Biederer

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang litrato mula sa Estudyong Biederer

Ang Estudyong Biederer (Pranses: Studio Biederer) ay isang estudyong Pranses para sa pagkuha ng mga litrato noong panahon ng Art déco. Pinamamahalaan ito ng dalawang magkakapatid na sina Jacques Biederer (ipinanganak noong 1887; namatay noong 1942) at Charles Biederer (ipinanganak noong 1892; namatay noong 1942) mula sa Moravská Ostrava, kasalukuyang nasa Republikang Tseko .

Ang kanilang ama ay si Maurice (Moritz) Biederer, ang kanilang ina ay si Augustine "Gusti" Biederer. Ang kanilang mga kapatid ay sina Emanuel at Hugo at kanilang babaeng kapatid na si Rosa Biederer. [1]

Si Jacques ay lumipat sa Paris noong 1908. Sinundan naman siya ni Charles noong 1913 upang tulungan siya bilang isang litratista. [2] [3] [4] Matatagpuan ang estudyo sa 33 boulevard du Temple, Paris . Nailathala bilang Éditions Ostra ang kanilang mga litrato noong mga dekada 1920 at 30. Naglalaman ito mula sa mga masining na paghubad hanggang sa sekswal na mga pag-aaral ng petisismo. Kabilang din dito ang paraan ng pagkaalipin, pagganap sa dula-dulaan, at erotikong pagpaparusa. [5] Gumawa rin sila ng isang serye ng mga pelikulang tahimik na naglalarawan ng mga eksenang pang-erotiko tulad ng pangingibabaw at pagsusumite. Halimbawa nito ang Dressage au fouet ('Pagsasanay sa Latigo' sa Tagalog). [6]

Pinangalanan ng magkakapatid ang kanilang negosyo, 'Ostra Studio', bilang pagbibigay pugay sa kanilang bayan - Moraska-Ostrava.

Ang ilang mga tarhetang postal ay nagtataglay ng pirma na JB, B, Ostra o isang tandang pananong sa loob ng isang tatsulok. Ang iba pang mga larawan ay maaaring makilala sa pamamagitan ng pagsuri sa estilo, kasangkapan, at modelo. [2] Si Biederer ay isang tagapagpuna ng mga susunod na litratista at pintor na may magkakatulad na interes at estilo tulad nina Charles Guyette, John Willie at Irving Klaw . [5]

Noong panahon ng pananakop ng Alemanya, ang magkakapatid na Hudyo ay naaresto. Si Charles ay dinala patungong Auschwitz-Birkenau noong 25 Hunyo 1942. Si Jacques naman ay dinala mula sa Pithiviers patungong Birkenau noong Hulyo 17, 1942. [1]

  • Alexandre Dupouy: Les éditions Ostra, L'age d'or du fétichisme. Paris: Éditions Astarté, 2007,ISBN 9782909607191

Mga panlabas na kawingan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 The lifes of Jacques and Charles Biederer. ostrastudio.com
  2. 2.0 2.1 Anne O. Nomis: The History & Arts of the Dominatrix. Selbstverlag, 2013, ISBN 978-0992701000, circa page 50 (Auszug)
  3. About Ostra Studio. ostastudio.com
  4. French Postcards - The Studios Biederer and Ostra transversealchemy.com
  5. 5.0 5.1 Biederer Studio. ostrastudio.com
  6. Fetish Movies. ostrastudio.com