Pumunta sa nilalaman

Petisismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang petisismo (Kastila: fetichismo; tinatawag ding fetish na hinango mula sa Pranses na fétiche; na nanggaling naman sa Portuges na feitiço; na nagmula pa rin naman sa Latin na facticius, "artipisyal" at facere, "gumawa") ay isang bagay na pinaniniwalaang may mga kapangyarihang supernatural, o sa partikular, isang bagay na gawa ng tao na may kapangyarihan sa iba. Sa katunayan, ang petisismo ay isang atribustyong etic (salitang pang-antropolihiya na naglalarawan ng isang ugali o paniniwala na inilarawan ng isang tagapagmasid, sa kaisipang magagamit sa ibang mga kultura).

Ayon sa Gabby's Dictionary, ang fetish o petisismo ay isang "bagay na pinaniniwalaang may kapangyarihan, na ayon sa Gabby's Dictionary Bansa.org ay katumbas ng anting-anting, galing, o anito.[1][2] Kaya't ang bagay ay "pinagtutunan ng labis na atensiyon at pag-galang".[1] Idinagdag pa rin ng Gabby's Dictionary na ang petisismo ay isang pagsamba o paniniwala sa fetish; o kaya isang labis na pagsampalataya o atensiyong ibinibigay sa isang bagay.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Fetish, fetishm Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine., gabbydictionary.com
  2. Fetish Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., bansa.org