Pumunta sa nilalaman

Etnosentrismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang etnosentrismo ay ang pagkakaroon ng paniniwalang pinakamahalaga at higit na nakatataas o nakaaangat ang isang lipi o lahi kaysa iba pa. Sa ganitong paniniwala, nangingibabaw at namamalagi ang damdamin ng pagpapahalaga sa sariling lahi,[1] maaaring sa ilan o sa lahat ng aspeto ng nasabing lipi. Sa loob ng ideolohiyang ito, maaaring husgahan ng mga indibidwal ang ibang mga pangkat kaugnay ng kanilang sariling grupong etniko o kalinangan, partikular na ang sa wika, ugali, gawi, at relihiyon. Nagsisilbing panglarawan o pambigay kahulugan ang ganitong kaibahang etniko at mga kabahaging kahatian sa namumukod-tanging pagkakakilanlan ng kalinangan ng bawat etnisidad.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Ethnocentrism, etnosentrismo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Margaret L. Andersen, Howard Francis Taylor. Sociology: Understanding a Diverse Society. Thomson Wadsworth. ISBN 0534617166.

Kultura Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalinangan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.