Pumunta sa nilalaman

Eba

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Eve)
Ang dibuhong Ang Paglalang kay Eba ni Michelangelo, isang fresco sa kisame ng Kapilyang Sistine na naglalarawan sa paglikha ng Diyos kay Eba mula sa tagiliran at tadyang ni Adan.

Ayon sa paniniwalang kristiano at judismo, si Eba (Ingles: Eve; wikang Kastila: Eva[1] ang unang babae, ang pangalawang tao, at ang asawa ni Adan. Ito ay nababasa sa Aklat ng Henesis sa Lumang Tipan ng Bibliya Nilikha ng Diyos si Eba mula sa tadyang ni Adan bilang kaniyang katuwang at katulong sa pamumuhay. Natukso si Eba ng ahas para kainin ang pinagbabawal na bunga mula puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Hinimok niya si Adan na sumalo sa pagkain ng bunga, kaya't bilang resulta, nalaman nila na sila'y hubad at sila ay pinalayas ng Diyos mula sa Hardin ng Eden at isinumpa sila kasama ang ahas na nangdaya sa kanila.

Kahulugan ng pangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagmula ang katagang Eva mula sa Havva na hango naman din sa hayah na nangangahulugang "mabuhay." Kaya nangangahulugang "ina ng mga nabubuhay" ang pangalang Eba o Eva.[2]

Kaugnayan kay Mariang Ina ni Hesus

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinasabing, ayon sa isang talababa sa salin ng Bibliyang Tagalog ni Jose C. Abriol, na si Mariang Ina ni Hesus ang "bagong Eba", sapagkat may kaugnayan sa tinatawag na mga talatang protoebanghelyong naglalaman ng pariralang "kaniyang dudurugin". Isang kahulaan ang mga talatang protoebanghelyo (mula sa salitang Lating protoevangelio) sapagkat nagbibigay ng "kahulaan ng pagtubos ng sangkatauhan na mababasa sa Ebanghelyo."[1]

  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Eva". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Ginamit ang baybay na Eva sa halip na Eba sa Bibliyang itong nasa wikang Tagalog.
  2. Abriol, Jose C. (2000). "Eva". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

BibliyaPananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Bibliya at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.