Extremadura
Extremadura | |||
---|---|---|---|
nagsasariling pamayanan ng Espanya, region of Spain | |||
| |||
Mga koordinado: 39°12′N 6°09′W / 39.2°N 6.15°W | |||
Bansa | Espanya | ||
Lokasyon | Espanya | ||
Itinatag | 1883 | ||
Kabisera | Mérida | ||
Bahagi | Talaan
| ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 41,634 km2 (16,075 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2021)[1] | |||
• Kabuuan | 1,059,501 | ||
• Kapal | 25/km2 (66/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+01:00, UTC+02:00 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | ES-EX | ||
Websayt | http://www.juntaex.es/ |
Ang Extremadura ay isang awtonomong pamayanan ng Espanya. Binubuo ito ng mga lalawigan ng Cáceres at Badajoz.
Ilan sa mga mahahalagang lungsod ang Cáceres, Badajoz, Plasencia, at Mérida.
Hinahanggan ang Extremadura ng Portugal sa kanluran. Ang lalawigan ay isang mahalagang area para sa mga hayop-gubat, partikular na sa pangunahing reserba sa Parque Natural de Monfragüe.
Ang Badajoz at Cáceres, respectively, ang pinakamalaki at pangalawang pinakamalaking lalawigan ng Espanya.
Ang Extremadura at eksplorasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Extremadura, ang pinakanaghihirap na rehyon ng Espanya, ang pinagmulan ng mga pinakatanyang na kongkistador at settler sa Amerikas. Si Hernán Cortés, Francisco Pizarro, Pedro de Alvarado, Pedro de Valdivia, atbp., lahat ay pinanganak sa Extremadura habang maraming mga lungsod sa Amerikas ang nagtataglay ng pangalan mula sa kanilang tinubuang-lupa:
- ang Mérida, na punong lungsod ng Extremadura na isa ring mahalagang lungsod sa Mehiko at Venezuela;
- ang Medellín, na isang maliit na lungsod sa Extremadura na siya ring pangalawang pinakamalaking lungsod sa Kolombya;
- ang Albuquerque, na pinakamalaking lungsod sa Nuevo México, Estados Unidos at ang pangalan na siyang maling transkripsiyon ng Alburquerque, isa ring lungsod sa Extremadura;
- at iba pa.
Bukod dito, ang mga tanging astronawtang Espanyol sa kasalukuyan, sina Miguel López-Alegría at Pedro Duque, ay may mga ugnayang pampamilya sa Extremadura.
Mga nagsasariling pamayanan at lungsod ng Espanya | ||||||
|
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.