Pumunta sa nilalaman

Dumagat (ibon)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Falcon)
Tungkol ito sa isang uri ng ibon, para sa pangkat etniko sa Pilipinas, puntahan ang Dumagat.

Mga dumagat
Kayumangging Palkon
Falco berigora
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Subpamilya:
Sari:
Falco

Linnaeus, 1758
Mga uri

May 37; tingnan sa teksto.

Kasingkahulugan

Ang dumagat, palkon, o halkon (Ingles: falcon, minsang natatawag ding hawk)[1][2] ay anumang uri ng limbas o ibong maninila o mandaragit (mga raptor) na nasa saring Falco. Nagmula ang katawagang palkon mula sa pangalan nito sa Lating falco, na kaugnay ng Lating falx (may ibig sabihing "karit") dahil sa hugis ng pakpak ng ibong ito. Sa malawakang katawagan, natatawag din itong "lawin" o "banoy".[1][2]

Maliit na mga ibong maninila ang mga palkon na kamag-anakan ng mga lawin at agila. Kalimitan silang mayroong matutulis na mga pakpak at mahahabang mga buntot. Karamihan sa kanila ang kumakain ng maliliit na mga mamalya kanilang hinahanap sa pamamagitan ng pananaw, bagaman may ilang mga uring tumutugis ng ibang mga ibon, na kanilang hinuhuli habang lumilipad. Katulad ng mga lawin, karamihan sa mga dumagat ang may madilim na abuhin o kayumangging mga likuran at mga pakpak na may mapuputing pang-ilalim. Matatagpuan ang palkong peregrino sa halos karamihan sa mga pook ng mundo at tanyag dahil sa paninila ng mga ibon sa pamamagitan ng pagtugis o "pagsisid" pababa habang nasa ere o himpapawid at habang nasa tulin o bilis na 320 km/h (200 mi/h). Halos mapawi ang mga peregrinong palkon sa Hilagang Amerika dahil sa paggamit ng mga pestisidyo, ngunit muli na itong nakababalik sa dating katayuan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Falcon - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 Blake, Matthew (2008). "Falcon, hawk, lawin". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa Falcon Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..

Ibon Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.