Mga Dumagat
Agta | |
|---|---|
Mga Dumagat na nagtitinda sa isang palengke sa Baliwag, Bulacan | |
| Kabuuang populasyon | |
| Tinatayang 5,000 hanggang 6,000 | |
| Mga rehiyong may malaking bilang nila | |
| Luzon, | |
| Wika | |
| Casiguran Dumagat Agta, Hatang-Kayi, Tagalog | |
| Relihiyon | |
| Kristiyanismo, mga relihiyong pambayan | |
| Kaugnay na mga pangkat-etniko | |
| Ibang mga Negrito, mga Pilipino |
Ang mga Dumagat (binabaybay minsan bilang Dumaget[1]), na minsang kolektibong tinutukoy bilang mga Dumagat–Remontado[2] o simpleng mga Remontado,[3] ay isang katutubong subgrupo ng mga Negrito sa Pilipinas. Ang pangalang "Dumagat" ay isang eksonimo (o pangalang pampangkat na ginagamit sa labas ng isang pangkt) na ibinigay ng mga Tagalog na naninirahan sa mabababang lugar, na literal na nangangahulugang "mula sa dagat," bagaman ginagamit ito bilang endonimo (o pangalang pampangkat na ginagamit ng pangkat) ng ilang pamayanang Negrito sa kahabaan ng Ilog Umiray at mga kalapit na lugar.[4] Maraming pamayanan ang tumutukoy sa kanilang sarili bilang Agta, na nangangahulugang “tao” sa kanilang katutubong wika.[5][6]
Naninirahan sila sa parehong kabundukan at baybaying lugar sa kahabaan ng bulubunduking Sierra Madre at mga kalapit na lalawigan, kabilang ang Aurora, Quezon, Rizal, Bulacan, at Nueva Ecija.[3][7][8] Sa tradisyonal na pamumuhay, sila ay medyo-nomadiko at umaasa sa pangangaso, pangingisda, kaingin, pagsasaka, at pangangalap sa kagubatan.[9][10][11] Sa kabila ng mga presyur mula sa pag-unlad, pagtotroso, at pagmimina, patuloy na pinangangalagaan ng mga Dumagat ang kanilang kultural na identidad at karapatan sa kanilang lupang ninuno sa ilalim ng Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA, o Batas sa Karapatan ng mga Katutubo) ng 1997.[12]
Klasipikasyon at terminolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga Dumagat, na kilala rin bilang Agta, ay isang katutubong pangkat ng Negrito sa Pilipinas.[13] Karaniwang itinuturing silang subgrupo ng mga Aeta,[14][15] na kinikilala bilang isa sa mga pinakaunang naninirahan sa kapuluan.
Ang ilang pamayanang Dumagat ay tinutukoy din bilang Remontado, mula sa salitang Kastila na remontar ("pumunta sa kabundukan"), na ginagamit noong panahon ng kolonyal para sa mga mabababang naninirahan na tumakas sa kabundukan upang umiwas sa pamahalaang Kastila. Ayon sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA, o Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining), ang mga Remontado ng Sierra Madre ay pinaniniwalaang nagmula sa mga populasyon ng mabababang lugar na lumipat sa kabundukan upang umiwas sa pamumuno ng Kastila.[3] Sa paglipas ng panahon, ang mga naninirahan sa kabundukan ay nakipag-asawa sa mga kalapit na Negrito, na nagbunsod ng ugnayan sa kamag-anak sa pagitan ng mga pamayanan.[3] Sa ilang konteksto, ang pinagsamang tawag na Dumagat–Remontado ay ginagamit upang tukuyin ang mga grupong ito.[16]
Ang terminong Dumagat ay isang eksonimo, at ang pinagmulan nito ay may ilang interpretasyon. Maaaring nagmula ito sa mga salitang "gubat" at "hubad", subalit mas malamang na nagmula ito sa "taga-dagat" (nakatira sa tabi ng dagat) o "mga dayuhan sa dagat."[17] Konektado rin ito sa salitang Tagalog na dagat, kaya nangangahulugang "tao ng dagat" o "mula sa baybayin." Ang terminong Dumagat ay ginagamit bilang endonimo lamang sa mga Negrito sa kahabaan ng Ilog Umiray at kalapit na lugar sa Quezon at Aurora.[4]
Sa ibang rehiyon, tinutukoy ng mga grupong Dumagat ang kanilang sarili bilang Agta, na nangangahulugang "tao" sa kanilang sariling wika.[5][6] Sa ilang pamayanang Agta, may negatibong konotasyon ang katawagang Dumagat dahil sa dating kaugnayan nito sa "tulisan" at "magnanakaw," kaya may ilan na tinatanggihan ang tatak.[18] May ilang pamayanan na mas gusto ang lokal na tawag tulad ng taga-bundok (mula sa bundok) o magkakaingin (mga nagsasagawa ng kaingin).[3]
Distribusyong pangheograpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mga pamayanang Dumagat ay pangunahing matatagpuan sa silangang dalisdis ng bulubunduking Sierra Madre, na dumadaan sa mga lalawigan ng Quezon, Aurora, Rizal, Bulacan, at Nueva Ecija.[3][7][8] May iba pang pamayanan sa Laguna,[19] Quirino, at Isabela,[20][21][15] na matatagpuan sa kabundukan at baybayin. Maliit at kalat ang mga pamayanang ito, kadalasan malapit sa mga ilog at malinaw na bahagi ng kagubatan na sumusuporta sa kanilang kabuhayan.
Ayon sa NCCA, ang populasyon ng Remontado sa silangang Rizal ay naitala sa 2,650 noong 1936, at tumaas lamang ng kaunti sa 2,750 matapos ang 45 taon, na nagpapakita ng halos walang-kilos na paglago kumpara sa limang beses na pagdami ng populasyon ng di-Remontado sa parehong panahon.[3] Tinataya ng Joshua Project na ang populasyon ng Agta Umiray, na malapit sa mga Dumagat sa Aurora at Quezon, ay nasa humigit-kumulang 5,300 indibiduwal, habang ang Casiguran Dumagat Agta sa hilagang Aurora ay nasa humigit-kumulang 900 indibiduwal.[20][22]
Kultura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Wika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga pamayanang Dumagat–Remontado ay gumagamit ng iba’t ibang wika: ilan ay nagsasalita ng Casiguran Dumagat Agta (isang wika ng Hilagang-silangang Luzon na Agta),[20][23] iba ay Remontado / Hatang-Kayi (isang natatanging wika sa Gitnang Luzon),[24] at marami ang bilingguwal sa Tagalog.[25] Ayon sa Katig Collective ng Unibersidad ng Pilipinas, ang Hatang Kayi ay dating malawakang sinasalita sa Sierra Madre subalit malaki ang pagbaba ng mga nagsasalita nito nitong mga nakaraang dekada.[26] Bumaba ang bilang ng mga nagsasalita mula humigit-kumulang 2,530 noong 2000 sa halos 325 noong 2018, na nagpapahiwatig ng malubhang panganib sa wika.[26] Tinataya ng Joshua Project na may humigit-kumulang 3,900 na nagsasalita ng wika ng Dumagat–Remontado sa kabuuan, kabilang ang Casiguran Dumagat Agta at mga kaugnay na diyalekto.[20][22]
Bagaman bilingguwal o multilingguwal sa Tagalog at iba pang pangrehiyong wika ang karamihan sa mga Dumagat–Remontado, nananatiling sentro ng kanilang oral na tradisyon, identidad, at buhay-komunidad ang Hatang Kayi at kaugnay na mga wika ng Dumagat.
Kabuhayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tradisyonal na umaasa ang mga pamayanang Dumagat sa pangangaso, pangingisda, pangangalap sa kagubatan, kaingin, at pagsasakang pampamayanan. Ginagamit ang mga pana, bitag, at lambat sa pangangaso; kadalasang sa mga ilog at baybayin ang pangingisda.[18][27] Nangangalap sila ng ugat, pulot, at halamang gamot; ginagamit ang mga dahon at tirang pagkain sa pag-aabono o maliit na pagpapabuti ng lupa. May ilang bukirin na pinapamahalaan ng pamayanan, kung saan sabay-sabay na nagtatrabaho at gumagamit ng lupa ang mga pamilya.[28] Ang Dumagat–Remontado ng General Nakar ay karaniwang nagtatanim ng maliliit na kaingin malapit sa kanilang paninirahang angkan.[29] Bagaman, dahil sa paninirahan ng mga taga-mababang lugar sa ilang hindi matamnan na lupa, napipilitan ang ilang pamayanan na ilipat ang kanilang bukirin sa mas mataas at malapit sa gilid ng kagubatan.[29]
Sa mga nakaraang taon, ang mga kabataan ay nakahanap ng modernong kabuhayan tulad ng pagbebenta ng gulay, ride-hailing (serbisyong paglalakbay sa pamamagitan pagtawag), paggabay ng turista, at paminsan-minsan na trabahong impormal o labag sa batas, dahil sa presyur mula sa industriya at limitadong lupa para sa tradisyonal na pagsasaka.[28]
Lipunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga komunidad ng Dumagat–Remontado ay nakabatay sa pinalawak na yunit ng pamilya na nagtutulungan sa kabuhayan. Karaniwang iguwalitaryo (o pantay-pantay) ang kanilang lipunan, may kaunting pormal na hirarkiya at nakatuon sa kooperasyon, resiprosidad, at pagtutulungan.[14] Ang pamumuno ay impormal at nakabatay sa sitwasyon, kadalasan mula sa mga nakatatanda o sa may kinikilalang karanasan at karunungan. Ang mga desisyon na nakakaapekto sa pamayanan ay ginagawa nang sama-sama, na nagpapakita ng kolektibong responsibilidad at batay sa konsenso na pamamahala.[30] Tulad ng ibang grupo ng Agta at Negrito, mahalaga ang ugnayan sa kamag-anak at pamamahagi ng yaman sa pagpapanatili ng pagkakaisa at kaligtasan ng grupo.[3]
Paniniwala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sumusunod ang Dumagat–Remontado sa animistikong paniniwala, na kinikilala ang espiritu ng kagubatan, ilog, at bagay na walang buhay.[31] May ilang lugar na naging Kristiyano, subalit nananatili ang tradisyonal na ritwal.[22]
Naniniwala ang mga Remontado ng Sierra Madre sa buhay pagkatapos ng kamatayan, kung saan ang bibit o espiritu ng yumao ay pinaniniwalaang bumabalik matapos mamatay ang katawan.[3] Sa tradisyon, inilibing ang patay sa lugar kung saan siya namatay, sinusunog ang bahay, at umaawit ang mga nagdadalamhati ng dalet sa loob ng siyam na gabi upang gabayan ang espiritu patungong kabilang buhay.[3] Sa kasalukuyan, ang mga burol at libing sa malalayong sementeryo ang karaniwan, bilang pagbabago dulot ng akulturasyon at adaptasyong panlipunan.[3]
Sayaw at musika
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mahalaga ang musika at sayaw sa buhay ng Dumagat–Remontados, parehong sa panlipunan at espiritwal na layunin. Mahilig silang umawit sa mga pista, pagtitipon, at seremonya, at isinasagawa ang ilda, isang awit sa tugma, habang naglalakad, nagtatrabaho, o nagpapahinga pagkatapos ng anihan habang umiinom ng lambanog, isang lokal na alak.[3] Umaawit rin sila sa pagdiriwang ng binyag, nagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng kundiman na may kasamang gitara, at nagbibigay-pugay sa mga namatay.[3] Nagsisilbing paraan ang musika ng pagkukwento at kasaysayang sinasalita, na nagpapakita ng karunungan ng ninuno at pang-araw-araw na karanasan.[18][32]
Sa makabagong konteksto, ginagamit pa rin ng mga pamayanan ang musika at sayaw bilang pagpapahayag ng kultural na identidad at pagkakaisa. Ang mga awit tulad ng "Un Potok" ("Ang Lupa") ay simbolo ng pagtutol at pakikaisa sa kanilang laban sa mga proyektong pang-ekstraktibo at dam na nakakaapekto sa kanilang lupang ninuno.[33]
Kilala rin ang Dumagat sa tradisyonal na sayaw na nagpapakita ng ugnayan nila sa kalikasan at komunidad. Isinasagawa nila ang pandanggo sa mga pista,[3] at ritwal na sayaw tulad ng sayaw pang-ulan, bilang panalangin para sa ulan sa panahon ng tagtuyot o pagbaba ng antas ng tubig.[34] Kinilala ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ang Mali bilang tradisyonal na sayaw ng Dumagat na kahawig ng agawan base (isang laro ng bata), at itinuturing na pambansang laro ng Dumagat sa San Jose del Monte, Bulacan.[35] Isinasagawa ang Mali sa gabi sa tabi ng ilog pagkatapos ng isang araw ng trabaho, na may dalawang koponang nagtatanggol sa kanilang base at may lider na gumagabay sa laro.[35] Pinapalakas ng mga pagtatanghal na ito, parehong musikal at pisikal, ang ugnayan sa komunidad at nagpapahayag ng pagpapahalaga sa kooperasyon, respeto, at pagkakaisa sa kalikasan.
Pagkain at lutuin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinapakita ng tradisyonal na lutuin ng Dumagat ang malapit nilang ugnayan sa kagubatan at ilog, pati na rin ang sustenableng paraan ng pamumuhay.[28] Kabilang sa karaniwang pagkain ang pananim na lamang-lupa, prutas, at iba pang produkto mula sa kagubatan, kasama ang hayop at isda mula sa pangangaso at pangingisda. Karaniwan, simple ang pagluluto, pinakuluan o inihaw, at pinapalaman ng asin, yerba, o gata.[36]
Ilan sa mga kilalang tradisyonal na putahe ay ang sinagumpit,[37] na halo ng isdang sariwa, batang yantok, at gata, at sinigang na niluluto sa kawayan na may katmon o ibang pampaasim.[38] Maaari ring lutuin ang manok sa ilalim ng lupa na binalot ng dahon ng saging.[38] Tradisyonal ding inihahanda ng Dumagat–Remontados ang ginataang pugahan na may suso,[2] isang gata na putahe na may pugahan (Caryota mitis)[39] at suso (Pomacea canaliculata) na kahawig ng ginataang kuhol, at adobo sa buho, kung saan hinihiwa ang baboy at niluluto sa loob ng kawayan kasama ang dahon ng laurel, bawang, sibuyas, paminta, at toyo sa ibabaw ng apoy. Parehong niluluto sa bamboo,[40] na nagpapakita ng paggamit ng likas na materyales at tradisyonal na pamamaraan sa pagluluto.
Makabagong isyu
[baguhin | baguhin ang wikitext]Patuloy na nahaharap sa hamon ang mga komunidad ng Dumagat–Remontado hinggil sa karapatan sa lupa, pangangalaga ng kultura, at pagka-degrada ng kalikasan. Malaki ang epekto ng mga malakihang proyekto sa kanilang lupang ninuno, partikular sa konstruksyon ng Dam na Kaliwa sa Ilog Kaliwa sa Quezon.[41] Ang proyekto, bahagi ng inisyatibong New Centennial Water Source (Bagong Sentenaryong Pinagmumulan ng Tubig), ay tinutulan ng Dumagat–Remontado dahil ipinaglalaban nilang napapahamak nito ang kanilang lupaing ninuno, sagradong lugar, at pagkuha sa malinis na tubig.[42][43] Sa kabila ng katiyakan ng pamahalaan sa konsultasyon at kompensasyon,[44][45] ayon sa mga pangkat pang-adbokasiya at mamamahayag, limitado ang partisipasyon ng komunidad sa desisyon at may pangamba sa pagtanggal sa kanila.[46][47]
Bukod sa konstruksyon ng dam, nahaharap din ang mga pamayanan sa pagtotroso, pagmimina, at pagsakop sa lupa para sa agrikultura na nagdudulot ng pagkaubos ng kagubatan at yaman.[48][49][42] Patuloy ang pagsisikap na makakuha ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT, Katibayan ng Pagmamay-ari sa Lupang Ninuno) sa ilalim ng IPRA,[50] bagaman mabagal ang proseso dahil sa burokrasya at pampolitikang hadlang.[51][52] Gayunpaman, sinuportahan ng lokal at pambansang pangkat pang-adbokasiya ang Dumagat–Remontado sa pagpapatibay ng kanilang karapatan at pagpapanumbalik ng tradisyonal na kaalaman upang palakasin ang katatagan ng pamayanan.[53]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "The House of Dula: Lakan Dula, the King of Tondo - Chapter 64: Dumagats, the Ancestors of Ancient People of Tondo and Metro M". sites.google.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ 2.0 2.1 Cruz, Jashley Ann (2022-04-28). "Recipes from the Dumagat Remontados tribe". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ 3.00 3.01 3.02 3.03 3.04 3.05 3.06 3.07 3.08 3.09 3.10 3.11 3.12 3.13 Noval-Morales, Daisy Y. "The Remontados of the Sierra Madre Mountains". National Commission for Culture and the Arts (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ 4.0 4.1 Reid, Lawrence A. (2013). "Who Are the Philippine Negritos? Evidence from Language". Human Biology (sa wikang Ingles). 85 (1) 15.
- ↑ 5.0 5.1 Quierrez, Kristel (2025-05-23). "A powerful Agta saying: Mountain restoration in the ancestral lands of Dumagat-Remontado youth in Sierra Madre". Restoration Stewards by Global Landscapes Forum (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ 6.0 6.1 "HAPI Got to Know the Agta Tribe" (sa wikang Ingles). 2023-02-02. Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ 7.0 7.1 Torrevillas, Domini M. (2012-12-11). "The Dumagats of Aurora". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ 8.0 8.1 Kabagani, Lade Jean (2022-03-01). "Gov't building houses for Dumagat tribes in Aurora, N. Ecija". www.pna.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ Espada, Dennis. "Bulatlat.com". www.bulatlat.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ Simbulan, Grace Tolentino (2023-06-20). "Philippines: Caught in the current – how nationalist development narratives threaten the future of Dumagat people". Minoriity Rights Group (sa wikang Ingles).
- ↑ "2nd Peace and Humanitarian Mission in General Nakar, Quezon - International Indigenous Peoples Movement". International Indigenous Peoples Movement (sa wikang Ingles). 2018-07-05. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-02-28. Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ Villamente, Jing (2024-01-18). "Dumagats hits DENR over 'shrinking' ancestral domain". Daily Tribune (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ "Peoples of the Philippines: Negrito". National Commission for Culture and the Arts (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ 14.0 14.1 Peralta, Jesus T. "Agta Dumagat". www.aurora.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ 15.0 15.1 Maentz, Jacob (2011-08-10). "The Agta & Dumagat of Isabela | Photographer Jacob Maentz" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ "Exploring the Dumagat Remontado and Sulod Indigenous Cultures - CliffsNotes". www.cliffsnotes.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ Eduardo, Jesster P.; Gabriel, Arneil G. (2021-04-01). "Indigenous Peoples and the Right to Education: The Dumagat Experience in the Provinces of Nueva Ecija and Aurora, in the Philippines". Sage Open (sa wikang Ingles). 11 (2) 21582440211009491. doi:10.1177/21582440211009491. ISSN 2158-2440.
- ↑ 18.0 18.1 18.2 Maraña, Emmanuel C.; Aveno, Chantyl G.; Magtibay, Zelthiel M.; Leon, Ara Mae P. De; Iriman, Marian M. (2023). "Dumagat tribes and tourism industry engagement in promoting cultural integrity". World Journal of Advanced Research and Reviews (sa wikang Ingles). 18 (2): 180–196. doi:10.30574/wjarr.2023.18.2.0804. ISSN 2581-9615.
- ↑ "Nezda VILLE Opens for the Dumagat Tribe of Paete, Laguna". CCAP | Contact Center Association of the Philippines (sa wikang Ingles). 2022-10-09. Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ 20.0 20.1 20.2 20.3 "Agta, Casiguran Dumagat in Philippines". joshuaproject.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ "GETTING TO KNOW THE DUMAGATS IN DINAPIGUE, ISABELA | MGB Region II" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ 22.0 22.1 22.2 "Agta, Umiray in Philippines". joshuaproject.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ "Agta, Casiguran Dumagat Language (DGC) – L1 & L2 Speakers, Status, Map, Endangered Level & Official Use | Ethnologue Free". Ethnologue (Free All) (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ Santiago, Vincent Christopher A. (2023-11-27). "Ang Dapat Mabatid ng mga Rizalenyo tungkol sa Kanilang mga Wika". UP Department of Linguistics. Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ Mabuan, Romualdo A. (2021). "The Ethnolinguistic Vitality of the Dumagat Communities in Three Philippine Provinces". Proceedings of the First International Conference on Computing, Communication and Control System (sa wikang Ingles). EAI. doi:10.4108/eai.7-6-2021.2308597. ISBN 978-1-63190-306-9.
- ↑ 26.0 26.1 "Dumagat, Remontado". The Katig Collective (sa wikang Ingles). University of the Philippines Diliman. Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ The Indigenous Peoples of the Philippines' 2007 Ed (sa wikang Ingles). Rex Bookstore, Inc. 2007. p. 13. ISBN 978-971-23-4670-5.
- ↑ 28.0 28.1 28.2 "The Dumagat Food Producers Resisting Philippines' Extractive Industries". Earth Journalism Network (sa wikang Ingles). 2023-09-06. Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-12-06. Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ 29.0 29.1 "Journal of Education, Psychology, and Humanities" (PDF). Adventist University of the Philippines (sa wikang Ingles). 1 (2). Disyembre 2018. doi:10.54345/jta.v4i1.
- ↑ "Agta Dumagat". www.aurora.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ "PeopleGroups.org - Central Cagayan Dumagat of Philippines". peoplegroups.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.[patay na link]
- ↑ Cinco, Maricar (2013-10-09). "From 'Inang Tanda,' Dumagat wisdom, stories and music". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-06.
- ↑ Salamat, Marya (2018-12-14). "In the Philippines, a dam struggle spans generations, inspires songs of unity for the environment". Bulatlat (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-06.
- ↑ LAYUG, MARGARET CLAIRE (2022-02-08). "Dumagat tribe performs rain dance amid concerns over Angat water level". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-06.
- ↑ 35.0 35.1 Miel, Ace (2024-06-15). "CCP'S TARA, LARO TA(Y)O INTERWEAVES TRADITIONAL GAMES AND DANCES". Cultural Center of the Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-06.
- ↑ "Documentation of Philippine traditional knowledge and practices in health: the Dumagat people of Barangay Dibut, San Luis, Aurora". www.tkdlph.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-06.
- ↑ "Agta-Bulos". Collectors Connection (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-06.
- ↑ 38.0 38.1 "How PHL Dumagat tribe cook fish sinigang, steamed rice using bamboo; wrapped chicken under the ground". Eagle News (sa wikang Ingles). 2021-05-23. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-08-18. Nakuha noong 2025-10-06.
- ↑ "Pugahan". University of Santo Tomas (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-06.
- ↑ ABS-CBN News (2020-03-15). Dumagat Tribe | Matanglawin. Nakuha noong 2025-10-06 – sa pamamagitan ni/ng YouTube.
- ↑ Cabico, Gaea Katreena (Enero 25, 2024). "Dumagat-Remontado folk to UN: China violated human rights in Kaliwa Dam project". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ 42.0 42.1 "Environmental Defenders Unite with Dumagat-Remontados Against Kaliwa Dam". CEC (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ Ramos, Mariejo. "Indigenous Filipinos fight Kaliwa dam project on their land | Context by TRF". www.context.news (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ Gita-Carlos, Ruth Abbey (Abril 6, 2022). "IPs, other stakeholders consulted on Kaliwa Dam: Palace". www.pna.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ Raymundo, Jr., Perfecto (Pebrero 21, 2023). "Rizal, Quezon IPs get 'disturbance fees' for Kaliwa Dam project". www.pna.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ Cabico, Gaea Katreena (Enero 9, 2020). "Dumagat leader disputes MWSS claim of community support for Kaliwa Dam". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ Conde, Mavic (2019-09-08). "Quezon province's IPs reject Kaliwa Dam project". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ Asido, Daniel (2023-05-18). "How extractive industries are threatening food security of Dumagat food producers". Bulatlat (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ De Vera, Sherwin (2023-12-01). "Sierra Madre, indigenous peoples face environmental turmoil". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ "Stop the Centennial Dams" (PDF) (sa wikang Ingles). Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka (PAKISAMA). Nakuha noong 2025-10-05.
- ↑ "State of the Indigenous Peoples Address 2015". lrcksk (sa wikang Ingles). 2015-08-09. Nakuha noong 2025-10-06.
- ↑ "No Data, No Story: Indigenous Peoples in the Philippines" (PDF). World Bank (sa wikang Ingles). Mayo 2024. Nakuha noong 2025-10-06.
- ↑ "Solidarity with the Dumagat Remontado and the March Against the Kaliwa Dam". ILC Asia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-10-05.