Pumunta sa nilalaman

Fesenjān

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang khoresh-e fesenjān (Persa (Persian): خورش فسنجان) ay isang matamis-at-maasim na Iraning nilaga o khoresh (Persa (Persian): خورش). Gawa ito sa katas ng granada at giniling na nogales[1][2] (tingnan ang bazha). Tradisyonal itong gawa sa itik o manok,[1][2] ngunit hindi rin kakaiba ang mga anyong gawa sa giniling na karne, qormeh, isda, o sa gulay lang. Sa halip din ng granada, maaaring gamitin ang yogur.[3] Depende sa paraan ng pagluto, maaari itong magkaroon ng matamis o maasim na lasa. Ihinahain ito kasabay ng sinaing o pilaw.[1][2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 http://www.recipesource.com/ethnic/africa/middle-east/persian/00/rec0001.html
  2. 2.0 2.1 2.2 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-23. Nakuha noong 2009-02-16.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Batmanglij, N. 2008. New Food of Life. 3rd ed. Mage: Washington, DC.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.