Feta
Ang kesong feta (Griyego: φέτα, kasariang pambabae; binibigkas na ˈfɛta [tiːˈʀiː]), o payak na feta lamang, ay isang uri ng keso. Karaniwan itong gawa mula sa gatas ng mga tupa o mga kambing. Ang kesong feta ay orihinal na nanggaling sa pangunahing lupain ng Gresya, o mula sa Lesbos na nasa Dagat na Aegeano. Mula noong 2007, ang ibang mga keso na karaniwang hindi nagmula sa Gresya na karaniwang yari mula sa gatas ng baka ay hindi na nararapat na tawagin bilang "feta". Ito ay ayon sa Hukuman ng Europa, batay sa mga pasya nitong C-465/02 at C-466/02 (mula Oktubre 25, 2005).
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang tinatawag na ngayon bilang "kesong feta" ay nakikilala ng mga sinaunang Griyego. Maaaring nalalaman ito ni Homer. Mayroong ilang mga pagtukoy sa kesong ito sa Odyssey. Ayon sa mito, ang cyclops na si Polyphemos ang unang gumawa ng keso. Dinala niya ang gatas sa loob ng mga buslong yari sa balat ng hayop. Nakuha niya ang gatas mula sa kaniyang mga tupa. Nagulat siya nang, pagkaraan ng ilang mga araw, ang gatas ay tumigas. Nang sinubukan itong kainin ni Polyphemus, naging masarap ang lasa nito. Natuklasan din niya na ang ganitong solido o pamumuo ay hindi kaagad na nasisira, hindi katulad ng gatas na madaling mapanis.
Ang pangalang "feta" ay mayroong simulaing Italyano. Hinango ito mula sa fetta (manipis na putol o hiwa), at ipinetsang pabalik sa ika-17 daantaon. Mas malamang na tumukoy ito sa paraan ng paghiwa ng keso na maninipis ang putol upang mailagay ito sa loob ng mga bariles.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.