Pumunta sa nilalaman

Florentino Collantes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Florentino Collantes
Si Florentino Collantes noong 1924
Kapanganakan1896
Kamatayan1951
MamamayanPilipinas
Trabahomakatà

Si Florentino Colantes ay kinilalang duplero ng kanyang panahon at nahirang na Ikalawang Hari ng Balagtasan. Gumamit siya ng sagisag na Kuntil Butil sa kanyang pagsusulat ng mga mapanudyong tula na may pamagat na Buhay Lansangan.

Taong 1896 nang isilang si Collantes.

Sa pagbigkas ng tula ay may sarili siyang paraan na sinasabing tatak Collantes. Ang kanyang mga tulang nasulat ay inuri sa tatlo -tulang liriko, tulang pasalaysay at tulang pambalagtasan. Higit na kinilala ang kanyang kahusayan sa pagsulat ng mga tulang pasalaysay. Halimbawa ng kanyang mga tulang liriko ay Ang Magsasaka, Pangaral sa Bagong Kasal, Patumpik-tumpik; sa tulang pasalaysay naman ay Lumang Simbahan at Ang Tulisan; sa pambalagtasan naman ay ang Balugbugan, Aguinaldo vs. Quezon, isang tulang pantuligsa sa larangan ng politika. Ang mga tula ni Collantes ay halos tungkol sa tao kaya karaniwan at madaling unawain.

Bata pa lamang siya ay mahilig na siyang magbasa ng awit at korido at naisaulo niya ang buong pasyon. Sa gulang na 15 taon ay nagsimula na siyang tumula at sumulat sa mga pahayagang Buntot Pagi, Pagkakaisa, Watawat, Pakakak at iba mga babasahin.

Siya ay kapanahon ni Jose Corazon de Jesus at mahigpit niyang kaagaw sa pagiging Hari ng Balagtasan. Binawian siya ng buhay noong 1951 sa gulang na 55.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.