Pumunta sa nilalaman

Nabubuong sanggol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Foetus)
Ang nabubuong sanggol na may gulang na 14 na mga linggo (edad sa loob ng sinapupunan ng isang nagdadalantaong-ina) na may sukat na 3 pulgada o 76 milimetro.

Ang nabubuong sanggol o namumuong sanggol (Ingles: fetus o foetus[1]) ay ang tawag sa isisilang na anak ng tao o hayop habang nasa loob pa ng tiyan ng ina. Karaniwang tumutukoy ito sa batang nasa sinapupunan pa ng nagdadalangtaong ina sa loob ng kapanahunang ng mga dalawang buwan.[2]

Kapag nagmukhang tao na ang bilig sa pagsapit ng ikalawang buwan ng pag-unlad nito, opisyal na itong tinatawag na nabubuong sanggol o ganap na fetus. Sa pagwawakas ng ikaapat na buwan ng pag-unlad (ika-16 na linggo), may sukat na itong 3 pulgada ang haba. Pagdating ng ikalimang buwan, umaabot na ito sa 4 1/2 pulgadang haba. Pagsapit ng huli ng ikaanim na buwan, mayroon na itong mahigit sa 6 na pulgadang haba. Sa pagkatamo ng ikapitong buwan, nagiging 8 pulgada na ang haba nito.[3]

Laki at timbang ng nabubuong sanggol

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Resulta ng ultrasound na kakikitaan ng imahe ng nabuong bata.

Sa ikapitong buwan ng pagbubuntis ng babaeng tao, tumitimbang ang nabubuong sanggol ng may 1 kilogramo. Mayroon itong sukat na 35 mga sentimetro ang haba. Magiging malaki ang nabubuong sanggol sa loob ng huling mga buwan ng pagdadalangtao. Pagsapit ng ika-8 mga buwan, nagkakaroon ng bigat na 3 mga kilogramo ang nabubuong sanggol.[1]

"Pagsipa" ng namumuong sanggol

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nararamdaman ng nagdadalangtaong babae ang "pagsipa" o paggalaw ng nabubuong sanggol mula sa ika-4 o kaya ika-5 buwan ng pagbubuntis. Madalas na nararamdaman ito ng isang babaeng dati nang nakapanganak. Sa panimula, nararamdaman ang pagkilos na ito ng nabubuong sanggol na may ilang ulit lamang sa loob ng isang linggo hanggang sa maging araw-araw na pagdaka.[1]

Pag-ikot ng nabubuong sanggol

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Umiikot ang nabubuong sanggol pagdating ng huling buwan ng pagdadalangtao. Pumupuwesto ang ulo nito sa baywang ng babaeng buntis, bilang paghahanda sa panahon ng pagluluwal o panganganak (paglalabas ng buo at ganap nang sanggol). Pagkaraan ng 40 mga linggo, isisilang na ang nabuong sanggol, na may karaniwang timbang na 3.6 mga kilogramo. [1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Ang foetus Naka-arkibo 2009-08-01 sa Wayback Machine., Pagdadalang-tao (pagbubuntis), Tagalog na pahina sa web mula sa Noruwega, IntroTagalog.cappelendamm.no, nakuha noong Agosto 3, 2009.
  2. Gaboy, Luciano L. Fetus - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Robinson, Victor, pat. (1939). "Paliwanag at paglalarawan ng embryo (bilig) at fetus (nabubuong sanggol) na nasa bahaging ukol sa embryo". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 272.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]