Force majeure
Ang force majeure /fors ma·zhúr/ (hango sa Pranses "nakahihigit na puwersa") ay karaniwang takda sa mga kontrata na nagpapawala ng pananagutang legal o obligasyon sa mga nagkasundong panig kung saka-sakaling may mangyaring kaganapang hindi nila kontrolado, gaya ng digmaan, welga, kaguluhan, krimen, o isang kaganapan na kung ituring ay gawa ng Diyos (tulad ng bagyo, baha, lindol, pagsabog ng bulkan, atbp.), na humahadlang sa mga panig na isakatuparan ang mga obligasyon na nakasaad sa kontrata. Sa katunayan, karamihan sa mga takdang force majeure ay di-nagpapawalang pananagutan sa panig sa pagtupad ng kontrata, bagkus pansamantala lamang itong ipinagpapaliban habang nagaganap pa ang force majeure.[1][2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ International Business and Law Textbook. (sa Ingles)
- ↑ Principle of Force Majeure (including international references), Trans-Lex.org (sa Ingles)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.