Pumunta sa nilalaman

Apat na Ebanghelista

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Four Evangelists)
Jacob Jordaens, The Four Evangelists, 1625-1630.

Sa tradisyong Kristiyano, ang Apat na Ebanghelista ay sila Mateo, Marcos, Lucas, at Juan, ang mga may-akda na may kaugnayan sa pagbuo ng apat na Ebanghelyo sa Bagong Tipan na may mga sumusunod na pamagat: Ebanghelyo ayon kay Mateo ; Ebanghelyo ayon kay Marcos ; Ebanghelyo ayon kay Lucas at Ebanghelyo ayon kay Juan.

Mga ebanghelyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pumapalibot ang apat na nilalang na may pakpak na sumasagisag sa Apat na Ebanghelista kay Kristo sa Kamahalan sa Romaneskong timpano ng Simbahan ni San Trophime sa Arles.
Ang simbolo ng leon ni San Marcos mula sa Ebanghelyong Echternach, nang walang mga pakpak dito.

Kilala ang mga ebanghelyo nila Mateo, Marcos, at Lucas bilang mga Sinoptikong Ebanghelyo, dahil pare-pareho ang karamihan sa mga kuwento nila, madalas sa parehong pagkakasunud-sunod. Habang iminumungkahi nang iba ang mga pinepetsang panahon ng mga ebanghelyo,[1][2] tradisyonal na isinasaalang-alang na ang mga may-akda ay dalawa sa Labindalawang Apostol ni Hesus, si Juan at Mateo, pati na rin ang dalawang "apostolikong tao," [3] Marcos at Lucas:

  • Mateo - isang dating maniningil ng buwis na tinawag ni Jesus upang maging isa sa Labindalawang Apostol,
  • Marcos - isang tagasunod ni Pedro at isang "apostolikong tao,"
  • Lucas - isang doktor na nagsulat ng kung ano ang aklat na Lucas ngayon sa Teopilo. Kilala rin na nakasulat ng aklat ng Mga Gawa (o Mga Gawa ng mga Apostol) at naging matalik na kaibigan ni Pablo ng Tarsus,
  • Juan - isang alagad ni Jesus at ang bunso ng kanyang Labindalawang Apostol.

Ebanghelista ang tinatawag sa mga ito, isang salita na nangangahulugang "mga taong nagpapahayag ng mabuting balita," dahil naglalayon ang kanilang mga aklat na sabihin ang "mabuting balita" ("ebanghelyo") ni Hesus.[4]

Sa ikonograpya, madalas na lumilitaw ang mga ebanghelista sa mga larawan ng Ebanghelista na nagmula sa klasikal na tradisyon, at madalas na kinakatawan ng mga simbolo na nagmula sa apat na "apat na nilalang" na gumuguhit ng trono-karwahe ng Diyos, ang Merkabah, sa pangitain sa Aklat ng Ezekiel (Kabanata 1) na makikita sa Aklat ng Pahayag (4.6-9ff), bagaman hindi kinokonekta ng mga sanggunian ang mga nilalang sa mga Ebanghelista. Karaniwang lumilitaw na may mga pakpak ang mga larawan tulad ng mga anghel, ngunit hindi palagi.[5][6] Kapag magkakasamang lumilitaw ang mga simbolo ng Apat na Evangelista, tinatawag ito na Tetramorpo, at karaniwan sa Romaneskong sining ng Europa, sa mga presko ng simbahan o pintang miyural, bilang halimbawa.

Lumago ang mga kahulugan na inipon ng mga simbolo sa paglipas ng mga daantaon,na may isang maagang pagbubuo ni Jeronimo,[5] at lubos na ipinahayag ni Rabanus Maurus na naglagay ng tatlong patong ng kahulugan ng mga hayop, bilang kumakatawan sa mga Evangelista (ikauna), sa katangian ni Kristo (ikalawa), sa mga birtud na kinakailangan ng isang Kristiyano para sa kaligtasan (ikatlo):[6] Maaaring nakita ang mga hayop na ito dati bilang kinatawan ng pinakamataas na anyo ng iba't ibang uri ng mga hayop, ibig sabihin, ang tao, ang hari ng paglikha bilang larawan ng lumikha; ang leon bilang hari ng mga mabangis na hayop (karniboro); ang kapong baka bilang hari ng mga alagang hayop (erbiboro) at ang agila bilang hari ng mga ibon.

Inilalarawan dito ang mga simbolo ng apat na Ebanghelista sa Aklat ng Mga Kells. Sumasagisag ang apat na nilalang na may pakpak kila, mula sa itaas sa kaliwa, Mateo, Marcos, Juan, at Lucas.
  • Marcos ang Ebanghelista, ang may-akda ng pangalawang ulat ng ebanghelyo, ay sinasagisag ng isang leong may pakpak – isang pigura ng katapangan at monarkiya. Kumakatawan din ang leon sa muling pagkabuhay ni Hesus (dahil pinaniwalaan na bukas ang mga mata ng leon habang natutulog, isang paghahambing kay Kristo sa libingan), at si Kristo bilang hari. Ipinakikita nito na dapat may lakas ng loob ang mga Kristiyano sa landas ng kaligtasan.
  • Lucas na Ebanghelista, ang may-akda ng pangatlong ulat ng ebanghelyo (at ang Mga Gawa ng mga Apostol), ay sinasagisag ng isang kapong bakang o torong may pakpak – isang pigura ng sakripisyo, paglilingkod at kalakasan. Nagsisimula ang ulat ni Lucas sa mga tungkulin ni Zacarias sa templo; kumakatawan ito sa sakripisyo ni Hesus sa Kanyang Pasyon at Pagpapako sa Krus, pati na rin si Kristo bilang Mataas na Pari (kumakatawan din ito sa pagkamasunurin ni Maria). Ipinakikita ng kapong baka na dapat maging handa ang mga Kristiyano na isakripisyo ang kanilang sarili habang sumusunod kay Kristo.
  • Juan ang Ebanghelista, ang may-akda ng ika-apat na ulat ng ebanghelyo, ay sinasagisag ng isang agila – isang pigura ng kalangitan, at pinaniniwalaan ng mga Kristiyanong iskolar na may kakayahang tumitig nang diretso sa araw. Nagsisimula si John sa walang hanggang pangkalahatang ideya ni Hesus na Logos at nagpapatuloy upang ilarawan ang maraming mga bagay na may "mas mataas" na kristolohiya kaysa sa tatlo pang (sinoptiko) na ebanghelyo; kumakatawan ito sa Pag-akyat ni Hesus, at ang banal na katangian ni Kristo. Sumasagisag ito na dapat tumingin ang mga Kristiyano sa kawalang-hanggan nang walang paurong habang naglalakbay sila patungo sa kanilang layunin ng pagkakaisa sa Diyos.

Inilarawan ang bawat isa sa mga simbolo na may mga pakpak, kasunod ng mga sangguniang biblikal muna sa Ezekiel 1-2, at sa Pahayag. Ipinakita ang mga simbolo kasama ng, o sa halip ng, mga Ebanghelista sa unang bahagi ng medyebal na mga Aklat ng Ebanghelyo, at ang karaniwang saliw sa Kristo sa Kamahalan kapag inilalarawan sa parehong panahon, na sumasalamin sa pangitain sa Pahayag. Ipinakita ang mga ito bilang isa sa pinakakaraniwang mga paksa na matatagpuan sa mga portada ng simbahan at mga apsis, pati na rin sa mga iba pang lokasyon.[7]

Kapag nakapalibot kay Kristo, karaniwang lumilitaw ang tao sa itaas na kaliwa – sa itaas ng kanang kamay ni Kristo, na may leon sa itaas ng kaliwang bisig ni Kristo. Sa ilalim ng tao ay ang baka at sa ilalim ng leon ay ang agila. Sumasalamin ang dalawang ito sa ideyang medyebal ng pagkakasunud-sunod ng "pagkamaharlika" ng mga hayop (tao, leon, baka, agila) at ang teksto ng Ezekiel 1:10. Mula sa ikalabintatlong siglo nagsimulang manghina ang kanilang paggamit, dahil sa paggamit ng isang bagong pananaw kay Kristo sa Kamahalan, na nagpapakita ng mga sugat ng Pasyon.[8] Minsan sa mga larawan ng Ebanghelista lumilitaw ang pagsusulat ng ebanghelista.

Pagbibigay ng pangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Madalas na binabanggit si Mateo bilang "unang ulat ng Ebanghelyo," hindi lamang dahil sa lugar nito sa kanon, kundi pati na rin sa patristikong saksi sa ganitong epekto. Gayunman, itinuturing ng karamihan sa mga iskolar sa biblia, ang ulat ng ebanghelyo ni Marcos bilang unang isinulat (tingnan ang priyoridad Markan) at ang ulat ng ebanghelyo ni Juan bilang huling isinulat.

Naging kaugalian na magsalita tungkol sa "Ebanghelyo ni Mateo" ... "Ebanghelyo ni Juan", hindi lamang sapagkat mas maikli ito at madaling ibigkas; ngunit nagkakahalagang tandaan na hindi gumagamit ang mga sinaunang titulo ng dyenitibo ng pagmamay-ari, ngunit ang pang-ukol na "ayon kay", na nagpapahiwatig na nagtatakda ang bawat ebanghelista ng isang "Ebanghelyo ng Diyos" ayon sa kanyang sariling kakayahan, ngunit hindi sa kahulugan ng paglikha ng kanyang sariling kuwento.

Mga paglalarawan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Apat na Ebanghelista, 10th century

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lincoln, Andrew (2005-11-25). Gospel According to St John: Black's New Testament Commentaries. ISBN 9781441188229.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. France, R.T (2007-07-11). The Gospel of Matthew. ISBN 9780802825018.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Tertullian, Adv. Marc. V.2.
  4. "The good news of Jesus Christ, the Son of God." Mark 1:1
  5. 5.0 5.1 "Jerome, Preface to Commentary on Matthew". The Fathers of the Church. Bol. 117.
  6. 6.0 6.1 Male, Emile (1913). L'Art religieux du XIIIe siècle en France. Collins.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Male, op. cit.
  8. Male, op. cit.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]