Kapong baka

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang nasa-edad na kapong-bakang Zebus sa Pune,Indiya
Isang kapong-bakang Zebus na humihila ng kariton sa Mumbai, Indiya.

Ang mga kapong baka[1] (Ingles: ox [isahan], oxen [maramihan]) ay mga naturuang alagang mga hayop na ungguladong wangis-baka. Ginagamit silang sa pag-aararo ng taniman, paglalakbay, sa paghila ng mga kariton, pagdidikdik ng mga butil (mga paa nila), at bilang mga taga-panggiling ng mga butil (ikinakabit sila sa mga mekanikal na makinarya dahil sa kanilang lakas), irigasyon, pangangahoy sa kagubatan, at iba pang mga katulad na gawain.

Sanggunian[baguhin]

  1. De Guzman, Maria Odulio. (1968/2005). "Ox, kapong baka". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.