Francisco Arcellana
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas Francisco Arcellana | |
---|---|
Kapanganakan | 6 Setyembre 1916 |
Kamatayan | 1 Agosto 2002 | (edad 85)
Nasyonalidad | Pilipino |
Nagtapos | Unibersidad ng Pilipinas, University of Iowa |
Parangal | Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas |
Si Francisco "Franz" Arcellana (ipinanganak na Zacarias Eugene Francisco Quino Arcellana; 6 Setyembre 1916 – 1 Agosto 2002) ay dating Pilipinong manunulat, makata, peryodista, kritiko at guro. Isa siyang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa larangan ng Panitikan.
Personal na buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pang-apat si Arcellana sa 18 magkakapatid na mag-anak ni Jose Arcellana y Cabaneiro at Epifanio Quino. Nagsimula siyang mag-aral sa Tondo at namulat sa pagsusulát habang nag-aaral sa Tondo Intermediate School; ngunit nahasa lamang ito nang siya'y nag-aral na sa Manila West High School (ngayo'y Mataas na Paaralang Florentino Torres) nang sumanib sa pahayagan ng kanilang paaralan ang The Torres Torch.[1] Pinagpatuloy niya ang kaniyang pagsusulat habang nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas.
Ikinasal siya kay Emerenciana Yuvienco at nagkaroon ng anim na anak. Ang kaniyang anak na si Juaniyo ay isa ring manunulat at makata.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "The Biography of Francisco Arcellana". PoemHunter.com. Nakuha noong 6 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.