Pumunta sa nilalaman

Voltaire

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Francois-Marie Arouet)
Voltaire
Kapanganakan21 Nobyembre 1694[1]
  • (Île-de-France, Metropolitan France, Pransiya)
Kamatayan30 Mayo 1778[2]
MamamayanPransiya[3]
NagtaposLycée Louis-le-Grand
Trabahopilosopo,[4] makatà,[4] historyador, manunulat ng sanaysay, mandudula, awtobiyograpo, diyarista, manunulat ng science fiction, politologo, manunulat
Asawanone
Pirma

Si François-Marie Arouet (21 Nobyembre 1694  – 30 Mayo 1778), na mas kilala sa kanyang pangalang pampanitikan na Voltaire, ay isang manunulat, tagapagsanaysay, at pilosopong namuhay noong Panahon ng Pagkamulat sa Pransiya. Kilala siya sa kanyang katalinuhang may bahid ng pagpapatawa at sa kanyang pagtatanggol ng mga kalayaang sibil, na kapwa kinabibilangan ng kalayaan sa pananampalataya at malayang kalakalan.

Isang mabunga o prolipikong manunulat si Voltaire na nakagawa ng mga gawa sa halos lahat ng mga anyong pampanitikan, kabilang na ang mga dula, mga tula, mga nobela, mga sanaysay, mga akdang pangkasaysayan, mga gawang pang-agham, mahigit sa 20,000 mga liham, at mahigit sa 2,000 mga aklat at mga pampleto.

Isa siyang lantad na tagapagsalita ng kanyang pagtangkilik sa repormang panglipunan, sa kabila ng mahigpit na mga batas ukol sa mga pagbabawal at marahas na mga multang ipinapataw sa mga sumusuway. Bilang isang polemisistang satiriko, malimit niyang gamitin ang kanyang mga gawa upang tuyain ang dogma ng Simbahang Katoliko at ang mga institusyong Pranses noong kanyang kapanahunan.

Isa si Voltaire sa ilang mga tao ng Panahon ng Pagkamulat (kasama nina Montesquieu, John Locke, Thomas Hobbes, at Jean-Jacques Rousseau) na nakaimpluwensiya ang mga gawa at mga ideya sa mahahalagang mga tagapag-isip ng Himagsikang Amerikano at ng Himagsikang Pranses.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Voltaire".
  2. "François Marie dit VOLTAIRE Arouet".
  3. https://libris.kb.se/katalogisering/rp3520m91f4fp46; petsa ng paglalathala: 8 Hunyo 2017; hinango: 24 Agosto 2018.
  4. 4.0 4.1 https://cs.isabart.org/person/35933; hinango: 1 Abril 2021.

TaoPransiyaPanitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Pransiya at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.