Pumunta sa nilalaman

Freddie Aguilar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Freddie Aguilar
Freddie.
Freddie.
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakFerdinand Pascual Aguilar
Kapanganakan (1953-02-05) 5 Pebrero 1953 (edad 71)
PinagmulanIsabela, Pilipinas
GenreFolk
Pop
TrabahoMang-aawit at manunulat ng awitin
Taong aktibo1973–kasalukuyan
Label

Si Ferdinand Pascual Aguilar (ipinanganak 5 Pebrero 1953), higit na kilala bilang Freddie Aguilar o Ka Freddie Aguilar, ay isang Pilipinong mang-aawit. Kilala siya sa pag-awit niya ng "Bayan Ko", na naging awit ng oposisyon ng rehimeng Marcos noong Rebolusyong EDSA ng 1986,[1] at sa awitin niyang "Anak", ang pinakamabentang awiting Pilipino.[2]

Siya ay nakapag-aral ng "electrical engineering" sa De Guzman Institute of Technology ngunit hindi nakapag-tapos ng kanyang programa. Sa halip, pinursige nito ang pagiging musikero mula sa kalye hanggang sa mga bar. Noong 1973, napangasawa niya si Josephine Quiepo.

Iniwan ni Freddie Aguilar ang kanyang mga magulang at paaralan na di pa natatapos sa edad na 18. Dahil dito, nailikha niya ang kantang "Anak" na nagsisilbing paumanhin sa kanyang pagkakamali.

Pagiging Aktibista

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Limang taon bago niya isulat ang "Anak", Si Freddie Aguilar ay sumali sa mga protesta laban sa gobyerno noong panahon ni Marcos sa pamamagitan ng pag-sulat ng mga awitin. Ang mga kanta na nagpabawal sa kanya sa publiko ay ang "kata-rungan", "Pangako", at "Luzviminda" na naghihikayat sa mga Pilipino na magising sa katotohanan. Nakikilala rin siya sa pagdagdag ng verse sa "Bayan Ko".

Pagpuri sa ibang bansa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang "Anak" ay di lang nakakamit ng mataas na bilang sa charts ng Pilipinas ngunit pati na rin sa karatig bansa. Nakabilang ang kantang ito sa Japan sa unang ranko at nabigyangg halaga sa Indonesia, Malaysia, Hong Kong, at mga bansa sa Europa. Ang kanta ay naging tanyag at naisulat sa 23 ibat-ibang lengwahe. Ang Billboard ay rumeporta na ito ay ang ikalawang hit na awit noong 1980s. Ito rin ay naitalagang highest selling record sa kasaysayan ng musika sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakatira pa rin si Freddie sa bansa at nasa kalagyan kung saan may mga panatiko itong "Ka Freddies". Malakas ang kanyang ugnay sa mga sambayanang Pilipino at mga kababayang naninirahan sa ibang bansa.

Noong 18 Enero 2008, siya ay naparangalan ng Asia Star Award sa prestihiyosong Korea Asia Model Award Festival

Taon Pamagat Record label
1978 Anak Sunshine
1979 Freddie Aguilar PDU
1980 Diyosa Ugat Tunog ng Lahi
1980 Freddie Aguilar (US release) RCA Records
1983 Bayan Ko... 'Di Ka Nag-Iisa G. Records International[3]
1983 Magdalena G. Records International
1985 Katarungan G. Records International[4]
1985 Pilipino G. Records International
1987 Freddie Aguilar – Anak – Double "Best Of" Album Panarecord International[5]
1987 EDSA Ivory Records
1988 Sariling Atin Alpha Records
1989 Hala Bira[6] Alpha Records[7]
1990 Heart of Asia[8] OctoArts International
1991 Kumusta Ka AMP
1991 Freddie Aguilar AMP
1992 Pagbabalik Himig Vicor Music
1993 Minamahal Kita Alpha Records
1994 Anak (Special Collector's Edition) Vicor Music
1994 Diwa Ng Pasko Alpha Records
1995 Fifteen Years of Freddie Aguilar (AMP release) Aguilar Music
1995 The Best of Freddie Aguilar Alpha Records
1997 Freddie Aguilar Live! Global Tour (Vols. 1, 2, 3) Aguilar Music / Vicor Music[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Priestess, Wife, Revolutionary: A new film documents the role of women in Philippine history". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2006-12-15. Nakuha noong 2013-10-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Dot Ramos Balasbas-Gancayco (2006-12-12). "Still up on his toes (an interview with Freddie Aguilar)". The Philippine Star. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-03-10. Nakuha noong 2010-06-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Bayan Ko... 'Di Ka Nag-Iisa" – sa pamamagitan ni/ng www.ebay.ph.
  4. "Katarungan" – sa pamamagitan ni/ng www.ebay.ph.
  5. "Freddie Aguilar – Anak – Double "Best Of" Album (1987, CD)" – sa pamamagitan ni/ng www.discogs.com.
  6. "Freddie Aguilar releases 'Hala Bira'". Manila Standard (sa wikang Ingles). Kagitingan Publications, Inc. Agosto 1, 1989. p. 26. Nakuha noong Setyembre 29, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Hala Bira" – sa pamamagitan ni/ng www.ebay.ph.
  8. "Freddie's album released". Manila Standard (sa wikang Ingles). Kagitingan Publications, Inc. Nobyembre 3, 1990. p. 17. Nakuha noong Mayo 17, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Freddie Aguilar – Freddie Aguilar ...Live! Global Tour (1997, CD)" – sa pamamagitan ni/ng www.discogs.com.